Capítulo 22

385 19 3
                                    

Treated you wrong

Trending na sa buong bansa ang naging talk show namin ni Nico. After it was aired on a late sunday night, my social media has been bombarded with notifications about my interview with Nico. In just twenty-Four hours, after posting the official video in youtube, it already has twelve million views. Grabe! Tinalo pa nito ang ilang music video ko noon. Marami ring naintriga sa buhay ni Nico.

May nag sabi pa nga na palitan ko na daw yung regular host at kung mag jowa daw ba talaga kami ni Nico. Kilig na kilig daw silang lahat sa amin. Sana daw ay mag karoon kami ng sarili naming movie. Alam kong hindi iyon mangyayari because Nico is not into acting.

Trending sa twitter yung mahaba niyang sinabi nung kung siya ang magiging boyfriend ko! Hindi ko rin itatago na naka ilang ulit na ako ng panood sa interview namin. Naging meme pa nga ang mukha kong nakanganga ng magulat ako dahil sa kuryente! 

Umiling nalang ako sa mga nabasa ko sa social media at ibinaba ang iPhone ko. Ano kaya ang reaksyon ni Nico sa mga nababasa niya sa social media ngayon? Ang alam ko ay Instagram lang ang meron siya. Nag vibrate nanaman ang phone ko at sinagot ko ang tawag ng gc namin nila Hirah.

"Oh my god! Kilig na kilig ako sainyo be!" tili ni Hirah sa kabilang linya. 

"Ako din girl! Grabe yung chemistry nilang dalawa ni Nico! Lalo na nung tinitigan siya ni Nico duon sa 'if I was your boyfriend' part! Sana all girl!" tili rin ni Anica. May narinig pa akong nahulog sa tabi niya. 

"I know right! Bagay na bagay talaga! Pero alalahanin niyo na jowa niyan si Sasha..." epal na sambit ni Rianne. Nag laho ang ngiti naming tatlo sa sinabi niya. Kahit nasa screen ay kita ko ang pag irap sa kaniya ni Hirah.

"Hayaan mo na be, asawa nga naagaw. Jowa pa kaya? Kung mayroong ika-6 na utos, pwes, kay Angel yung ika-7 utos! Go be!" ani Hirah at pumalakpak pa. Hilaw akong ngumiti sa kaniya. 

"So sino yung tunay na asawa? Si Sasha ganon?" nakaka bwiset na tanong ni Anica. For embutido's sake! Bakit naging kerida ako? Bakit rin napunta sa ganito ang usapan?

"Rianne kailan ka ba uuwi? Para masimulan na natin ang pag hihiganti ni Angel sa asawa niyang pinag palit siya."  linya ni Hirah. 

Punyeta ano to? Bakit nag karoon ako kaagad ng asawa?

"Malapit na. Basta i-susurprise ko nalang kayo."

"Nasaang bansa ka na ba ngayon? Mamaya meron ka na palang labin-dalawang anak diyan ha, hindi ka lang nag sasabi!" Hirah demanded.

"Grabe naman, baboy lang girl? Ang laki na ng suso niyan sa dami ng dumede sa kaniya!" sabi ni Anica at nasundan ito ng mga tawanan nila.

Umiling nalang ako at ibinaba ko na ang tawag. I stretched my fingers and run them down on the keys of my grand piano. I have a grand piano here in my unit. Malimit ko lang itong gamitin dahil ang hirap pindutin ng mga keys. Ang tigas kasi nila. I breathe in air and let it out slowly. Relaxing my body. 

Ngayon pala ay nag susulat din ako ng panibagong kanta para sa ilalagay ko sa bago kong album. I push the keys of the grand piano and run a G chord. 


"Hindi ko inaasahan na ibigin ka,

lalo na't malabong malabo ang ating 

sitwasyon...


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, 

hinayaan ko pa rin ang puso ko na

mahulog sa iyo.


Isa ba akong hangal para ibigin
ka ng tunay?

Kidnapper's AffectionKde žijí příběhy. Začni objevovat