Capítulo 25

373 21 6
                                    

Kiss cam

Kinalma ko ang sarili ko ng maupo na sila Hirah, Anica at Rianne sa mga benches. Sa tapat ito mismo ng court kaya kinakabahan ako dahil baka may tumama sa aming bola. Jusko! 

Pito ang upuan na makikita mo dito. Hirah, Anica and Rianne occupied the three seats. Ako ang nakaupo sa gitna ng mga benches at sa tabi ko ay mayroon pang bakanteng dalawang upuan.

Nanlaki ang mga mata ko ng sa tabi ko umupo si Nico, katabi niya si Sasha na nasa dulo na. 

Shocks! How can I calm myself when the reason why I am feeling down is sitting beside me!

Sumulyap si Hirah sa katabi ko at pasimple niya itong inirapan. "Akala ko ikaw ang kasama niyan? What happened? Change of plans?" bulong nito at naki chismis na rin si Rianne at Anica. Halatang halata sila dahil lumapit pa mismo sila sa akin. 

"Hayaan niyo na... Enjoyin niyo nalang ang laro." 

Nag simula na ang laro. Naging mainit na kaagad ang laban sa first quarter. Kinakabahan nga ako dahil baka tamaan kami ng bola dito. 

Kung tatamaan man kami, sana si Sasha nalang ang mapuruhan. Joke!

Panay ang tili nila Hirah at Anica tuwing makaka shoot ang kanilang gustong team. Si Hirah ay Ginebra at si Anica naman ay sa Alaska. Nag kukurutan na nga sila sa sobrang inis sa isa't isa. 

Sumulyap ako sa katabi ko na si Nico. He looks bored yet attentive on the game. Napansin niya ang pag tingin ko sa kaniya kaya sumulyap siya sa akin. His eyes were saying sorry. Para bang ang bigat bigat ng sitwasyon ngayon para sa kaniya. 

Okay lang. Wala naman kaming relasyon. Isa lang naman akong kabit at panggulo sa relasyon nila. Okay lang talaga sa akin. Hindi naman masakit. 

"Are you thirsty?" He said and handed me a can of coke. It would be rude to reject his offer so I smiled and accepted his can of coke. 

Hirah faked a loud cough. Ang lakas ng pag ubo nito kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat. Inirapan ko siya. 

"Oh my god! Baka may sakit siya!" linya ni Sasha kaya inirapan lang siya ni Hirah. Hindi niya ba na gets na pekeng ubo lang iyon?

2nd quarter na at kanina pa namin napapansin na may isang basketball player sa team ng Ginebra na sulyap ng sulyap sa akin. Like every time that he catches the ball, he will look up at me. Every time that he shoots the ball, he will look up at me. 

Okay sana kung sumasakto sa ring yung bola. 

"Girl! Kanina ka pa tinitignan nung naka #8! Ang gwapo niya!" kinikilig na linya ni Anica. 

"Be! Sa UST yan gumraduate! Chance mo na ito tutal 'SINGLE' ka naman." Hirah said while emphasizing the word single at bahagya pang humarap kila Nico. Nakakahiya talaga ang babaeng ito! 

Hindi nakatakas sa mata ko ang pag kapirat ng lata ng coke sa kamay ni Nico. Bahagya pa itong umiling habang naka tingin sa kawalan. Oh bakit siya nagagalit ngayon? Hindi ba't siya naman ang nauna? 

I decided to play for a little while. Mukhang mag eenjoy na yata ako ngayong gabi! 

Sa 3rd quarter ko na binuhos ang natitirang lakas ko. Tumitili ako tuwing napupunta kay #8 ang bola. Nginingitian pa ako nito kaya tumitili na rin ang mga kasama ko. Pati ang mga nanonood sa likod namin ay tumitili na rin. 

Wala nang pake alam si Nico sa laro at pinag lalaruan niya nalang ang durog na durog na lata ng coke. 

Hindi na rin siya ngumingiti tuwing pinipilit siyang makipag selfie ni Sasha. Well, hindi naman talaga siya nangiti, not unless it's me. Hehe.

Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now