Kabanata 88

13.2K 559 133
                                    

Kabanata 88:
Tempted

Narinig ko na ang pagsisimula ng laban. Si Caleb ang nagsilbing referee sa laro. Hindi ko nga inaasahan na mag gaganoon pa pala sila. Mukhang sineryoso kahit friendly game lang naman talaga ito.

Kaso iyong mga mata ko nanatili na lang kay Caleb dahil hindi talaga ako makatingin ng diretso roon sa court. Parang isang mabigat na kasalanan ang paglingon. Damn if I turned my head, all I would see is a bunch of topless men playing with their toned and ripped muscles. Plus the sweats that making their body sparkled.

Mabuti na lang pala at exclusive village itong katabi ng mansiyon nila Kuwai na pinaglalaruan nila ngayon kasi panigurado kung iyong pangkaraniwan na village ay baka magkaroon sila ng instant crowd kung ganoon ang itsura nila sa paglalaro.

Parang wala na ring silbi iyong presensiya ko rito kasi hindi naman talaga ako nakakapanood ng laban nila.

"Gatorade Raiven gusto mo?" si Skio na hindi pa napapasok. Tinaliman ko siya ng tingin. He laugh.

"Sabi ko nga ako ang nauuhaw." aniya at binuksan iyong gatorade at nilagok.

"Hindi ka pa nga naglalaro uhaw ka na."

"Oohh. Weak ka daw sabi ni Raiven!" sulsol nila Sixto sa gilid. Napangisi naman ako roon.

"Panoorin mo ako mamaya, Raiven di ba? Kaso bakit hindi ka makatingin sa court?" Skio countered.

"O--..." kakantyawan sana ako ni Rolfe kaso siniko siya ni Eldon at tumingin sa court. Parang may tinuturo. Nilunok ni Rolfe ang sariling salita at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Psh." I sneered. Why is this unfair huh?

Kapag ang babae ang nasa sitwasyon kung nasaan may mga topless na lalaki ay bakit parang nasa dehado akong sitwasyon?

Pero kapag may mga babae na nakabikini, ang lalaki ang may advantage!

Nakakainis! Puwede naman kasing maglaro ng hindi hubad ang pang-itaas! Hindi naman rin ganoon kainit!

Nakayuko pa rin ako. Sinubukan kong sumulyap pero hindi ko matagalan. Napapaiwas pa rin ako ng tingin pagkatapos ng limang segundo.

Sinubukan kong tumingin sa bola kaso ang hirap talaga eh. Lalo na noong pinasa ni Light iyon kay Kuwai. Gusto ko na lang gumabi na bigla para matapos na sila rito. Bakit pa ba kasi sila nag-aya eh.

I tried to glance again and I almost choke my own breath on my throat when Kuwai jump and the sunlight strike on his hard abs. His biceps protrude when he lift his arms and throw the ball.

The ball shoot smoothly to the basket. Naghiyawan ang mga last section na katabi ko. Kasabay ng pagkakahulog ng bola sa sahig ang puso ko. Halos malagutan ako ng hininga ng sumulyap siya sa direksiyon ko. Ang partikular na pares ng mga mata na hinanap niya ay akin.

I quickly get distracted so I averted my gaze. Pero huli na ang aksiyon ko dahil mukhang nakita na niya ako at ngumisi siya sa akin.

Shit!

I covered my face with the Gatorade I'm holding. Pinagkakasya ang mukha roon kahit walang silbi. Nakikita pa rin naman ang mukha ko!

Si Klayden na ang nagdadala ng bola sa kabila. He glanced at me that make me a bit surprised. I watch him play once before and I can say he's good. He's also a varsity of his university right now. Kaya magaling talaga siya. Hindi ko lang magawang maikumpara iyon kay Kuwai. Bukod sa ayaw kong gawin dahil baka maging bias ako, baka hindi ko rin alam kung sino ang mas angat lalo na at hindi rin naman si Kuwai ang magaling.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon