Capítulo 10

521 22 23
                                    

Happy Birthday


2 days had past ever since the accident on the river stream and I can say that during those days, I am paranoid. Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko talaga ay may mangyayaring hindi maganda. Ganitong bigat din ang naramdaman ko matapos ang concert ko noon. Ganitong klaseng pag tibok at pangamba rin ang naramdaman ko sa puso ko. 


Or am I just being paranoid?


Nico doesn't seem to mind. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Kampante lang siya. 


I looked at him and he is currently stitching his white tee shirt that has been damaged by my clumsiness in the mud. Hindi ko alam na, nahiwa pala ang isang parte sa likod non dahil sa isang bato, kaya ito ngayon si Nico at tinatahi ito para raw masuot ko pa ulit. Kahit pang tulog nalang daw.


Naisip ko nga na bibilhan ko nalang siya ng bago kaso, it might be rude to say it, kaya sinarili ko nalang. Hindi ko rin naman kayang lumabas ngayon lalo na't sa sitwasyon namin. 


"Nico, bakit parang hindi ka man lang kinakabahan?" I asked. Totoo naman eh. Parang wala lang sa kaniya na may nakakita sa aking ibang tao na maaaring mag sabi kung nasaan ako.


"Saan naman? I noticed that you are being uneasy these days." Ibinaba niya ang kaniyang tinahing tee shirt at tumititig sa akin. Kumunot ang noo niya at ngumuso siya. Cute.


"Duon sa babaeng nakakita sa akin sa may sapa. Baka isumbong nila ako o kaya--" I was stopped when he hugged me. He sighed and kiss my head. 


"You are so paranoid, love. Stop it okay? It's not healthy." he said under my ear. Naiinis ako sa sarili ko dahil nakakalma niya ako sa simpleng salita niya lang. Para akong pinainom ng pills na pampakalma dahil sa presensya niya. Naramdaman kong may namumuo nanamang luha sa gilid ng aking mga mata.


"Paano kung mag kahiwalay na tayo?" I whispered. He shook his head and smiled at me. 


"Edi hahanapin kita. I would do everything just to find you and be with you again." Pinunasan niya ang mga tumakas na luha sa aking mga mata. 


"You look an angel. A crying angel to be exact." he smiled. 


I should re assure my heart that nothing bad will happen to us. Hindi kami mag kakahiwalay. Loving him is dangerous. My love for him could ruin my career, my boundaries, and specially my life, but would it ruin my life when he is the one who is building it up? 


My smiles in front of the camera were plastered. My opinions were scripted. I wouldn't choose what I want instead. Nico turned my smiles into something realistic. He let me burst out my lines like I had lost the script. I would be helpless without him. Nababaliw na talaga ako. 


"Penny for your thoughts?" Aniya. Tumayo siya at sinuot ang kaniyang jacket. Kumunot ang noo ko. 


"Saan ka pupunta?" tinitigan ko siya habang sinusuot niya ang sapatos niya. 


Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now