Wakas

4.8K 99 8
                                    

It's been a year mag mula nang mangyari ang araw na yon. At ngayon ay alam kong nakalaya nako sa nakaraan. Pag katapos nang araw na yon, ay nakulong ang mga may sala.

At lumayo muna ako sa mga taong minsan naring naging importante sa akin, upang sa ganon ay maheal ko naman ang sarili ko at malimot ang nakaraan. Kumbaga gusto ko nang panibagong buhay kaya naman sinimulan ko sa pag bebenta nang lahat lahat ng ari ariang minana ko, pwera nalamang sa mansion.

Mansyong naging saksi nang pag mamahalan nang aking magulang. At Habang ang pera namang nakuha ko mula sa pag bebenta ay hinati ko ito.

Ang kalahati naman ay pinamigay ko sa mga bahay ampunan. At sa mga taong nangangailangan. Habang ang kalahati naman ay ininvest ko sa kumpanya ni Lance.

Dahil pinangako kong babalik ako upang gampanan ang pagiging asawa ko rito. Ngunit gusto ko mang bumalik ay hindi ko alam kung pano sisimulan. Baka nga mamaya ay may iba na ito.

Pag katapos nang nangyari noon ay sumiklab na asawa ako ng isang villaria. Naalala kopa nga ang sinabi nito noon bago ako umalis nang bansa.

" Asawa ka ng nag iisang anak ng lalaking villaria. Kaya kung iisipin mong hindi kana mag papakita ay madali lang kitang mahahanap kaya naman huwag munang subukan pa"mariing sambit nito noon na hanggang ngayon ay nakatatak parin sa aking isip. At Last month ay kakabalik ko lang nang bansa ngunit hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya.

Bumaba ako sa aking kotse nang makarating ako sa bar na patutunguhan ko. Suot ang isang damit na hapit na hapit at isang stellion ay pumasok ako sa loob kasabay nang pag pito nang mga tao sa akin na ikinailing ko nalamang.

Imimeet ko ngayon si angel. Yes si angel. Nakontak ko ito sa social media kaya naman naisipan kong makipag kita rito. Maya maya pa ay nakita ko ito na nakaupo sa isang counter. Kaya naman a agad ko itong linapitan. Na ikinagulat pa nga nito.

"OMG. Ikaw ba talaga yan. You are so stunning girl. How are you na? It's been a long years"masayang sambit nito na ikinatawa ko.

Puro kwentuhan at tawanan ang nangyari sa amin at medyo tipsy narin ako. Maya maya pa ay dumaretso kami sa dance floor. At sumayaw ng sumayaw may time pa na may gustong mag sayaw sakin na mga lalaki. Pero kapag ipinapakita ko ang sing sing ko sa daliri ay lumalayo na ang mga ito.

At nang makaramdam ako nang pagka ihi ay dumaretso ako second floor kung saan may mga kwarto. May banyo kasi rito na konti lang ang gumagamit kaya naman dito nako nag tungo. At nang makapasok ay agad akong nag tungo sa cubicle at nang matapos ay nag flash muna ako bago lumabas ng cubicle. At nang makalabas ay tumapat ako sa salamin at naghugas, papatapos na sana ako nang biglang namatay ang ilaw at kasabay ng tunog ng isang mabigat na sapatos.

"Sinong nandyan"kinakabahang sambit ko. At Nagulat ako nang may biglang nanghila sa akin kasabay nang pag sandal nito sa akin sa wall na ikinakaba ko.

Nagulat na lamang ako nang may maradaman akong isang malambot na bagay sa aking labi na nag palaki ng aking mata.

Ramdam ko sa mga halik nito ang pangungulila at pananabik. Maya maya pa ay naramdaman ko ang paghiwalay nito.

"Baby"bulong nito na nag pabilis nang tibok ng aking puso ng mapagtantong pamilyar ang boses nito.

"Wife tama na ang ilang taong binigay ko sayo. Now your here. Hindi kana makakaalis sa tabi ko"husking bulong nito.

"L-lance baby----"sambit ko sana nang sinunggaban na naman ako nito ng isang halik.

At sa mga oras nato ay naramdaman ko nalamang na nasa kama na kami. And i know hindi na ako pakakawalan nito.

WAKAS....

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now