Capítulo 36

289 19 4
                                    

Yes

Nandito na kami ngayon sa aking condo. Gabi na at pinapatulog ko na si Raphael dahil malapit ng mag hating gabi. Patay ako kay Daddy nito kapag nalaman niyang gising pa si Raphael ng ganitong oras. Masiyado kasing nahumaling kay Nico kaya gusto pang makipag laro.

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ko ang aking kapatid na nakayakap kay Nico. Ang sarap maging bata. Wala ka nang ibang aalalahanin pa kundi ang kumain, umiyak, at makipag laro.

Parang gusto ko nalang maging bata.

Naguguluhan ako sa mga ginagawa ni Sasha. Is she desperate? Bakit kailangan niyang sabihin sa social media na official na sila ni Nico samantalang hindi naman talaga sila. I felt a pang of pain in my heart.

"I can't sleep!" ani Raphael at umiling iling pa. I sighed. Kinuha ko siya kay Nico at inihiga sa tabi ko. I'm gonna sing for him now.

Raphael looked at me with innocent eyes. I hope that those innocent eyes will never be tainted by the cruelty of this world. I smiled at him.

"Sabi nila

Balang araw darating

Ang i'yong tanging hinihiling

At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli..."

Hinaplos haplos ko ang ulo ni Raphael. Kita ko ang bahagyang pag baba ng talukap niya. Buti nalang at effective ang pag kanta ko.

Ngayon ay kitang kita ko na ang mga mahaba niyang pilik mata. Pataas ang kurba nito at para itong ginamitan ng curler. Ang ganda ng pilik mata niya.

"Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala..."

Malaya ng tumataas at baba ang dibdib ni Raphael, hudyat na natutulog na siya. Grabe, wala pa nga ako sa chorus nakatulog na agad.

"At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw At Ako..."

Ngumiti si Raphael habang nakapikit ang mga mata. I smiled. He is so cute. I am happy to know that I have a brother.

"Pasado na ako sa kapatid mo. Sa tatay mo nalang."

I looked at Nico and my heart skip a beat when I saw him starring at me. Is he starring at me the whole time I was singing?

There were questions in his eyes. Curiosity is evident in his gaze.

Nag iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay malulunod ako sa mga titig niya. Masiyado siyang malalim tumingin, nakakaloka.

"Let's go outside." Nico said. Nauna na siyang lumabas. Tahimik lang akong nakasunod.

Alam kong napansin niya rin ang pag babago ng mood ko kanina ng pauwi na kami. Sino ba namang hindi? Kahit sino naman yata ay masisira ang mood kapag nalaman mong may ibang girlfriend ang boyfriend mo.

Pinili ko nalang manahimik kanina para kay Raphael. Tinikom ko lang ang bibig ko dahil nakita kong nag e-enjoy ang dalawang lalaki sa buhay ko.

Nandito na kami ngayon sa aking living room. Hindi man lang umupo si Nico. Humarap ito sa akin ng seryosong seryoso. Ano ba ito? Kinakabahan ako sa kaniya!

Kidnapper's AffectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt