Kabanata 63

14K 690 184
                                    

Kabanata 63:
Lose

"Bakit ka nagpahanda ng ganitong karami?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Kuwai. I know he's damn wealthy pero hindi naman tama na mag-aksaya siya ng pera. Pabalik balik ang mga kasambahay sa paglapag ng mga pagkain sa lamesa. Hindi pa kami makapagsimulang kumain dahil hindi pa sila tapos.

Iba't-ibang putahe ang nakahilera sa harap ko. Naghihintay na madapuan ng kubyertos. Lahat ay hindi ko makilala. Mukhang pagkain pa mula sa ibang bansa base na rin sa istilo at disenyo ng pagkaka presinta sa plato. Nakakatakam silang lahat pero hindi ako makapagsimulang kumain dahil halos hindi na magkasya sa lamesa ang mga nilalapag ng kasambahay.

Pakiramdam ko gustong pasakitin ni Kuwai ang tiyan ko. Parang ayaw niyang palakarin ako ng matiwasay pauwi. Ang suwerte ko na matitikman ko iyong lahat pero sayang ang matitira.

"Nagpahanda ako sa pagbisita mo rito."

"Pagbisita? Sa pagkakaalam ko ay dinala mo ako ng biglaan rito." wika ko habang pinaglalaruan ang kubyertos. Pinagsalin ako ng isang kasambahay sa gobblet, habang iyong isa ay juice sa glass, at iyong isa ay tubig para sa baso na may katamtamang laki. Pati baso kailangan pa na tatlo para sa iba't-ibang inumin.

I feel like I'm inside a royal castle. Pinagsisilbihan bilang reyna sa kastilong ito. Dalawa lang naman kami ni Kuwai na nakaupo rito sa mahabang lamesa na mukhang sa malayong lugar pa nila nakuha.

Ang komplikadong disenyo noon na nasa gilid ay nakakahalina. Pati ang disenyo ng upuan na nakapalibot rito ay hindi rin pangkaraniwan. This mansion is exquisitely beautiful and elegant.

"Kung ganoon ay naghanda ako para sa pagdating mo. Hindi naman masasayang ang pagkain dahil maraming tauhan ang puwedeng bahagian pagkatapos." I leaned on the backrest of the chair in what he said.

"Mabuti kung ganoon. Hindi ko kayang ubusin ang lahat ng ito. Hindi mo kailangang maghanda ng ganitong ka engrade dahil lang sa pagdating ko."

"You don't know how long I waited for this to happened." my forehead creased on what he said. Tumitig lang siya sa akin. Ako ang unang nagbawi ng tingin at narinig ko ang marahan niyang halakhak.

"What do you mean?"

"Hinintay kitang makatapak rito."

"Ano naman ngayon kung nakatapak ako rito?"

"It makes me happy seeing you here. Ikaw ang kulang na liwanag rito. The lights were faint before but it was now shining in delight because of your presence who invade the whole mansion." I lost my tongue again in his words. Hindi naman matinik iyong mga sinasabi niya pero sa paraan ng pagkakabigkas niya noon kusa na lang akong nawawalan ng kakayahan na lumaban.

I can feel my cheeks heated. Nakatunghay sa amin ang mga kasambahay. May tinatagong ekspresyon na nais pakawalan sa kanilang seryosong ayos.

"Gutom na ako." sabi ko at tumaas ang sulok ng labi niya.

"Okay, let's eat." he said. My back straightened to get ready on eating the food. Mukhang ilang minuto akong hindi makakatayo sa pakikipagbuno sa pagkain. I first try the soup. Sumimsim lang ako roon. May mga nakahilerang iba't-ibang klase ng kubyertos sa harap ko.

I doesn't even know how to used it in order. But Kuwai seems he didn't mind if I'll get a wrong spoon. Iyong malalim ang scoop ang kinuha ko para makakakuha ng sabaw. Pinapanood niya lang ako. I gasped a bit when I taste the soup.

"This taste so good." hindi ko pa kailanman natikman ang ganoong lasa ng sabaw. Ngayon lang. It was like a chiken juice that extract in a long process and cook in a professional way. Kaya ganitong kasarap.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon