Kabanata 1

8.4K 140 1
                                    

Lahat ng bagay ay may dahilan, may mga taong umaalis sa buhay natin, na hindi natin alam, alam nating masakit, pero lilipas din yan, sabi nga nila sanayan lang sa sakit

Nasa tao rin kasi yan, kung gusto mo bang saktan yung sarili mo, o ibaliwala mo nalang , dahil sa una palang, kung alam mo nang masasaktan ka, dapat hindi kana pumasok sa ganong relasyon

May mga bagay talaga na hindi natin maintindihan, pero may mga bagay na pilit na binibigay, nang tadhana , na minsan, ay gustong gusto natin, pero ayaw satin

Bakit mopa ipag pipilitan ang sarili mo, kung alam mong sa simula palang, ayaw na sayo ng taong yon, martyr lang

"Hays ano ba tong iniisip ko"bulong ko sabay buntong hininga

"Kaya ka nga, umuwi ng pilipinas, para makalimot diba"bulong ko ulit

"Makalimot sa sakit"

"Sakit na dulot nila"

"Sinisigurado kong, mag babayad kayo"pag hihinagpis na bulong ko

Huminga ako ng malalim at tumayo at nag patuloy sa pag labas ng fast food chain, at nag hintay ng taxi,kakauwi ko lang galing ng ibang bansa, at hindi ko alam kung saan ako mag hahanap ng matitirahan

"Mabuti sigurong,"

" sa probinsya ako mag simula ng pani bagong buhay"bulong ko

Maya maya pa ay nakasakay nako ng taxi,  mag papalipas na muna siguro ako ng isang araw dito sa manila, kailangan ko pang mag pa book ng ticket

"Saan po tayo ma'am"tanong na driver

"Sa kung saan po, na may pinaka malapit na murang hotel po dito manong"nakayukong sabi ko

"Bago po ba kayo dito ma'am,"tanong nito, hindi ko alam kung sasagutin ko ito, ngunit tumango na lamang ako

"Mag iingat po kayo ma'am ha, marami pong mga mandurukot dito"nakangiting sabi nito

"Opo manong, salamat po"nakangiti kong tugon

"Ahh ma'am pwede ko po bang isabay yung anak ko, madadaan po kasi natin sya, mag gagabi narin po kasi, delikado po baka mapag inititan, babae rin po kasi" tanong nito, habang nakatingin sa mirror, nginitian ko lamang ito, at tinanguan

"Maraming salamat po ma'am"nakangiting sabi nito, bakas ang saya sa kanyang mga mukha

Maya maya pa ay nadaanan namin ang isang babae, papasok sana ito, sa likod kung saan ako nakaupo, ng pipigilan sana ito ng kanyang ama, ngunit pinigilan ko ito

"Okay lang po,"nakangiti kong sambit

Pumasok ang babae habang nakatutok sa kanyang telepono

"Papa daan muna tayo ng jollibee, bili po muna tayo ng manok,------"natigil ito sa kanyang sinasabi ng makita ako nito

"Ang ganda"tulalang sabi nito, na ngitian ko lamang

"Oo nga anak, sabi ko nga dito kay ma'am mag iingat sya"nakangiting sabi ng kanyan ama

"Hello"nakangiting wagayway nito sa akin

"Hi" ngiti kong tugon

"Ang ganda mo talaga"nakangiting sabi nito, napayuko naman ako at nahiya

"Taga saan ka pala"tanong nito

"New york"sagot ko

"Hala ang layo,"gulat na sabi nito

"Dito sa Pilipinas, wala ba kayong bahay dito"tanong nito

"Wala"ikli kong sagot

"Ah so nag babakasyon ka dito"nakangiting tanong nito

""Ano kaba anika, baka naiirita na si ma'am sayo, andami mong tanong,"sabi nito sa anak nya

"Sorry"nakayukong sabi nito sa akin

"Pasensya na ma'am"nakangiting sabi ng kanyang ama, na sinuklian ko naman

"Okay lang po"sagot ko dito, at napabaling naman aking paningin kay anika

"Hindi ako nagbabakasyon dito, nandito ako, dahil sobrang ganda ng Pilipinas"sagot ko kay anika, at nginitian ito

"Saan ka ngayon nakatira"tanong nito

"Mag che check in na muna ako sa pinaka malapit na hotel" naka ngiting sabi ko

"Hala mag che check in kapa, tsaka masyadong mahal yung ganon diba"takang tanong nito

"May naitago naman akong maliit na pera dito"nakangiti kong sabi dito dito

"Maliit na pera, baka maubos agad yan,"takang tanong nito,Nabuntong hininga naman ako

"Alam ko, pero wala kasi akong matutuluyan ngayon, pinag kakasya ko nalang yung perang hawak ko, na naipon ko sa new york"naka yuko kong sabi

"Naku ma'am mahirap nga yan"wika ng kanyang ama

"Kung gusto nyo ma'am, doon muna kayo sa amin, para hindi na kayo gumastos sa pag hohotel"nakangiting wika ni manong,

"Nako manong wag napo, nakakahiya po" pagtangging sabi ko

"Ano kaba wag ka ngang mahiya, tsaka tama naman si papa sa amin kana muna , para makatipid ka" nakangiting sabi ni anika

Napabuntong hininga naman ako, pero mukhang tama sila, kailangan ko munang sigurong labanan ko, ang hiya ko

"Okay lang po ba sa inyo"nahihiyang tanong ko

"Oo naman siguradong matutuwa si amanda,"nakangiting sabi ni manong

"Talagang matutuwa si mama"masayang wika ni anika

"Maraming salamat po sa inyo"nakangiting sabi ko

"Walang anuman po"nakangiting sabi ng ama ni anika

"Tsaka maliit na bagay lang naman yon, para makatulong kami sa mga kapwa namin" nakangiting sabi ni anika habang hawak ang aking kamay, kasabay ng pag tigil ng sasakyan sa labas ng jollibe

"Wait lang ha, oorder lang ako" nakangiting sabi nito

"Sama ako may bibilhin din kasi ako"nakangiting sabi ko

"Kung ganon edi tara na"masiglang sabi nito at hinila ako, na nag pangiti sa akin

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now