Capítulo 37

269 17 3
                                    

Pamilyar


From Sasha:

You bitch! Hindi ka ba nag-iisip? Kakasabi ko lang na official kami ni Nico tapos bigla kang mang gugulo sa aming dalawa? Sino ka ba ha? Ano bang papel mo sa buhay ko para sirain ang mga bagay na gusto ko! Mamatay ka na! Mag sama kayo ng Tatay mong malandi!

Pumikit ako ng mariin ng mabasa ko ang mensahe sa akin ng sarili kong pinsan.

It hurts. It fucking hurts.

Bakit niya ba laging dinadawit ang pangalan ni Daddy tuwing mag aaway kami? Nanahimik naman si Daddy at labas ito sa relasyon namin.

Huminga ako ng malalim at umupo sa aking couch. Pinilit kong pinakalma ang sarili ko dahil hindi makakatulong sa akin ang pag-papasakop sa aking mga emosyon.

Nang dumaan ang hapon ay wala pa rin si Nico. Kinuha na rin nila Daddy si Raphael. Umiiyak pa ito at halatang ayaw umalis dito sa aking unit ngunit kailangan na. Lalo na ngayon na may mga ganitong nangyayari.

Natapos ang isang araw at wala akong nakuhang text o tawag galing kay Nico.

I wonder if he's busy?

Isang araw na rin ang nakalipas pero sumasabog pa rin abg notification ko sa twitter at instagram. Ayoko naman itong tignan dahil baka masaktan lang ako.

Tumawag sa akin si Anica kaya sinagot ko ito.

"Omg congrats girl! Finally, official na kayong dalawa ni Nico! Tapos official din sila ni Sashang shunga? Medyo na naguluhan ako sa part na iyon pero congrats pa rin!" Linya niya at mukhang tuwang tuwa pa.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. This is why I am thankful for having friends. They can turn the tables around with just a word.

Nabawasan ang lungkot ko dahil sa sinabi ni Anica.

"Hindi sila official ni Nico. Sa manager na mismo ni Nico nanggaling na walang sila..."

"Ay sayang naman, akala ko pa naman kabit ka!"

"Gaga ka! Gusto mo akong maging kabit?!" Napairap ako sa sarili ko.

"Oo girl, ansaya kaya! Tapos ipapatulfo ka ni Sasha! Kasi malandi kang hayop ka!" Tumawa ng malakas si Anica.

Gustong gusto ko na siyang sabunutan ngayon!

"Huwag kang mag papakita sa akin! May kurot kang makukuha!"

Pag ka end ko palang ng call ko kay Anica ay biglang nag pop up abg notification ko sa messages ko. Kumunot ang noo ko ng Mommy ni Sasha ang nag text.

From: Tita

Hi Angel! I know what you did to ny Unica hija. I just want to say na, you should stop destroying their relationship. Stop manipulating Nico dahil lang may galit ka kay Sasha mula pa noong mga bata kayo. Anyways, I know naman na hindi ka lumaki sa complete family so hilig mong manira ng mga taong in a relationship. My god! Your mother would be dissapointed at you. Nakakadiri ka. Inahas mo ang boyfriend ng anak ko. Hindi ka nalang nahiya sa pinsan mo!

I smiled bitterly at myself. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko.

I'm sorry Mommy if I ever dissapoint you. I am a failure alright? No one needs me anyway.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Magulo ang buhok, maluwag na damit habang punong puno ng luha ang mukha.

Nag peace sign ako sa sarili ko at ngumiti.

Parang tanga lang Angel?

Lumipas ang ilang oras at gumabi na. Kahapon pang walang paramdam sa akin si Nico.

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon