Capítulo 19

360 22 3
                                    

Girl


"Glad to help my girlfriend's cousin..."


"Glad to help my girlfriend's cousin..."


"Glad to help my girlfriend's cousin..."


Bumangon na ako sa aking kama. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Nico sa akin kagabi. Para itong sirang plakang patuloy na nag sasalita sa isip ko. Edi sila na mag jowa! Sinabunutan ko na ang sarili ko dahil sa inis. 

Hanggang sa pag aayos ko ng sarili ko ay nakasimangot ako. Hindi ko na inalintana kung maayos ba ang make up ko dahil sa sama ng loob ko. Huminga ako ng malalim at mabagal na pina kawalan ang hanging naipon ko sa aking baga. I need to accept things and move on. Breath in, and breath out Angel!

Pina initan ko nalang ang malamig na pizzang natira ko kagabi. Sayang naman ito kung itatapon ko lang kaya ginawa ko nalang almusal. Masarap pa rin naman. Hawaiin flavor kasi ang favorite ko pag dating sa mga pizza. 

My phone started to ring so I reach out to it and answered the call. Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Daddy.

"Angel? Naka uwi ka na pala? Bakit sa Tito Andy ko pa malalaman ang pag balik mo sa bansang ito!" Iritado nitong banggit. Napa irap nalang ako sa kawalan. Kailan niya ba ako tinawagan nung nakatira ako sa Spain? Tatlong beses lang ata sa loob ng apat na taon. May mga ilang beses na tinawagan ko siya pero si Tita Luisina ang sumasagot at minsan naman ay busy siya. 

"Biglaan lang po Dad..." I lied. Planado na talaga ang pag uwi ko mula pa noon. 

"Anyways, let's meet up. We should go to your mother's tomb. Her death anniversary is near." he said. My eyes widened in shock. Oh my god! How could I forget the death anniversary of my mother!

"I really miss your mother..." Daddy whispered through the call. Napairap nanaman ako sa kawalan. Is he serious? Bakit nag palit siya ng asawa kaagad? Hindi niya ba alam na andami kong nabalitaan sa kaniya nung nasa Spain ako. May mistress pa daw siya kahit na may bago ng asawa. I do not know what to say to you Daddy.

"Bye Dad. See you." I said coldly. It's just that, I have an issue when it comes to Daddy. Big blow pa rin sa akin hanggang ngayon ang pag papakasal niya kay Tita Luisina after my mother 's death. 

Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Napairap nanaman ako ng mag ring ang phone ko kaya sinagot ko nalang ulit. May nakalimutan pa bang sabihin si Daddy?

"Yes Dad?" I said irritated. Nanlaki ang mata ko ng hindi si Daddy ang sumagot sa linya. 

"M-miss Angel, si Ira po ito..." Nahihiya nitong banggit kaya tinignan ko ang phone screen ko at nakitang pangalan ni Ira ang nakalagay dito. Shocks! Nakakahiya!

"Hala sorry. Ano iyon?" 

"Ngayong araw po gaganapin yung pinapirmahan sa inyo ni Ma'am Stacey..." linya niya. Nanlaki ang mga mata ko at nag madali akong mag ayos ng sarili. Oh my god! Hindi ko kasi binasa yung contract! Nag mamadali akong mag ayos ng sarili, maging sa pag pili ng damit ay hindi na ako nag inarte. Sabi rin ni Ira na susunduin na daw nila ako ng van.

Huminga ako ng malalim ng makarating kami sa studio na pag aari ng clothing line na kumuha sa akin. Luminga linga ako at nakitang ang laki ng studio na ito. Kumpleto rin ito sa gamit at sa mga kwarto. Ngumiti ako ng makuha ko ang atensyon ng mga tao dito. May iba pa na tumigil sa pag tatrabaho para tumingin sa akin. Yung iba rin ay nag papicture sa akin. 

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon