Kabanata 28

2.7K 50 0
                                    

" Paano naga-----" sambit na tanong sana ni isa. Ngunit biglang sumigaw si ms.wall

"Hali muna kayo umahon muna kayo dyan. Mag miryenda muna kayo. Bilis bilis"

"Wag mo nang tanungin, hindi narin naman mahalaga yon. Ang importante kasama ko kayo ngayon at may bago akong pamilya"mariing sambit ko habang nakangiti. Na ikinangiti nila.

Sabay sabay kaming umahon habang mag kaakbay na may ngiti sa labi. May mga problema man pero ngayon ay alam kong sabay sabay na malalagpasan namin ang lahat ng ito. Basta't mag kakasama.

"Oh bakit namumugto yang mga mata nyo. Ano na namang pinang gagawa ninyo ha. Kayo talagang mga bata kayo"sambit ni ms.wall saamin ng makarating kami.

Nakita kong sineset up ni Lance ang speaker na dala.

"Nag moment lang po kami ms.wall"natatawang sambit ni nesa na May ngiti na sa labi hindi tulad noon na naka taas ang kilay.

"Moment moment"sambit ng matanda na nag patawa sa amin. Maya maya pa ay nakita kong lumapit si isa at nika. Kung nasaan si Lance na kakatapos lang inayos ang speaker.

"Alam nyo ms.wall. wag po munang beast mode ngayon. Mag saya po muna tayo. Isa music please"sigaw ni ali kasabay ng pag click ni isa sa speaker at pag tugtog ng isang sayawan.

(Kapayapaan By:TROPICAL DEPRESSION)

"Halina't sumayaw sa ilalim ng araw
Maghawak-hawak ng kamay
Isigaw nang sabay-sabay" kanta nila sabay sayaw na ikinangiti ko.

"Kapayapaan" kanta ng speaker

"kapayapaan" sunod naman namin.

Ilang beses pa nilang sinundan ang kanta habang nakangiti.

"Kulay man nati'y magkaiba" sabay kanta ni ali habang nakatingin sa amin. Na parang tinatawag kami nito. Kaya naman nag silapitan kaming lahat maliban kay ms.wall na nakatayo parin sa pwesto nito.

"Mundo natin ay iisa" kanta ni ica habang papalapit ng naka ngiti. Lahat kami ay naka circle. Napangiti naman ako ng makita kong nakatingin sa akin si Lance na nasa aking harapan na katabi ni isa.

"Maghawak-hawak ng kamay
Isigaw nang sabay-sabay
Kapayapaan" kanta naming lahat habang nasa itaas ang kamay na mag kahawak.

" kapayapaan" sunod pa namin habang nakangiti.

"Lupang uhaw sa pag-ibig"kanta nila nika, isa at Ali sabay tulak kay Lance papalapit sa akin.

"Lupang uhaw sa pag-ibig"sabay tulak naman nila nesa at ica sa akin. Na ikinapula ng aking mukha. Sobrang lapit na nito.

"Ehem"biglang pag ubo ni ms.wall. na ikinatigil agad namin.

"Naghihintay sa halik ng langit
(Naghihintay sa halik ng langit)"tunong ng musika.

"Lupang uhaw sa pag-ibig" kanta ni ms.wall sabay sayaw na ikinatawa namin. At pinagpatuloy ang pag saya.

"Lupang uhaw sa pag-ibig" kanta nilang lahat. Habang nakapabilog samin ni Lance. Kasama si ms.wall.

"Naghihintay sa halik ng langit" kanta ni ms.wall. nesa at ica. Habang itinataas nila ang kanilang mga kamay habang pinapa ikutan kami.

"Naghihintay sa halik ng langit"sunod naman nila isa. nika at Ali. Na ikinangiti ko. Napaharap naman ako kay Lance ng tumikhim ito. Napatitig ako sa mga mata nitong mariin na nakatitig sa akin. At Inilahad nito ang kanyang kamay. Upang anyayahan akong sumayaw na ikinangiti ko. Kaya  naman Inilagay ko ang kamay ko sa kamay nito nang nakangiti.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now