Kabanata 83

11.9K 592 123
                                    

Kabanata 83:
Hospital

Tahimik akong nakaupo sa waiting area na nasa labas lamang ng kwarto kung saan nasa loob sila Helix at Kuwai. Magkakrus ang braso ko sa dibdib at seryoso lamang ang mukha. Suplado na umismid si Kuwai nang lumapit ang nurse sa kanya. Tamad siyang nakaupo sa gilid ng kama.

Bahagya namutla iyong nurse sa reaksiyon niyang iyon.

Habang si Helix ay nakatunghay sa akin. Nakaupo siya sa isa pang kama. He's topless. Iba ang reaksiyon ng nurse na nakatuka sa kanya. Her cheeks were flushing.

Mukhang kabado ang nurse habang dahan dahan na inaalis ang tela na binalot ko sa braso niya. He's just looking at me intently like he can't feel any pain on his wounded arm.

Malalim akong bumuntong hininga. Nasa tabi ko si Xerox at parehas na pinapanood rin ang dalawa. Nakabukas ang pintuan ng kwarto at hindi ko alam kung bakit. There's a scowl that etched on Kuwai's face as the lady nurse treat some cuts on his jaw and lips.

Matalim ang mga mata na tumama sa akin. I averted my eyes and leaned on the backrest of the seat. Inabutan kami ni Keilander ng cup na naglalaman ng kape.

"No. Matutulog pa 'to. Baka kapag uminom ay mahirapan na siyang makatulog. Salamat." tanggi ni Xerox kay Keilander na tumango.

"Oh. Okay." aniya at ngumiti sa amin bago pumasok sa kwarto. I'm so exhausted that I can't even move my lips to speak. Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakainom ako ng ilang cup ng kape noong nakila Zillah kami kaya siguro dilat na dilat pa rin ako ngayon.

I want to rest but I'm thinking about this two. Kahit totoong galit ako sa ginawa nila, nawawala pa rin iyon dahil sa pag-aalala. I can't really stay mad to the two of them. I'm still worried even their wounds are not that deep. Malaking problema na iyon sa akin dahil may nakikita akong dugo sa braso at labi nila.

"Let's go Raiven. Magpahinga ka na." si Xerox na tumayo sa tabi ko.

"Napapagod na akong magbiyahe."

"Bubuhatin na lang kita. Sarap asarin ng dalawang iyon ngayon. Hindi makakapalag sa striktang tingin mo." aniya at ang labi ay kumislot na naman para sa malademonyo niyang plano.

I look at him seriously.

"Psh." I said. Xerox glanced at the two who's looking at him with their both sharp and steely eyes.

"Tiis na tiis ang dalawa." tumawa siya.

"Sir. Handa na po ang kwarto na para sa inyo. Puwede na po kayong magpahinga r-roon." ang nurse ng matapos sa paggagamot kay Kuwai. He has a small bandage in his cheeks and jaw.

"I don't fucking need to stay in a room. I'm fine." he answered in an arrogant and snob way. Kitang kita ko ang panginginig ng babaeng nurse sa takot.

"G-Ganoon po ba. Sige p-po---" she was halted when Xerox suddenly butt in.

"Kukuhanin namin iyong kwarto." aniya at kumunot naman ang noo ko.

"May napuruhan pa ba sa inyo Sir?" bumaling sa kanya ang nurse.

"Wala. Bakante naman iyon di ba? Kung ganoon doon na lang kami matutulog. Puwede naman hindi ba?" then he flashes his boyish grin. Mula sa pagkaputla dahil sa takot kay Kuwai ay namula ang pisngi ng nurse kay Xerox.

I facepalmed.

"Okay Sir." mas lalo namang nalukot ang mukha ni Kuwai.

"I changed my mind. I will now get that room." my brows twitched from what I heard from Kuwai.

Ang nasa kwarto na sila Keilander, Sixto, Eldon, Skio ay sabay sabay na tumikhim. Si Helix naman ay tumaas ang kilay sa kanya.

"Ako ang nauna Kuwai. So it means Raiven already got that room. Sorry bro, pero ako na ang katabi ni Raiven ngayong gabi." siniko ko sa dibdib si Xerox ng makatayo. Hindi naman masyadong malakas at marahan lang.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon