Kabanata 37

15.1K 750 340
                                    

Kabanata 37:
Reveal

Hindi ko alam kung paano ako naka survive sa tabi ni Kuwai habang tumatakbo ang klase. Nagliliyab ang pisngi ko sa kada makikita na basa ang gitna ng pantalon niya. Hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ko magawang makinig sa sinasabi ni Mr. Agape na nasa harap. Parang hangin ang mga salita niya na pumapasok sa kanan kong tenga at lalabas sa kabila.

Huminga ako ng malalim. I shifted uncomfortably in my seat for the nth time. Ramdam kong sumusulyap sa akin si Helix at tumikhim ako. Habang ang mokong na nasa isa kong tabi ay naglalaro ang ngisi sa labi.

"Ayos ka lang Raiven?" tanong ni Helix sa akin. Mukhang hindi niya na napigilan ang sarili na magsalita. Tumango ako at nginitian siya kahit nanginginig ang labi ko.

"A-Ayos lang." mahina kong sagot at tinikom ang bibig ng mapasulyap sa amin si Mr. Agape.

"Too tense eh?" bulong naman ni Kuwai na hindi nakatakas sa pandinig ko. Tumaas ang kilay ko at bumaling sa kanya.

"Shut up" tanong kong may pag hamon sa kanya.

"Oh, you're pissed."

"Change your pants first before pissing me. You're appearance is awful." I said and bit my lower lip. Bigla kong pinagsisihan ang pagsasalita. Sana hindi ko na lang ginawa. Less talk, less having a chance to lost my patience to him.

"Awful but you look so affected. Why don't you do the honor to change my pants then? Hmm?" marahas akong napasinghap sa sinabi niya. Umawang ang labi ko at napansin kong napabaling sa akin ang lahat.

"Yes, Raiven. You want us to tell something?" tanong ni Mr. Agape at namilog ang mga mata ko pero mabilis na umiling sa kanya. Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Kuwai. Gusto ko siyang saktan.

"W-Wala Sir." tumango si Sir Agape at iniwan na ako para ipagpapatuloy ang sinasabi. Sinamaan ko ng tingin si Kuwai. He just wiggled his brows.

"Don't focus your eyes on my pants and look at the board. Napaghahalataan ka." bulong niya at kumuyom ang mga kamao ko. Kahit gusto gusto kong sagutin siya sa sinabi niya ay pinigilan ko na lang ang sarili para hindi na ito humaba pa. Nanahimik ako at pinilit na ibigay ang atensiyon sa harap at hindi sa katabi ko.

Natapos ang araw na iyon at nakahinga ako ng maluwag. Makakawala na rin ako sa lapit ni Kuwai. Iyon na yata ang pinakamahabang araw na naranasan ko sa tanang buhay ko. Sinukbit ko ang bag sa balikat habang nasa tabi ko na si Helix at Light.

Maglalakad na sana kami palabas ng harangan kami nila Keilander. Hindi nagbago ang mga mata niya. Matalim iyon na nakatuon sa akin. Nasanay na ako at mas malala pang ekspresyon ang nakita ko kaysa roon dati.

"Keilander." si Helix at agad na pumagitna sa amin. Tinaas ko naman ang kamay ko para pigilan si Helix.

"Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong at kumislot ang labi niya. He shoved his hands on his pocket and look at my eyes directly.

"Pakisabi kay Pierce na ihanda niya nang manatili sa kulungan. He should stop hiding under his babysitter's dress. The police will search for his location starting today. Ikaw ang unang hahanapan, kapag hindi mo sinabi kung nasaan siya madadamay ka sa pagtago sa kanya. This is end game, Raiven. Tell us his location or you'll be screwed like him." aniya at kumislot naman ang labi ko.

Tinapik ko ang balikat niya. His brows furrowed.

"Ikaw ang dapat maghanda sa lahat ng mangyayari Keilander. I'm afraid you'll be the one to run and hide on your mother's dress. But before that be sure you'll still fit or you'll face shame." nagtiim bagang siya sa sinabi ko. Seryoso naman si Helix habang si Light ay napangisi.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon