Capítulo 31

305 20 3
                                    

Gun

Namalik mata ako sa kaniyang sinabi. Seryoso ba siya? Tiningnan ko ng mabuti ang kaniyang mukha at umuwang ang aking labi ng mapansin ko nga na mag kahawig sila ni Nico. 

Mula sa kaniyang postura, galanteng galante siya, isa sa mga kaugaling napansin ko kay Nico. Halata mong lumaki ito sa karangyaan. Hindi makakalagpas sa mga mata ko ang kaniyang matangos na ilong. Alam mong may halong lahi ito, katulad ng kay Nico. 

Maging sa kaniyang labi ay pareho sila ni Nico dahil manipis lang ito at mapula. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Pareho sila ng kulay ni Nico ng mata. Pareho rin ng hugis at maging ang kanilang kutis. 


"Angel! Nag tatampo ako sa kapatid ko! Hindi niya kasi ako tinatawagan. I feel like he doesn't miss me!" nag tatampong linya ni Nica. 


"Angel! Did you know that I have a family in the Philippines?"


"I miss my family! Especially my brother..."


"Kapangalan ko lang din ang kapatid ko. Pinalitan lang ng 'o' yung dulo ng pangalan niya." 


Nica? Nico...?


Napanganga ako ng mapag tagpi tagpi ko ang lahat. Oh my god! 

Mag kapatid sila ni Nico! Hindi ko alam na ang babaeng pinag sasabihan ko pala ng mga sikreto ko at mga hinanakit ko sa buhay ay ang kaniyang ate! Bigla akong nahiya sa kaniya! 

Kaya pala magaan ang pakiramdam ko sa kaniya? Kaya pala pang pamilya ang turing ko sa kaniya dahil konektado siya kay Nico. Jusme. Another revelation! 

Ano nalang kaya ang reaksyon ni Nico kapag nalaman niyang psychiatrist ko ang kapatid niya?

"Don't worry Angel. We'll keep everything that we had talk about from the very start, a secret." linya niya at humagikgik. Umiling ako at ngumiti. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. As in mahigpit talaga. Parang yung higpit na gusto ni Nico noong sumakay kami sa motor niya. Mahilig pala sa mahigpit ang mag kapatid na ito?

"I like you for my brother Angel! Sayang, hindi na tayo makakapag bonding! Nag kita na kasi kami ni Nico kahapon kaya hindi na kami mag kikita ngayon at bukas." bumeso siya sa akin at sabay na kaming tumayo. 

"Kaya pala masaya ang kapatid ko ngayon. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ever since he was in grade 11th or 12th? Basta teenager pa siya that time tapos madalas din siyang hindi natutulog sa bahay. Ay oo nga pala! Kinidnapped ka nga pala niya nung mga panahon na iyon!" tuwang tuwa siya sa kaniyang sinabi kaya pinamulahan ako ng pisngi. 

Alam niya pala na nang kidnapped ang kapatid niya pero hindi niya man lang ba naisip na ako iyon dahil iyon din naman ang kinekwento ko sa kaniya?

May pumasok sa utak ko na tanong. Nag simula na kaming mag lakad palabas ng clinic ngunit bago siya sumakay sa kaniyang sasakyan ay kinapitan ko ang braso niya.

"Ano palang nangyari kay Nico pag katapos ng pag punta ko sa Espaniya?" I asked her. Her eyes turned heavy but she still managed to let out a sincere smile. 

"Nasa Espaniya din ako non sis. Pareho tayong nandoon remember?" tumatawang sabi niya. Ngumuso ako. Akala ko naman malalaman ko na ang sagot sa isa sa mga tanong ko.

Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now