Capítulo 44

286 20 2
                                    

Shot

Halos hindi na ako makahinga habang hinihila ako ni Ramil papasok sa liblib ng kagubatan. Hindi ko na alam kung lalabanan ko ba siya o tatakbuhan dahil kahit ano mang gawin ko ay pwede akong mamatay dahil may kapit siyang baril.

Hindi ko rin ito maaagaw dahil mabigat ito at malaki. Kahit kailan ay hindi pa ako naka hawak ng baril. 

"Aray!" I hissed. 

Tumama ang paa ko sa isang matulis na ugat ng puno dito. Agad itong nag dugo. Sana ay walang lason ito. 

"Tatanga tanga ka kasi! Sayang at hindi natuloy ang kasal nating dalawa." aniya at humarap sa akin. Nanlamig ang katawan ko ng ngumisi ito. Yung ngising pang adik. Dahan dahan niyang ibinaba ang tingin niya sa aking katawan. 

Kinakabahan ako sa aking iniisip. Hindi! Hindi niya gagawin sa akin iyon sa ganitong panahon! 

"Akin ka lang. Bago tayo mamatay ay kailangan muna kitang matikman!" sigwa niya. 

Laglag ang panga ko dahil kahit sa ganitong panahon ay naisip niya pang gumawa ng kasakiman sa akin? Imbis na gumawa siya ng paraan para tumakas ay ang kaniyang laman ang inuuna niya. 

Napatili ako ng punitin niya ang aking dress.

My wedding dress was ripped apart showing my cleavage. Nanginginig ang kamay kong tinakpan ito. 

"Akin ka lang..." bulong niya. 

"Please don't! Huwag mong gawin sa akin yan!" pag mamaka awa ko. Parang sinapian ng masamang espirito si Ramil dahil tumawa lamang ito. 

Ibinaba niya ang baril niya kaya hindi ko sinayang ang pag ka kataong lumaban sa kaniya. Inipon ko ang natitirang lakas ko at sinipa siya sa kaniyang pag ka lalake. Naaninag ko si Nico at Ishmael sa likuran namin. Muli akong tumingin kay Ramil. Napaupo siya sa lupa dahil sa sakit.

Serves you right!

Akma itong lalapit sa akin ng biglang may lumabas na dugo sa kaniyang bibig. Tumingin siya sa kaniyang tiyan. May dugo ito. Mukhang natamaan siya ng bala sa kaniyang tyan.

Patalikod ang bagsak niya. Buti nalang at hindi dumiretso ang bagsak niya sa akin. Ayokong madikit sa katawan niya. 

Naaninag ko sa likod ni Ramil si Nico at si Ishmael na nakasunod sa kaniya. Agad akong tumakbo palapit siya kaniya. Pareho naming niyakap ang isa't isa. I miss him so much! Oh my god! 

"Shhhh..." he whispered. He caressed my hair using his hand. "It's alright now Love. You are safe now. I love you." 

I nodded in between my sobs. 

"Fuck!" Nico blurted. 

Agad niya akong itinumba sa lupa. Dumapa siya sa akin habang nag pinapaputok ang kaniyang baril. Tinakluban niya ako gamit ang katawan niya para hindi ako matamaan ng bala at kung tatamaan man ako, sa kaniya ito pupunta. 

May mga sundalong sumunod sa amin at tinignan ng mabuti ang buong lugar. Nang wala ng kalaban ay itinayo ako ni Nico. Iginala niya ang paningin niya sa akin para tignan kung may sugat ba ako. 

"O-okay lang ako, Nico. Wala naman akong galos." I said with my tired voice. He looked at me with full of gentleness and concern. I smiled at him. A genuine smile.

"Find Ishmael. He fell on that cliff." Nico said with full of authority into his subordinates.

Nahulog si Ishmael sa bangin? Oh my god!

Agad akong nakaramdam ng pang hihina.

Nataranta siya ng makitang unti unti na akong pumipikit. I'm so tired. Gusto ko ng mag pahinga. 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon