Kabanata 25

17.1K 741 263
                                    

Kabanata 25:
Foul

"Ang boring ng mga klase buti na lang PE na natin." si Xerox habang pasipol sipol pa at ang dalawang kamay ay nasa likod niya. Si Helix naman ay nakahilig sa puno at mataman na nakatingin sa aming dalawa.

"Naboboringan ka pa pala? Wala ka namang ginawa kundi matulog."

"Tsk, tulog ako pero naririnig ko mga nangyayari."

"Anong klaseng tulog 'yan?"

"Xerox kind of sleep. Kaya huwag mo akong pagtangkaan kapag tulog ako malalaman ko, Raiven. Tsk, tsk, tsk." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya habang si Helix naman ay tumawa.

"Kahit sa panaginip mo hindi ko susubukang gawin 'yan."

"Is that your final answer?"

"Raiven doesn't like you Xerox." si Helix ang nagsalita at napangisi naman ng nakakaloko ang isa.

"Nagsalita ang hindi rin siya gust--- Aray!" hindi ko napanood ang pagsasakitan ng dalawa ng lumakbay ang mga mata ko sa lalaking naglalakad hindi kalayuan sa amin. Si Rylan. Naalala ko iyong nakaraang araw na sinundan ko siya. Hindi rin iyon naging madali para sa akin.

"Sino ang mahilig makipag-away sa inyong lahat?" natigil si Xerox sa pag-ambang balik ng sapak kay Helix nang bumaling ako sa kanila.

"Lahat naman kami palaaway, Raiven. Our blood is thirsty to fight." si Xerox ang sumagot.

"You also into under ground fights?"

"Minsan, iyong iba nagsosolo para maghanap lang ng sakit ng katawan. Kapag nabuburyo." si Helix

"Like Rylan and Pierce."

"They both crazy in combat fights. Minsan sila pa ang nanghahamon. Why? Do you see Rylan or Pierce fighting?" I shrugged at Helix questions.

"Are you in a fraternity?" alam kong natanong ko na ito dati pero umiwas sila na sagutin iyon. Nagkatinginan ang dalawa at sigurado ako na iiwas muli silang magsalita.

"Uy tara na sa room. PE na, magbibihis pa tayo ng suot!" si Xerox na parang asong umiwas sa akin at tumayo. Helix look at me. His back is still leaning on the tree. I heaved a sigh.

"Dadaan muna ako sa restroom."

"Samahan na kita." mabilis akong umiling sa suhestisyon ni Helix.

"Nah, I can go alone."

"Then I can bring your PE uniform. Nasa bag mo sa room hindi ba?"

"Hindi na. Saglit lang naman ako at babalik rin agad." before Helix can muttered a word I wave at him and run towards the direction of the restroom. Sigurado akong hindi na siya susunod pa sa akin dahil hinatak na siya ni Xerox.

Hindi naman talaga ako pupunta sa restroom. Susundan ko lang si Rylan. Tumingin ako sa likod ko para tignan kung may tao ba pero wala. Rylan is walking just meters away from me. Ito rin naman ang direksiyon patungong restroom kaya may palusot naman ako kung mahuli. But he seems like he didn't even notice someone is following him.

Kumunot ang noo ko ng lumagpas siya sa mga acads buildings at tumango patungo sa abandonadong dorm kung saan tapunan ng mga basura. Kung nasaan rin iyong lalaking nakamaskara. Hindi na muli ako nakabalik rito dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung nariyan pa ba ang lalaki na iyon.

I stop in the tree and my mouth parted when Rylan faded in my sight, in the abandoned dorm. Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya nang matigilan ako at mahinto ng may magsalita hindi kalayuan.

"We met again, Miss Feisty." mabilis akong napalingon kung sino iyon at nakita si Kennard kasama si Keano. Ang dalawang lalaki mula sa first section. My lips twitched. Ito ang oras na ayaw ko silang makita habang may ginagawa akong imbestigasyon. I'm still wondering why Rylan came in that abandoned dorm. Alam niya bang may nakamaskarang lalaki na naroon sa loob?

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon