Kabanata 3

23.2K 904 351
                                    

Dedicated to: LadyWhiteNightmare

Kabanata 3:
Nasira

"Kamusta ang paa mo?" tanong ni Helix sa akin habang nakahilig ako sa headrest ng kama. Bumaling ako sa kanya, hindi alam ang dahilan kung bakit pa siya sumunod sa akin kahit na mukhang pinagbawalan siya ni Kuwai. Hindi ko talaga alam kung anong katayuan niya rito sa loob ng school at ganoon siya umasta.

"Hindi na masiyadong masakit." sinagot ko na lang ang tanong niya, kapalit ng pagtulong niya sa akin kanina. Nakaupo ako at nakahilig sa ulunan ng kama. Kakatapos lang tignan ang paa ko at ngayon ay naka bandage na iyon. Sabi ng nurse ay huwag ko munang masiyadong galawin.

Ang suwerte ko naman talaga para sa unang araw ko. Mataman lang na nakatingin sa akin si Helix habang ako naman ay bumaling sa katabi naming kama kung saan nakahiga na si Xerox. Kakarating pa lang namin rito ay agad na siyang humiga roon kahit wala pang permiso ng kung sino.

Nang makita siya ng nurse ay parang wala lang iyon at nang malingat kami ay humihilik na siya.

"Mabuting dito ka na lang muna at magpahinga. Huwag ka nang pumasok sa klase." muntik na akong matawa sa sinabi niya.

"Hindi puwede. Unang araw ng school at kailangan kong pumasok. Sabi ng nurse ay hindi naman ganoon kalala. Kailangang hindi ko lang galawin para hindi sumakit at mamaga."

"I know but you still need to rest your foot. Sasabihin ko na lang sayo ang mga sinabi ng Teacher, puro orientation lang naman ngayong araw. Give me your number, so I can tell you." my lips twitched on the last sentence he said.

Kung hindi lang ako maalam kung paano gumalaw ang mga lalaki baka naloko niya na ako agad. Lalo na at hindi halata ang porma niya sa mga sinasabi.

"Bakit?" tanong niya ng makitang ngumisi ako.

"Ang ganda ng galawan mo, hindi madaling mahalata." his forehead creased.

"Hindi kita pinpormahan, tinutulungan lang kita."

"Help by asking my number?" tumaas ang kilay niya.

"Kung ayaw mo ayos lang, babalik na lang ako rito pagkatapos ng lahat ng klase." aniya at huminga ako ng malalim.

Ayaw umamin.

Tumikhim na lang ako para kalimutan ang usapan na iyon.

"Papasok ako. Hindi mo na kailangang gawin 'yon."

"Gusto mo talagang buhatin kita lagi huh?"

"Sinong nagsabing magpapabuhat ulit ako sayo?"

"Hindi ka puwedeng maglakad ng ganiyan ang kondisyon."

"Napilayan lang ako, hindi ako baldado."

"Kahit na. Mas magandang hindi ka masiyadong gumalaw."

"Sigurado ka bang walang mawawala sa akin kapag hindi ako pumasok?"

"Oo."

"Babalik ka ba talaga rito para sabihin sa akin ang ginawa niyo?"

"Oo"

"Sigurado ka?"

"Oo"

"Pumoporma ka ba?"

"Oo--- What?" nagsalubong ang kilay niya at hindi ko mapigilang matawa.

"Para kang naeskandalo sa sagot mo." sabi ko at mas hinilig ang ulo sa headrest. Salubong na madilim ang mga mata niya at nagtiim bagang sa akin.

"Hindi nga sabi ako pumoporma."

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon