Kabanata 53

14.5K 719 225
                                    

Shout-out to this peeps @Thameia @teasha06 @Kyut__ako @MarkEndionela @rhianna_thereseee

Thank you for voting, commenting and messaging me. I always read the comments and messages, and you always makes me motivated! Salamat.

Kabanata 53:
Kandong

"Calamares on table five and another cup of rice in table six!" sigaw ni Yoske at mabilis na inabot iyon ni Brix at Rexson. Nasa kusina ako pero ramdam ko ang pagiging abala nila sa labas. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa katapat nang bukas na pader na katapat ni Xerox.

Girls are giggling in the counter as they look at Xerox to pay their bills.

"Masarap ba iyong pagkain?" tanong niya at halos ikutan ko siya ng mga mata. He's enjoying his place huh. I don't know if I'll be irritated or what. Mukhang hakot naman kasi siya sa mga costumer.

"Hmm, sobrang sarap! Gusto pa naming kumain kaso busog na busog na kami! Babalik ulit kami!" the three girls giggle and Xerox tilted his head.

"May masarap pa bukod sa pagkain." dahan dahang sinabi ni Xerox at kumunot ang noo ko.

"Ano naman?"

"A...ko." mas lalong lumakas ang hagikhikan nila. I even saw on the metal reflection his wink to the three girls. I shook my head and massage my temple. Oh god.

"So uhm, do you have a contact number?" iyong isang babae at halos mapasinghap ako.

"I mean this resto contact number?" the girl cheeks flushed.

"Hmm meron naman. The number is written on the poster in the door. You can have it or you want to have an extra number too from me?" Xerox leaned against the table. Binatukan siya ni Light na kakadaan lang para kumuha ng tray.

"Trabaho tayo!" si Light na natatawang ngumisi at nilagpasan siya. Xerox chuckled and just messed his hair but the three girls even become more attractted to him.

"Galaw mo Xerox! Be professional!"

"Coming from you? Mas nakaka iskor ka nga sa akin." si Xerox kay Eldon na ngayon ay may babaeng nasa kandungan niya. Sobrang pula ng mukha ng babae habang inaasar siya ng mga kasama niya sa table.

Mabuti na lang at hiwalay iyong teens area kung saan nagaganap iyong promo at iyong area na para sa mga tahimik na pamilya na nagtungo para kumain rito. May mga ilang bata pa at matatanda. Kung masisilayan nila iyon ay baka iba pa ang hatid sa kanila at masamid pa.

Si Rexson naman ay kakalapag lang ng orders sa table na naka assign siya ng irequest siya ng isa sa mga babaeng costumer. Naiiling na natatawa siyang lumapit roon. Naghiyawan ang lahat ng umupo siya at tapikin ang kandungan niya para sa babae.

Namula naman ng todo ang pisngi ng babae na para bang tumiklop bigla. Her friends push her to Rexson who caught her waist. Mas tumindi ang pamumula ng pisngi niya at inalalayan siya ni Rexson para makaupo sa kandungan niya.

Paano kaya sila nakakain sa ganoong posisyon?

Tatlong oras pa lang ang lumilipas at dagsa na agad ang tao sa loob. Halos wala nang bakanteng upuan para sa mga costumer na pumapasok kaya nasa waiting area muna sila.

Noong magbubukas pa nga lang kami ay halos magulat ako sa rami ng tao na nag-aabang. Karamihan ay mga babae na mukhang hindi yata pagkain ang sadya rito kundi tanawin. I couldn't blame them though. This resto is such a good choice. We're serving two things and the other one is for free. Para na rin iyong promo.

Number one is the delicious meal in the menu. Kahit ano namang piliin nila ay masarap. Kaya iyong iba ay nagtatake out pa. The other one I'm talking about is the good view. Kahit saang anggulo maganda. Mabubusog ka kahit saang parte ka bumaling.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon