Kabanata 44

16.4K 651 91
                                    

Kabanata 44:
Night Park

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto. Pagod ako sa nangyaring aktibidad kanina pero hindi ko magawang magpahinga. Hindi pa rin ako makabawi roon sa nangyari kanina. I stared at his shirt in the veranda of the room. Nalabhan ko na iyon at pinapatuyo na lang.

I already take a brisk shower and changed my clothes. Pero iyong amoy niya mula sa shirt hindi pa rin nawawala, pati iyong pakiramdam ng damit niya na nakasuot sa akin. Napahawak ako sa noo ko at saglit na napapikit sa nangyari. Kaso marahas lang akong napasinghap nang muli kong narinig ang sinabi niya kanina. Iyong mga salita niyang tumatak sa akin at hindi ako hinahayaang magpahinga ngayon.

"Ngayon binibihisan pa kita pero kapag tuluyan mo akong ginalit, mapipigtas hindi lang ang pasensiya ko pero pati na rin iyang damit mo."

Napapikit ako ng mariin at napatihaya para itago ang mukha sa unan. Anong ibig sabihin niya roon?! Nakakabanas. Hindi ko magawang isipin ang sinabi niya dahil may nabubuong larawan sa isip ko. Nag-init ang pisngi ko at nag-iba muli ng puwesto sa kama. I groaned and mess my hair. Kasalanan niya kung bakit hindi ako makakuha ng sapat na pahinga ngayon!

I want to rest but what he said keeps bugging my mind. Napahinto lang ako ng may kumatok sa pinto. Napahinga ako ng malalim. Natigil ako sa pag-iisip. I immediately check myself and heaved a sigh. I'm wearing a dark blue shirt and a black sweatpants. Tumayo ako sa kama para pagbuksan kung sino man ang nasa pinto.

I look at the peephole first and I gasped when I see Helix. Pinihit ko ang pinto at bumungad sa akin ang ngiti niya.

"Good evening." agad niyang pagbati at bumagsak ang mata ko sa bahagya niyang magulong buhok. He's wearing a white shirt and a gray pants with and an Adidas slippers.

"Good evening." pagbalik kong pagbati. Hinintay ko kung may susulpot na Xerox pero tahimik ang paligid kaya nakompirma kong wala siya.

"Uh mag-isa lang ako." he said when he noticed that I'm looking around.

"Iniwan mo si Xerox?" tanong ko at bahagyang tumawa. Tumango siya at nangiti rin.

"Tinakasan ko siya. Gusto kong pumunta ritong mag-isa."

"Siguradong mag-aalburuto iyon kapag nalamang pumunta ka rito ng ikaw lang."

"This is my payback when you hang out without me." agad akong napanguso sa sinabi niya. He chuckled.

"Nalaman mo na pala. I'm sorry." napakamot ako sa pisngi at nahihiya sa kanya. Naalala ko iyong pumunta kaming dalawa ni Xerox sa hospital. Pinilig niya ang ulo. I can see amusement in his eyes and his lips twitched.

"Ayos lang. I know you don't want that to happened too. Si Xerox ang may kagagawan." I chuckled and leaned on the door.

"Wala kayong ginagawa sa room niyo?" he shuffled on his feat. Hindi agad nakasagot sa akin.

"They're watching...." he trailed off.

"A movie?" ako at huminga siya ng malalim. Nag-iwas ng tingin sa akin at kumunot naman ang noo ko. Napaisip ako at umawang ang labi nang mapagtanto ang gusto niyang sabihin.

"A porn." sabi ko at mabilis nagsalubong ang kilay niya.

"Ha?" nag-init ang pisngi ko.

"I mean they're watching a porn that's why you left your room?" dahan dahan kong sinabi at tumango siya. Nakatitig sa akin.

"Hindi ko alam kung sino nagpasimuno non. I immediately left when they start playing it. Fuck!" he looks uncomfortable on talking about that topic with me. Natawa ako kay Helix. Hindi ko inaasahan na ganito siya.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon