Kabanata 35

14.8K 654 98
                                    

Warning: Offensive words, foul languages, violence.

Kabanata 35:
Morning

"Paano naman natin gagawin iyon?" tanong sa akin ni Light. Dumating si Shannel para ilapag sa coffee table ang meryenda. Meron doong croissant, cassava cake at juice. Nakahilig pa rin ako sa likod ng side table at ang mga mata ay nasa paa kong marahang tinatapik ang konkretong sahig.

"Xerox statement bothered me a while ago." sagot ko at tumingin kay Pierce.

"Kailan ka huling gumamit?" tanong ko sa kanya at natahimik ang lahat sa buong silid. Alam kong alam nila ang ibig kong sabihin. Huminga ng malalim si Pierce.

"Noong nakaraang buwan pa. Tinigil ko na iyon." sagot niya at napaisip naman ako ng malalim. Mukhang nakukuha na rin nila ang ipaparating ko.

"Kapag sumubok siya ng drug test at positibo ang resulta, wala na tayong magagawa. Kaya paano natin malulusutan 'to?" si Helix na seryoso na ngayon.

"Iyon ang malaking butas sa panig natin. Hindi natin hahayaang dumating ang araw na ipa drug test ka. We're screwed if that will happened." ako at humalukipkip.

"Kung ganoon patuloy lang nating itatago si Pierce? Pero paano kung nagsampa na sila ng kaso?" si Light at kita kong napatiim bagang si Pierce.

"Mananatili siya rito. Kailangan nating bilisan ang kilos para imulat sa kanila ang katotohanan. Hindi puwedeng hayaan nating mahuli si Pierce."

"Keilander won't stop. Handang tumulong sa kanya si Xerox. Magaling iyong maghanap kaya baka ilang araw lang at matunton niya na tayo rito." huminga ako ng malalim sa sinabi ni Helix.

"Kaya kailangan na nating kumilos hangga't hindi pa tayo nahahanap ngayon. Ililipat ko ng lokasyon si Pierce kapag naramdaman nating matutuklasan na nila ang lugar na 'to."

"Anong naiisip mong paraan para malaman nila ang katotohanan, Raiven?" my lips twitched on Helix question. I look at him and I open my mouth to speak.

Marahan kong tinatapik ang daliri sa braso ko habang naglalakad sa madilim na eskinita. Pabalik na ako sa apartment. Madilim na ang paligid pero hindi pa naman malalim ang gabi. Natagalan ako sa pakikipag-usap kila Helix tungkol sa gagawin. Inanyayahan ako ni Shannel na matulog doon sa condo.

Gusto ko rin sana dahil pagod na rin ako sa napaka habang araw na nangyari sa akin ngayon pero may kailangan akong tignan sa apartment. Nag taxi lang ako at bumaba ako sa convenience store para bumili kaya kailangan ko pang maglakad ng kaunti ngayon patungo sa apartment.

Marahang lumalapat ang mga paa ko sa bawat hakbang sa konkretong kalsada nang mapahinto ako saglit nang may marinig na halakhakan at paghikbi. Humigpit ang hawak ko sa supot na dala. May isang eskinita na ilang hakbang na lang ang layo sa akin.

"Wag po, parang awa niyo na. Ibibigay ko na lang ang p-pera sa bag at pakawalan niyo na a-ko." narinig ko ang basag na tinig mula sa babae.

"Miss, gusto namin iyong pera pero sayang naman kung papakawalan ka namin ng ganoong kadali." tinig mula sa mga malaking boses.

"Matagal tagal na rin simula noong makatikim kami ng masarap." dugtong ng isa at napapikit ako ng mariin. Mukhang may ideya na ako kung ano ang nangyayari sa eskinita na iyon. I chewed my bottom lip. Pinagpatuloy ko ang paghakbang papalapit roon.

"P-Please wag po. Parang awa n-niyo na." basag na tinig mula ng babae.

"Huwag ka ng maarte, Miss. Saglit na kaligayahan lang at hindi mo pa mabigay."

"Parausin mo man lang ang uhaw na nararamdaman namin."

"Parang awa niyo na po!!" malakas na sigaw ng babae at nakita kong hawak na siya ng dalawang lalaki habang ang isa ay pilit siyang hinahalikan. I immediately scoffed in disgust.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon