Capítulo 34

307 17 3
                                    

Ruin

Hinila ko si Ira papunta sa kaniyang sasakyan. Buti nalang at may dala siyang sasakyan ng pumunta siya sa aking unit. Nasa talyer pa kasi ang sasakyan ko! Walang nagawa si Ira kundi sumunod sa mga gusto ko. 

"Sa Manila Doctor's Hospital tayo Ira!" sabi ko ng natataranta. Pinunasan ko ng panyo ang mga butil ng pawis na namumuo sa aking noo at leeg. 

Pinaandar na ni Ira ang sasakyan papuntang Ospital ngunit naiinis ako dahil bigla siyang tumigil at lumingon sa akin ng nakangisi.

"What?" I asked. Ngumuso siya sa akin kaya sumimangot ako. Anong nginunguso nito ngayon? Feeling cute pag naka nguso. Sinundan ko kung saan nakaturo ang nguso niya at nakita kong nasa seat belt ko ito. Hindi ko pala naikabit ang seat belt ko.

"Safety first po Ms. Angel! Ang cute ko talaga pag nag p-pout." bulong niya. Inirapan ko nalang siya dahil natataranta pa rin ako sa nalaman kong balita tungkol kay Nico. 

Tawag ako ng tawag sa number ni Nico ngunit hindi ito sumasagot. Shocks! Nabugbog ba ito kaya na punta sa ER? Tatlo ba naman kasi ang kalaban! Sino ba namang mananalo kung isa laban sa tatlo?!

Nico had to face this things because of me. I'm so sorry Nico. 

Tumigil kami sa may 7/11 kaya tumingin ako kay Ira ng may pag tataka. Nag peace sign ito sa akin. 

"Bili po muna tayo ng food, nagutom po ako eh. Hehe." linya niya. Tinaliman ko ang tingin ko sa kaniya kaya namutla siya. Pinaandar niya nalang ang sasakyan niya. 

"Sabi ko nga po mamaya nalang." bulong niya. My god! Ano ba itong P.A. ko!

Text rin ako ng text kay Nico ngunit kahit isa ay wala akong nakuhang reply. Tinext ko rin si Anica at Rianne, nag tatanong ako kung may balita ba sila. Hindi naman nag rereply si Anica at si Rianne naman ay wala na daw alam. 

Pag kapark palang ni Ira ay bumaba na ako at dumiretso sa ER.

Joke lang pala kasi hindi ko alam kung nasaan yung ER kaya pumunta kami sa may teller. Si Ira ang kumausap kay ate nurse na halatang inaantok na. 

Mahirap talaga kapag nasa field ka ng healthcare and medicine. Naranasan ko ito ng mag aral ako ng Medical Technology sa Spain. 

"Dun daw po sa kanan Ms. Angel. Hindi daw po diyan sa kaliwa. 'Lika dito!" ani Ira at nanlaki ang mga mata ko ng hilahin niya ako patakbo sa ER. 

Teka nga, sino ba ang nag aalala sa aming dalawa? Kanina ay kampante lang siya ah?

Nakita ko si Nico na nakaupo sa harap ng ER. May kasama itong lalaki ngunit nakatayo ito. Hindi ko pinansin ang kasama niya at nag mamadali akong lumapit kay Nico. 

Bumuhos na ang luha ko ng makita kong may sugat ito sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Nico sa nangyari at niyakap ako ng mahigpit. 

"I'm sorry Nico. Nakipag away ka pa tuloy dahil sa akin. Andami mo tuloy sugat." humihikbi na ako habang naka siksik sa leeg niya. Pinapakalma lang ako ni Nico. Hinihimas niya ang likod ko.

Kasalanan ko ito! Hindi niya dapat nararanasan ang mga bagay na ito! This is my fault!

"Why is she crying? Hindi niya ba nakikita na sa labi ka lang may galos samantalang nasa ER yung mga nanghamon sayo?" sabi ng lalaking nasa tabi niya. Teka? Itong boses na ito? Pamilyar siya? 

Kumunot ang noo ko ng tumigas ang katawan ni Nico. Nilingon ko ang lalaking kasama niya at namukhaan kong ito yung bartender nung nag bar ako! Nginisian niya ako. Mag kakilala sila ni Nico?

Kinuha ni Nico ang mga mata ko at umarte siyang nasasaktan. 

"Don't listen to him. Can't you see? I'm badly hurt. Can I have a kiss on my lips?" paawa ni Nico. Umarte itong masakit na masakit ang labi niya.  

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon