Kabanata 34

14.4K 825 742
                                    

Kabanata 34:
Crush

Dumiretso na agad ako sa condo ni Shannel pagkauwian. Humahangos ako habang naglalakad dahil sa natanggap kong mensahe sa kaniya.

Shannel:

Gising na siya.

I type the passcode of the condo and the door creaked open. Agad na dinapuan ng mga mata ko si Shannel na nakaupo sa couch at mukhang tensiyonado. Mabilis siyang tumayo para salubungin ako. Binagsak ko ang bag sa couch habang nakatitig sa akin si Shannel.

"Nasaan siya?" paunang tanong ko.

"Nasa kwarto nila Hayden. Kausap iyong mga kapatid niya. Halos atakihin ako sa puso kanina noong nakita ko siyang naglalakad. Nagtanong kung nasaan siya at nakakatakot pala 'yon magsalita." si Shannel habang naglalakad kami patungo sa kwarto.

Bakas ko pa rin ang kaunting kaba sa tinig niya nang sinasabi iyon. Hindi ko siya masisisi. Pierce always has a cold pitch black eyes. Nang buksan ko ang pinto ay agad ko silang nakitang tatlo. Nakaupo si Pierce sa kama habang nasa kandungan niya si Ashtyn. Si Hayden naman ay nasa tabi ng Kuya niya.

My heart lurches when I saw the two kids smiling brightly as they look up to their Kuya. Nagtama ang tingin  namin ni Pierce at alam kong hindi na agad maganda ang maririnig ko mula sa kanya kapag nag-usap kami.

"Ate Raiven!" galak na saad ni Ashtyn nang makita ako. I smiled and she run towards me. Mabilis na pumulupot ang kamay niya sa binti ko habang ang ulo ay nasa tiyan ko. Tumingala siya ng may matamis na ngiti sa labi. Habang si Pierce ay seryoso na nakatingin sa amin. He remove the bandages in his face that reveals some of his scratches and scars.

But he still able to look good. His scars looks like a tattoo in his face that make him look cool. Tumagilid ang ulo ko. Lahat yata sa last section ay gwapo at walang patapon. Hindi ko alam kung suwerte ba ako na pinagsama sama silang lahat, pero ang papasaway nila.

"Kuya is awake!" nabalik ang tingin ko kay Ashtyn nang sabihin iyon. Hinaplos ko naman ang buhok niya.

"Hmm mabuti. I know you miss him." sabi ko at humagikhik si Ashtyn. Si Hayden naman ay lumapit rin sa akin.

"Kumain na ba kayo? May meryenda sa baba. Pinaghanda ko na iyon kung sakaling nagugutom kayo." marahan kong sinabi sa tatlo.

"Ashtyn Hayden bumababa muna kayo at kumain. May pag-uusapan lang kami ni Raiven." seryosong sinabi ni Pierce at natigil naman sa paghagikhik si Ashtyn. Ngumuso ito.

"Don't do anything bad Kuya." nagulat ako nang sabihin iyon ni Ashtyn. Tunong nagbabanta pa sa Kuya niya. Bahagya akong napangiti at hinaplos ang ulo niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.

"I won't. We'll just talk." Ashtyn pursed his lips and I pinch her cheeks a bit. She looks so cute. Hinila na siya ni Hayden palabas ng kwarto na ngumiti sa akin. Pinanood ko silang lumabas at kumaway pa sa akin si Ashtyn bago isara ang pinto. Nang marinig ko ang pagpihit ng door knob para masarado iyon ay agad kong hinarap si Pierce.

"Anong nararamdaman mo?" pauna kong tanong na mukhang babalewalain niya.

"Bakit ako narito? Pati ang mga kapatid ko. Sinabi ko bang kaawaan mo kami at ampunin na parang mga ligaw na pusa." matigas niyang sinabi.

"Hindi ko kaya kinakaawaan. I'm concern. Nag-aalala ako sa mga kapatid mo. Sa tingin mo ba hahayaan ko na iwanan sila na dalawa lang roon sa bahay niyo? Ni hindi ka makagalaw at hirap na hirap habang nakaratay sa hospital."

"Hindi ko sinabing tulungan mo ako!" umikot lang ang mga mata ko sa patuloy niyang pagmamatigas.

"If I do that you're dead now. You have a lot of deep cuts and wound, Pierce. Just this time, don't be stubborn. Mas matigas pa ang ulo mo kaysa kila Hayden."

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon