Kabanata 46

16K 697 269
                                    

Kabanata 46:
Win

"N-Nababaliw ka na ba? Ang ibig kong sabihin ay kung ayos ka lang. Hindi ka nakakain ng marami kanina sa lunch!" sunog na yata ang pisngi ko sa sobrang pag-iinit noon. Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya pero kung hahayaan ko ang sarili kong maging tahimik ay mas lalo lamang akong mababaon.

Magiging dehado ako sa kanya kapag nagkataon. He puckered his lips and amusement still dance in her eyes.

"Hindi ako naniniwala." dahan dahan pa siyang umiling. My mouth parted and I want to hit his arm but I'm afraid that I'll be weak if my skin had a contact on his. Kaya pinili ko na lang na hindi.

"Shut up! Iyon ang totoo. Do you think I'll marry you in this age?" akala ko ay matatalo ko na siya roon pero mas lalo niya lang akong nadale.

"Oh? Kung ganoon ay may balak ka? Kaya kong maghintay." nanlaki ang mata ko.

"I m-mean. I won't marry anyone in this age! Ang kapal ng mukha mo. You're assumero!"

"Assumerong gwapo." ngumisi siya at inikot ko ang mga mata sa kanya. Well, hindi ko siya kayang labanan roon. Kapag sumang-ayon ako ay parang niloloko ko lang ang sarili ko. Nag-ngitngit ang ngipin ko sa panunuya niya.

"Bibigyan naman kita ng maraming anak." my eyes widen.

"Anong m-magbibigay? Ang babae ang mangangak kaya sila ang magbibigay!"

"Oh, kung gaanon gusto mo talagang magka-anak sa akin? Walang problema. Kailan mo gusto? Handa ako kahit anong oras." hindi ko alam pero parang hinuhuli niya ako.

"You bastard! Tumigil ka na!" sigaw ko at malakas siyang bumalanghit ng tawa sa nakita kong reaksiyon. Inis naman akong bumuga ng hangin.

"I came here to ask you if you are starving. Tapos mang-aasar ka lang. Bahala ka na nga." akma akong tatalikod sa kanya para iwan na siya nang mabilis niyang nahuli ang palapulsuhan ko.

Lilingon pa sana ako kaso hindi ko na nagawa nang mabilis akong mapahakbang nang marahan niya akong hinila para makapaglakad kami. Nasa harap ko na siya habang hila hila niya ako.

"Papunta na sana ako sa kwarto mo kaso ikaw na ang sumulpot rito. I won't lost this chance, Raiven. You'll eat with me." aniya at hindi ko na nakita ang ekspresyon niya dahil nasa likod niya ako. Natigilan naman ako roon.

"Hindi ka nga kumain?"

"Pakasal na kasi sabi tayo." agad na nalukot ang noo ko sa naging sagot niya.

"I won't marry anyone who I didn't love." saglit siyang napahinto roon pero humalakhak rin. Nagtaka ako sa reaksiyon niya.

"You'll just see yourself signing a documents with my last name in the future." my jaw dropped.

"You're fantasies are beyond the word, Kuwai."

"You'll be the one who'll make my fantasy turn to reality, Raiven. Tayo ang magkakatuluyan at aanakan kita ng marami." halos sapakin ko siya sa braso kaso mukhang hindi naman siya masasaktan kapag ginawa ko iyon.

"Puro kabastusan lang talaga ang alam mo noh?"

"Iyon ang gusto mo di ba? Maginoo pero medyo bastos."

"Saan mo nakuha iyan? Wala akong natatandaang sinabi ko iyan. Ikaw lang yata ang nakakaalam."

"What do you want? I'll hide my silly side to you until you discover it in the future or I'll show my silly side so you won't be surprise how good my performance is after our marriage." hindi ba nauubusan 'to ng mga salita na ipambabato niya sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot kahit na nang-gagalaiti akong magsalita.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon