Capítulo 13

460 20 4
                                    

H-Hello

Punong puno ng kalungkutan ang aking puso ng maka balik ako sa aking kwarto. This scene is so familiar. Me running to my room, crying. Ganito nalang ba lagi? Nag sasawa na ako lalo na't parang ang hina-hina ko at wala akong magawa. 

Niyakap ko ang aking malambot na unan at binaon ang mukha ko dito. I don't care if this pillow will be bathed with my tears. Siguro nga ay lumuwag na ang turnilyo ng aking utak dahil nag kagusto ako sa kumidnapped sa akin! Maybe Daddy is right. My mind is actually full of shit right now. 

May pumasok na isang bagay sa isip ko, alam kong mali ito ngunit parang gusto kong subukan. 

Kumuha ako ng blade sa aking cabinet at inangat ang tela nakataklob sa aking pulso. This wouldn't hurt so bad right? Kasi kung hindi ito masarap sa pakiramdam, bakit ang daming taong gumagawa nito? Bakit ito paulit ulit itong ginagawa ng mga tao?

Huminga ako ng malalim at handa na sanang hiwain ang aking pulso ng biglang pumasok sa isip ko ang larawan ng nakangiting si Nico. The way he takes care of me. The way he gets mad if something bad happens to me. Magagalit kaya si Nico kapag nalaman niyang mag-seself harm ako?

Umiling nalang ako sa sarili ko at itinabi ang blade na kapit ko. I can't hurt myself. I am a coward I guess? 

Tumayo ako at dumiretso sa balcony ng aking kwarto. Malayang nanonood sa akin ang maliwanag na buwan na pinaliligiran ng mga munting bituin. Buti pa sila. Laging mag kasama. I admire the moon and the stars for they are always seen together at the deep, night sky. Pwera nalang kung may mga pesteng ulap na humaharang sa kanila.

Marahang yumakap sa akin ang malamig na hangin. The coldness of the air brings me back the memories of me and Nico, swimming in the lake.

I can still remember his touch like it was yesterday. Sumabog ang buhok ko ng tuluyan akong yakapin ng hangin. Mukhang nakikisama sa aking nararamdaman ang hangin ngayon.

"Cause every day, every night, I keep looking at the skies, and I pray that someday, you will wake up in my arms and love will never end..." My voice broke. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko tuwing naiisip ko si Nico. Sobra na ba akong nabaliw sa kaniya? 

"We belong together, always and forever, call my name and I'll be there..." 

I release a small smile on myself. Wherever you are Nico. No matter what happens, you will always have a place in my heart. Always. 

Kinaumagahan ay bumaba ako sa aming dining room para kumain ng mga prutas. I can't sulk all day in my room. I need to be productive and accept things. Hindi pwedeng mag patalo ako sa aking mga nararamdaman. Mali ang mag patuloy ka sa kalungkutan at hayaan mo lang itong tumubo sa puso mo. Being happy is a choice. It just takes time and discipline.

Kumakain ako ng mga prutas ng may pumasok din sa dining hall. My eyes widened when I saw a figure of a beautiful woman. Tall, almost blonde, sexy and sophisticated. Her white dress covered her body tightly, exposing her ominous curves. Tinaasan ako nito ng kilay at humalukipkip. 

"How are you, Angel?" mariing sabi ni Tita Luisina. Daddy's new wife. Marahan niyang kinagatan ang mansanas na kinuha nito sa lamesa. Hindi ko nalang sinabi na tatlong buwan na iyong mansanas at pang dekorasyon nalang iyon. 

Kumunot ang noo niya ng malasahan ang mansanas. Niluwa niya rin ito sa tissue at tinabi. Pinigilan kong hindi mapangiti sa ginawa niya. 

"Are you enjoying your stay here at your father's mansion? Alam mo bang dahil sayo kaya hindi ako maka tira dito?" Mahinahon ngunit pagalit na sabi ni Tita Luisina. Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Alam ng daddy mo na ayaw mo sa akin, kaya itinapon niya ako na parang basura sa ibang bahay! My god Angel! Get a life! You are already 18! Move on from your kidnapping incident already! Pinahihirapan mo kaming dalawa ng Daddy mo!" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Is she serious? Daddy throws her out of the mansion because of me? Samantalang noon ay ako ang pina alis niya para maging maayos ang samahan nila ni Luisinang impakta.  

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pag talim ng mga mata niya sa akin. Para siyang papatay sa hitsura at awra niya ngayon. Kinapitan niya ang baba ko at pinisil ito. Halatang nang gigigil siya sa akin. 

"Listen to me carefully. We are planning to have a baby. Baka makunan ako dahil na-stress ako sayo!" Mag sasalita pa sana siya kaya lang ay nag ring ang phone ko. Sinagot ko ito para maka iwas sa mga masasakit na salitang binibitawan ng bagong asawa ni Daddy. If only Mom was still alive, things will be a lot more better. 

"H-Hello?" I asked. 

"Hi Ma'am Angel! This is your father's secretary. I would like to inform you about you departure for Spain. Mr. Devera said that next week will be your flight so be ready."  

Nag-tila blangko ang isip ko sa kaniyang sinabi. Aalis ako kaagad? Ni hindi ko man lang nakausap ang mga kaibigan ko. Is it really necessary? Humalakhak si Tita Luisina sa kaniyang narinig. Hindi ko alam kung paano niya narinig, gayong hindi naman ako naka loud speaker. 

"Napakatalino talaga ni Gabriel. Buti nalang at nakikinig siya sa akin." bulong nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bago pa ako makapag salita ay tumayo na ito at tinalikuran ako para maka alis na. Pwede ko ba siyang murahin kahit ngayon lang?

Naiinis ako dahil ang hina-hina ng mga lalake pag dating sa mga nakaka akit na babae! 

Wala na siguro akong magagawa kundi mag impake na ng mas maaga. Sinimulan ko ng mag impake ng aking mga gamit. Kaunti lang ang dadalhin kong mga damit at gamit. Duon nalang ako bibili ng mga panibagong gamit. Thinking about leaving the country with my situation right now feels heavy. Pakiramdam ko ay may iiwan akong hindi ko pa natatapos. 

Kinabukasan ay nag tataka ako dahil ako lang ang tao sa baba. Hindi ko alam kung anong araw ngayon dahil busy ang mga maids ni Daddy sa kaniya kaniyang trabaho. Napatalon ako ng biglang mag ring ang landline telephone namin dito sa sala. 

Kadalasan ay mga maids ang sumasagot dito ngunit tila parang naging ghost house ang bahay namin dahil ako lang ang tao sa sala. Kumunot ang noo ko at sinagot ang telepono. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag bilis ng pag tibok ng puso ko ng marinig ang tumawag. 

"H-Hello?" boses ng lalake ang narinig ko. Agad na nag bagsakan ang mga luha galing sa aking mata. I know this voice! I am so familiar with his voice! 

"N-Nico?! Ikaw ba yan? Anong nangyari sayo? Kamusta ka na? Paano ka nakatawag?!" My voice broke from all of the emotions. Rinig ko rin ang mga yapak ng aming maids na siguro ay narinig ang boses ko. 

Tanging pag hinga niya lang ang naririnig ko. Si Nico ito! Kilalang kilala ko siya! Imposibleng hindi ito si Nico!

"Angel..." bulong nito. Oh my god! I miss his voice! Gaano katagal na ba mula ng huli kaming nag kita? Hindi ko na inalintana ang mukha kong naliligo sa sarili kong mga luha. Basta, ang mahalaga ay makausap ko siya! 

"Ma'am! Ipinag bilin po ni Ser na hindi daw po kayo pwedeng gumamit ng kahit anong gadjets!" sigaw ng isang maid ni Daddy. Inilingan ko lang siya at muling itinutok ang atensyon kay Nico. OMG! Please speak for me please!

Nanlaki ang mga mata ko ng hilahin ako ng isang maid palayo sa telepono. Laglag ang panga ko ng ibinaba niya ang telepono kaya naputol na ang linya namin ni Nico. Agad na nanlambot ang mga tuhod ko kaya inalalayan nila akong maka upo. Bakit nila ito ginagawa sa akin?Why are they so unfair to me? Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Naiinis ako sa kanilang lahat! Ngunit wala rin naman na akong magagawa. Kapag pinag patuloy ko ba itong nararamdaman ko kay Nico ay mahihirapan lang ako?

Siguro nga at kailangan ko ng tanggapin ang dulo ng kabanata para sa pag ibig ko kay Nico. 

--

Anfrelsis



Kidnapper's AffectionWhere stories live. Discover now