Kabanata 22

16.3K 701 255
                                    

Kabanata 22:
Apartment

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang nurse na balutan ang balikat ko. Nakaupo ako sa kama at nasa labas ang tatlo kung saan nakaharang ang kurtina para hindi nila ako makita. I'm in my sando now and I wait until the nurse finish covering my right shoulder.

Nasa clinic ako ngayon at sinunod ko lang ang gusto ni Helix. Ayoko sanang pumunta rito lalo na at gusto kong malaman ang kalagayan ni Pierce. Bakit niya ba kasi sinabi ang kasinungalingan na iyon. He just trigger the three to beat him up. May ilang sugat siya sa mukha ng makita ako at alam kong hindi iyon maganda.

Pupunta kaya siyang clinic? Pero mukha namang malabo niya iyong gawin.

I just wonder why he didn't fight back on them. Bakit hinahayaan niya lang sila Kuwai na saktan siya at hindi manlaban? Pierce seems haa a short tempered. Kung ganoon bakit hindi siya nagpumiglas?

Nang matapos iyong gawin ng nurse ay kinausap niya pa ako para sa mga bawal kong gawin sa pasa ko. She advice me to take a rest so it won't turn worst. Inabisuhan niya rin ako na huwag munang pumasok para gawin iyon. I took a deep sigh. Nagpaalam na siya na aalis para gawan ako ng med certificate.

Iyon ang ipapakita ko sa mga teacher para sa pagliban ko sa klase. Sinuot ko muli ang uniporme. I button it up and I stop when I remember that the three buttons in top were gone. Hindi naman ako nakikitaan kaya inayos ko na lang iyon. I'm leaning my back in the headboard of the bed nang may humawi sa kurtina na nasa harap ko.

"Are you okay?" si Helix agad ang nagtanong pagpasok at tumango naman ako.

"Ayos lang. Wala ako maramdamang sakit dahil nakainom na ako ng pain killer." sagot ko at lumakbay ang mga mata sa likod nilang dalawa ni Helix kung nasaan si Kuwai at nakahalukipkip. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa at seryoso ang mga matang nakatuon sa akin.

"I heard the nurse advising you to take a rest. Hindi ka papasok bukas kung ganoon?" tanong ni Xerox.

"Uh ganoon na n-nga. Baka tatlong araw akong di makapasok para mapahinga ko talaga i-ito." hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Kuwai na matamang nakikinig sa usapan namin. Hindi lumalapit at nanatili sa puwesto niya malapit sa pinto.

"Mag-isa ka lang sa apartment mo hindi ba? Sino ang mag-aalaga sayo?" Helix asked and I saw Kuwai shuffled his feet. I glance at him and his brows were furrowed.

"Kaya ko ang sarili ko."

"Ang boring kung wala ka ng tatlong araw. Aabsent na lang kami at sasamahan ka sa apartment mo para maalagaan." si Xerox at namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Bahagya pang gulat.

"Xerox is right, Raiven. Pupuntahan ka namin para matignan ka." napunta na sa kanila ngayon ang buo kong atensiyon.

"H-Hindi na. Ayos lang talaga ako. Aabalahin ko pa kayo."

"Tsk tsk, parang hindi ka naman naging abala bago pa 'to." I gasped at Xerox remark. Sinapak siya ni Helix sa braso at bumalanghit siya sa tawa.

"Damn you!" sabi ko sa kanya at ngumisi lang siya.

"Ang sarap mo talagang asarin." kung nasa maayos lang akong sitwasyon ngayon ay baka natadyakan ko na si Xerox pero hindi ko muna ipapahamak ang sarili ko.

"Hindi ka naging abala kahit kailan sa amin, Raiven. We're concerned. Gusto lang namin samahan ka."

"Ayos lang talaga akong mag-isa. Nagkasakit rin ako dati at mas malala pa. Gumagaling naman ako na sarili ko lang ang nag-aalaga sa akin."

"Iba na ngayon Raiven. Now that we're here. We won't let you be alone anymore. You don't need to hesitate because we'll always be here for you no matter what." natigilan ako sa sinabi ni Helix.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon