Kabanata 17

18K 758 150
                                    

Kabanata 17:
Warm Up

Nasa usual spot kami kung saan nananghalian nila Helix at Xerox. Tahimik akong ngumunguya habang panay ang daldal ni Xerox sa kung ano. Nakamasid ako roon sa direksiyon kung nasaan ang lumang dorm. Tanaw ang rooftop noon dito at ang mga palapag ay natatakpan ng ibang school buildings.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Helix kaya hininto ko ang pagtanaw roon. Tumikhim ako.

"May problema ba?" marahan niyang tanong. Mukhang napansin ang pananahimik ko at mabilis akong umiling.

"Wala naman." hindi mawala sa isip ko iyong lalaking nakamask. His eyes is so mysterious like it was hiding a lot of mysteries like his cold presence. Napakamisteryoso ng pagkatao niya na parang nakukuryoso akong alamin kung sino siya.

"Birthday ni Lexus ngayon. Night out daw sa bar mamaya." pagsingit ni Xerox. Inagaw na naman ang ice cream na para sa akin. Wala akong ganang kumain kaya hindi ko na siya sinuway.

"Saan daw ba?" si Helix.

"Hindi ko pa alam. Text na lang daw address mamaya. Sama ka Raiven?"

"Invited ako?" tanong ko.

"Syempre. Pinagpaalam ka sa akin ni Lexus. Inunahan ko lang si Helix na magsabi." humalakhak siya ng mariin siyang tignan ni Helix. Bumaling siya sa akin.

"Puwede ka ba mamaya?" marahang tanong ni Helix at mabilis akong umiling.

"Hindi puwede. Tutulungan ko iyong kaibigan ko mamaya. Pumayag na ako kaya hindi na puwedeng bawiin." sabi ko. After what Shannel did in putting lingerie in my bag back in the dance performance, she experience a worst punishment. She just sent to my account the 100% profit of the bar this months.

Naghirap siya dahil roon kaya wala pa siyang kakayahang magdagdag ng empleyado. Kaya nanghingi siya ng tulong para mamayang gabi sa akin para magtrabaho. I agreed since she already regret what she did. She also sounds awful so I'll help her. Wala naman akong masiyadong ginagawa kaya pumayag na ako.

I miss working and I miss the bar presence. Nasasabik ako kahit na trabaho naman ang punta ko roon mamaya.

"Sayang naman. Puwede kang humabol baka hanggang madaling araw kami roon." si Helix at saglit akong nag-isip.

"Hindi ko alam kung kailan ako matatapos, baka madaling araw na rin." since Friday mamaya at doon karamihan maraming tao sa loob ng bar. Kaya magiging abala talaga siguro ako at ang closed ng bar ay 4am pa. Sigurado magtratrabaho ako hanggang ganoong oras.

Helix look a bit sad in my answer. Nginitian ko naman siya.

"Kakalabas lang nating tatlo noong nakaraan. Kaya next time na lang siguro." I tried to cheer him up.

"Kunwari lang yan malungkot pero tignan mo mamaya may babae---"

"What did you say?" hindi na agad natapos ni Xerox ang sasabihin dahil biglang gumalaw si Helix.

"Wala, sabi ko nga mas masaya kung nandoon si Raiven." tumawa ako.

"Next time na lang talaga. I'll just greet Lexus and give him a gift. Hindi ko alam na ngayon pala ang birthday niya."

"May gift kang dala kahit hindi mo alam ang birthday niya?"

"No, I have a personalized ear phone here with a boyish design. Binili ko kahapon at hindi ko pa nagagamit. Ibibigay ko na lang sa kanya." saad ko at agad na hinalungkat ni Xerox ang bag ko. Hinayaan ko siya.

"Woah! Mahal to ah. Ito iyong gusto kong bilhin." aniya habang hawak iyong box ng earphone.

"Hindi naman sayo ba't mo hinahawakan?" si Helix at agad na ngumisi sa kanya si Xerox.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon