Capítulo 23

370 22 2
                                    

Remember

Pinigilan kong humikbi dahil sa nangyari sa sagutan namin ni Nico. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon pala ay dala dala niya ang hinanakit niya sa akin ng mga panahong umalis ako ng papuntang Espanya. Akala niya ay iniwan ko siya ngunit hindi ito ang totoo. Sinubukan kong kausapin si Daddy ngunit ayaw kaong patulungin nito s aking kaso. Ano ba ang nangyari sa kaniya nang mga panahon na iyon?

Maybe Daddy thought that I was terrified and traumatized of him that's why he doesn't want me to take part in my case?

"Hello? Dad?" I asked. Hindi ko maiwasan ang lungkot at iritasyon sa aking tono. Ngayon ko lang nalaman na pwede mo palang maramdaman ito ng sabay sa parehong oras. Rinig ko ang lalim ng kaniyang pag hinga. Kakatapos niya lang sigurong mag work out. 

"Angel? Do you have a problem? Bakit parang iba ang tono mo?" Daddy asked. My lips parted. I am quite surprise because he was able to tell the difference in the tone of my voice. Madalang lang naman kaming mag usap kaya hindi ko inexpect na kilala niya ang tono ko.

"W-Wala po Dad. Bakit po kayo napatawag?" I stuttered in my first word. Ano nalang kaya ang reaksyon niya kapag nalaman niyang may nangyayari nanaman sa amin ni Nico? 

"I am invited to your Tito Andy's event. It is their company's anniversary. Isasama kita dito. Kasama ko kayo nila Luisina at Raphael." he said through the call. Muli nanaman kaming mag kikita ni Tita Luisina. I wonder how is she doing? 

"Okay Dad. Kailan po ito?" I asked. 

"Next week. You should prepare a song. Kilala ka bilang mang aawit kaya mag handa ka dahil tatawagin ka sa entablado." Dad stated firmly. I sighed, ayoko na ring makipag talo kaya pumayag nalang ako. 

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung huli kaming mag usap ni Nico. Hindi ko na rin siya nakita mula noon. Hahabulin ko ba siya para mag paliwanag ako? Siguro nga. Pero hindi muna ngayon, iisipin ko muna kung anong kanta ang ang aawitin ko para sa anniversary na iyon. 

Labas ako ng labas ng aking unit sa loob ng dalawang araw dahil nag babakasakali akong makakasalubong ko si Nico ngunit palagi akong biguan. Nasaan kaya ito? Okay lang ba ito? Baka nag suicide na kaya hindi na lumalabas? Jusko! Huwag naman sana.

Hapon na ng tumawag ako kila Hirah, Anica at Rianne via face time. Kinwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Nico. Ganito ako sa kanila. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay alam nila. They are like my human diaries.

It's nice to have a human diary that is always available to listen to your thoughts and your feelings.

"Oh my gosh! Sabi ko na nga ba be! May gusto pa rin siya sayo!" tili ni Hirah. Nasundan ito ng tili ni Anica. Si Rianne ay nakangiti lang ngunit halata rin namang kinikilig. 

"Girl! Comeback na ba kayo? Comeback! Comeback! Comeback!" Paulit ulit na linya ni Anica. Sumabay pa si Hirah sa kaniya at si Rianne naman ay pumalakpak na may beat. Oh my god! Mas lalo akong nahihirapan mag desisyon nito kung ganito sila!

"Hanga ako sa pag mamahal sayo ni Nico, girl. Ang dami nang taon ang lumipas pero ikaw pa rin ang laman ng puso niya." sabi ni Anica at hinubad ang glasses niya. Malimit niya nalang suotin ang glasses niya dahil naka contacts na siya madalas. Glow up be like. 

"Pero teka nga! Diba may jowa na yang si Nico?" sambit ni Hirah at kumunot ang noo. Halata ring nag bago ang pananaw niya sa amin.

"Ay hala! Bakit mo pa pinaalala. Epal ka girl! Sinira mo na mood naming tatlo!" Iritang linya ni Anica.

"My god! Huwag mong kalimutan na Jowa niya si Sasha! Ano to? Ginagawa niyang kabit si Angel? Lakas maka temptation wife kahit hindi pa naman kayo kasal!" linya ni Hirah. 

Kidnapper's AffectionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora