Capítulo 14

433 22 2
                                    

Crush

Huminga ako ng malalim at sinimulan ko ng buksan ang mga kurtinang palaging naka taklob sa aking bintana. Sinimulan ko na ring ayusin at linisan ang kwarto ko. Decluttering my things is one of my ways to relieve my stress and divert my attention from what is happening in my life right now. Nagulat nga ang mga maids ni Daddy dahil ngayon lang ulit nila akong nakitang naka ayos. 

Sinimulan ko na ring maging masaya para sa sarili ko at para sa mga nangyari. Wala na rin naman akong magagawa kaya I need to accept the truth about the 'kidnapping incident'. I'll just look on the bright side. 

Nag  paka active na rin ako sa social media ko specially in Twitter and in Instagram. I am always posting stories on my Ig account and posting sweet and encouraging tweets on my Twitter account. Syempre at pinapa kita ko na maayos na ako ngunit alam ko sa sarili kong hindi pa ako nakaka move on kay Nico. 

Alam kong matagal na panahon pa ang kailangan ko para maging okay ulit ko. 

Hapon na ng naisipang bumisita ng mga kaibigan ko. Sabi nila na hindi daw sila papayag na hindi ako makita bago ako umalis patungong Spain. Oo at tuloy ang pag alis ko lalo na't ginusto na rin ito ni Daddy dahil kay Tita Luisina. Pumayag na rin ako para mag karoon ako ng panibagong buhay. 

May bahay naman kami sa Espaniya at kahit papaano ay marunong naman akong mag salita ng Espanyol. Charot lang!  Uno, dos, tres lang ata ang alam ko. 

"Jusko Angel! Halos mabaliw na kami kakahanap sayo. Mabuti nalang at may matandang nakakita sayo! Sa Batanggas ka lang pala dinala ng kidnapper mo!" Sabi ni Anica. One of my closest friends. Nakasalamin ito ngunit kitang kita ang kagandahang taglay nito. Straight din ang maikli nitong buhok. Siya ang pinaka matalino sa aming apat.

"Be! Nakalimutan ko na mag skin care sa loob ng tatlong buwan na nawala ka!" halakhak naman ni Hirah. Her skin is so smooth. Alagang alaga niya ang balat niya. Her mother works for a cosmetic company kaya lahat ng luho ng balat niya ay nasusunod. She has the greatest body among all four of us. She has the biggest chest. Trust me. Kaya madaming lalake ang nag hahabol sa kaniya. 

Mukhang wala namang balak mag salita si Rianne at nakatitig lang sa akin habang maluha luha ang mga mata. Her skin is as pale as a vampire. Her eyes are sharp and alluring. She is the most beautiful girl I had ever met. Tinutukso nga namin siyang bampira dahil sa ganda nito. Tahimik lang ito ngunit alam ko na mahal niya kaming tatlo. Malayang nakalugay ang brown niyang buhok. 

Nilapag na ni Manang ang aming meryenda. Sinimulan ko ng ikwento sa kanila ang lahat ng dinanas ko sa loob ng tatlong buwan kong pag kawala. Laglag ang panga nila nung una ngunit tili na sila ng tili habang kinekwento ko si Nico. Nahulog pa sa higaan ko si Hirah dahil sa kakulitan ni Anica. Buti nalang daw at hindi nadali ang boobs niya. I miss them so much! 

Silang tatlo lang ang pinag sasabihan ko ng mga sikreto ko mula pa noong mga bata pa kami. I have known them since elementary days and nothing has changed between us four. Mas lalo lang lumalim ang pag-kakaibigan namin. 

"Kyaaaaaah! Ang gwapo ng pangalan! Sana makidnap din ako!" tili ni Hirah. 

"Teka lang! Gwapo ba yung Nico?" tanong naman ni Anica. Tumango nalang ako bilang sagot. 

"Gwapo yon syempre! Imaginin mo sis!" Irap ni Hirah. Tumawa nalang ako dahil pinag talunan nila kung gwapo o pangit ba si Nico. As for me? I can say that he really is handsome. I have lived with him for 3 months and I know that he really is good looking. Every angel of him can be put in a front page of a magazine.

From his deep, almond eyes, his messy black hair, along with his alluring lips. Binaba ko ang tingin ko sa aking mga daliri. I miss him. Naramdaman kong humilig si Rianne sa aking braso. 

Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now