Kabanata 79

12.4K 682 533
                                    

Kabanata 79:
Wallpaper

Sobrang nag-iinit ang pisngi ko nang mapunta sa kamay ko ang bouquet. Inasar pa ako ng lahat roon.

"Raiven magpapasukob na ba tayo kay Lexus? Madali lang naman kausapin ang pari. Tara na." si Caleb na mukhang nang-aasar lang. Inayos niya pa ang suot na coat at tumuwid ng tayo. Namilog ang mga mata ko sa kanya. Pinagsasapak siya ng lahat.

"Gago! Sa pagsasalita mo niyan, para mo na ring tinutok ang dulo ng baril sa ulo mo." si Brix.

"Pakiulit Caleb. Gusto ko iyong malinaw." si Helix na matalim na agad ang tingin sa kanya.

"Halika Caleb. Bilis lapit. Nangangati lang iyong kamao ko." si Xerox naman na dahilan kung bakit sila naghagalpakang lahat sa tawa. Bumungisngis lang si Caleb na para bang wala lang iyon sa kaniya.

"Lumanghap ka na ngayon ng hangin. Punuin mo iyong baga mo at baka maubos iyan mamaya." Kuwai sneered. I just hold my forehead in their conversation.

"Pictorial na. Pumunta na kayo rito." anyaya naman ni Lexus na humahalakhak na rin dahil sa kantyawan ng lahat.

Sumunod na kaming lahat sa kanya patungo roon sa malaking arko. Iyon iyong maliit na stage na binuo para sa kanilang dalawa ni Kathlyn. Rito silang dalawa nakaupo kanina habang kaharap ang pari na nagkasal sa kanila. The newly wed ate already in the center with their family.

While I stood in the right side. Bisita lang naman ako kaya bakit ako makikisali sa gitna.

As usual Helix is beside me. Dapat sa magkabilang gilid ko sila ni Xerox pero ang lokong si Rolfe ay hinatak si Xerox papalapit sa kanila. Umawang ang labi ko.

"Ano ba Rolfe! Si Raiven ang gusto kong katabi!"

"Sumunod ka na lang. Kundi ako ang malilintikan kapag hindi kita napasunod. Bakit ba kasi ako ang napili na ikunstaba rito." bulong bulong ni Rolfe na parang tunog iritado at kabado.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang sinabi niya. Nagpumiglas si Xerox sa kanya pero hindi siya pinakawalan. I just understand what Rolfe is saying when I feel a dominating and powerful presence behind me.

I shuddered when I feel a hot breath that brushes my left bare shoulder. Tumama ng kaunti ang balikat niya sa akin ng tumabi siya. My mouth parted but before he can notice my reaction, I immediately bit my lower lip. Kuwai stood innocently beside me.

I shuffled on my feet.

Umismid si Zillah. He's biting his lower lip to suppress his taunting smirk. Ganoon rin si Keilander. Habang si Acid ay malamig at busangot ang mukha. I avoided his eyes. Hindi ako bumaling sa kanya.

My heart thumped faster for unknown reason. Nanuyo ang lalamunan ko at napalunok. Lumapit ako kay Helix kaya bahagyang lumapat ang gilid ko sa dibdib niya.

He look at me and I mouthed sorry. He just shrugged and smiled.

"Masikip ba? Uusad ako?" marahan niyang tanong pero umiling lang ako. I can't even speak because my lips is quivering for the man beside me.

"Come here." he hold my waist to pulled me closer to him. Akala siguro ni Helix ay nasisikipan ako. I'm stiff because of someone's powerful presence! So I didn't protest on Helix. Mas lumapit ako sa kanya.

Hindi na nakaangal si Xerox ng sumenyas na ang photographer na nasa gitna para kuhanan kami. He cursed Rolfe.

"Okay, ready..." ani photographer at dahil doon ay mabilis na umayos si Helix. Hindi niya na tinanggal ang pagkakahawak sa tabi ng bewang ko. Xerox glance at us and he smirk when he saw that Helix hands is on my back.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon