Kabanata 85

11.4K 652 233
                                    

Dedicated to @juliancapellan

Kabanata 85:
Afterlife

Zillah's POV

"Let's cut class. Our teacher is boring. Masisigawan lang ako kapag nakatulog nang hindi namamalayan." aya ni Keilander at nilagay ang dalawang braso niya sa likod ng ulo. Tamad siyang huminga ng malalim.

Dumaan ang marahan na samyo ng hangin sa kinaroroonan namin. Dinama ko ang malumanay na pagyakap noon sa balat ko. I feel comfortable when the cold wind sweep across my body. Para akong henele noon kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"Let's just play billiards. I'm not in the mood for the class." lumaki ang ngisi ni Keilander nang tumugon sa pag-sangayon roon si Kuwai. Napaupo siya mula sa pagkakahiga. Tumingin siya kay Acid na tahimik.

Nakatingin sa isang building at mukhang may pinagmamasdan roon. Keilander nudge his side and he turned to him with furrowed brows.

"What?" masungit niyang tanong.

"Cut class?" hindi agad nakasagot si Acid na parang nag-iisip.

"Okay." iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ng ilang minuto at bumaling naman sa akin ang demonyong si Keilander.

"May magagawa pa ba ako?" ismid ko at mas lalo siyang ngumisi. Tumayo na ng tuluyan ngayon at pinagpag ang pantalon. Kuwai shoved his both hands in his pockets and glance at me.

I puffed a smoke from a cigarette and stood also. Dumaan kami sa likod na bahagi ng school kung saan may pader at hagdan na tanging kami lang ang nakakagamit. I throw the cigarette in a trash can before I jump to the wall so we can totally escape the school.

Dumiretso kami sa lugar kung saan may bilyaran. Tamad akong humakbang sa sasakyan ni Kuwai. Tangina inaantok ako. Humikab pa ako ng tuluyang makalabas. Tanghaling tapat at ito ang naisipin nilang gawin.

Mas lalo namang ayokong pumasok sa klase. Makakatulog lang rin ako at hindi iyon maganda dahil magigising ako sa sigaw ng teacher namin. Magkakabukol pa ako sa binato niyang eraser. Hinilot ko ang leeg at sumunod na sa kanila sa likod. Wala talaga ako sa mood para maglaro ngayon.

Mas gusto ko na lang manatili sa sasakyan at matulog.

"I'm thirsty. Zillah buy us a drink." nagsalubong ang kilay ko nang sabihin iyon ni Kuwai.

"Inuutusan mo ba ako?"

"You're not in the mood. Hindi ka naman maglalaro agad kaya ikaw na ang bumili." aniya at huminga ako ng malalim roon. He was about to pulled out his wallet when I shook my head on him.

Ngumisi si Keilander bago ako tumalikod sa kanila para lumiko sa katabing convenience store. I don't need to ask what drink they want, I already know.

Naglalakad ako patungo roon nang biglang bumagal ang mga hakbang ko nang dumapo ang mata ko sa isang magandang tanawin. Ang namumungay na mata ay bahagyang namilog. Ang antok ay parang dinala na ng hangin na dumaan sa gilid ko at naglaho na iyon.

Napatuwid ako ng tayo at tuluyang nagising ngayon. My eyes settled in the girl in a pastel blue off shoulder dress partnered in a ballerina flat shoes. Her skin was like a water, it's pristine and sparkling under the sunlight. Ngumisi siya habang nakatingin sa screen ng phone.

Her hair is in a half braid ponytail and there's a crystal hairclip at the two sides of her ears. My chest heaved and my breathing faltered on the exquisitely beautiful view. Her hair was storming in her back and the end of her dress was swaying when she started to walk gracefully inside a fruit shake shop.

I don't know but my feet automatically moved on its own and I follow her inside. Nakalimutan na ang dahilan kung bakit ako narito.

I carefully push the glass door and some of the costumer glance at me. Mostly highschool and college girls. Ala una pa lang ng tanghali ah? Ang aga naman ng dismissal nila.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon