Kabanata 43

14.6K 711 181
                                    

Kabanata 43:
Shirt

"On your marks! Ready.... Go!!" sigaw ni Sir Agape at agad naghiwayan ang lahat maliban sa akin at sa ibang tahimik na last section nang magsimula ang laban. Si Xerox ang nasa unahang pila namin kaya agad na siyang tumakbo. Malaki pa ang ngisi niya habang ang nasa kabila ay si Caleb.

Umawang ang labi ko dahil sobrang bilis ng pagtakbo ni Xerox. Mas mabilis pa siya sa aso na nagawa niyang ungusan si Caleb. Mabilis siyang pumasok sa mga gulong at tumawa ang ilan dahil sa mabilis niyang kilos. Para siyang kiti-kiti. Nasa pang-apat na gulong na si Xerox at saka palang nagsimula si Caleb.

"Gago hustler tong si Xerox sa lahat ng laro!" sigaw ni Skio at gusto kong sumang-ayon sa kanya.

"Habol Caleb!" hiyaw naman ni Eldon. My lips twitched. Lumingon ako sa kabilang team at nakita si Kuwai na nakatingin rin sa akin. He arch a brow. Hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya. Bumalik ang mata ko sa mga naka set up na obstacles. Hmm, I don't know but the side of my lips suddenly curl up on imagining him playing this sports.

Ano kaya ang itsura niya sa pagsuot sa mga gulong na iyon? pagsakay sa sako at pagtalon-talon? pag slide sa madulas na slant na rubber cloth at kakain ng pagkain sa dulo? Tapos ay lalangoy? Tumawa ako bigla. Oh god, will he still wear that serious and dark expression of his during the game? Papaano naman kaya iyon? Pinilig ko ang ulo at muling tumawa ulit.

This is exhilarating.

His forehead creased when he saw me laughing here. I rolled my eyes on him and my eyes landed on Helix with a curious face. Mukhang nagtataka kung bakit bigla bigla akong tumatawa. Natigilan tuloy ako.

"Pinapakaba mo ako sa tawa mo." aniya at ngumisi sa akin.

"Bakit ka naman kakabahan?"

"Parang sigurado kang mananalo tayo. Ang hirap mong biguin." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Helix this is just a game. No matter who wins between the two teams is fine on me. Ang mahalaga ay nagsaya."

"Right." he nodded and stared at my eyes.

"Magsaya." tumawa na lang ako sa sinabi niya at nagkibit balikat.

Lahat kami ay nakasuot na ng Type D PE Uniform. Isang pulang shirt na may tatak ng school at apelyido namin sa likod. It's cotton so its comfortable to wear. Hindi rin mainit na angkop na suotin sa ganitong aktibidad. Ang shorts ay jersey at pula rin na may kulay lang na itim sa gilid bilang disenyo. Sa lalaki ay kasing haba lang rin katulad ng jersey shorts nila sa basketball. Habang ang akin ay mahaba lang ng isang dangkal sa shorts sa volleyball.

Komportable ako roon. Ang iba ay nagpaa na lang at hinubad ang mga sapatos. Ganoon rin ang pinili ko dahil mababasa lang iyon kapag lumangoy kami mamaya. Mabuti na lang at lahat kami ay sanay lumagoy kundi baka may malunod pa sa huling station.

Sinigaw ko ang pangalan ni Xerox nang nagawa niyang makatapos sa first station at tinaas ang sign na nasa dulo ng station bilang senyales na puwede nang tumakbo ang kasunod. Tinuro ako ni Xerox at maangas na pinalo ang braso niya bago tumakbo sa second station.

He immediately hold the rope to climb in the artificial stone na nakadikit roon sa pader na kulay asul. Mataas iyon at sa tingin ko limang tao na pinagpatong patong na kasingtangkad ni Light.

Humiyaw si Russel na susunod na sa pila para sa team namin. Agad siyang sumuot sa gulong at muntik pang masubsob sa lupa sa pagkawala niya. Habang si Xerox ay agad sinuot ang sako. Tumawa kaming lahat ng magtatalon talon siya roon habang paikot-ikot sa mga upuan na nasa gitna. Nang matapos siya roon ay agad siyang nangalahati na sa pag-akyat.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon