Kabanata 49

2.7K 68 0
                                    

Bumilis ang tibok nang puso ko nang biglang tumigil ang kotseng sinasakyan ko sa harap ng isang sikat na hotel. Nakita ko ang mga mayayamang angkan na nasa labas nang hotel nato, habang papasok sa loob suot ang mga magagarbong damit na parang lalaban sila sa pagandahan nang suot.

Napagawi ako sa aking suot at napangisi. Suot ang isang damit na bagong labas lamang. Isa itong kulay pula na sobrang haba ngunit kita ang hubog ng katawan. Meron itong mababang neckline na umaabot saking bewang kaya naman kitang kita ang aking cleavage na nag padepina saking katawan. Habang ang aking buhok naman ay linugay lamang ito at inayos na lamang ang permanenteng kulot nito sa ilalim  habang ang aking bangs naman ay inayos na lamang.

"Ma'am ready napo ba kayo, nandyan napo silang lahat. Kayo nalang po ang kulang"sambit nang driver. Na nagpangisi sakin, nang malamang ako nalamang ang hinihintay at nakapwesto na ang lahat. Kaya naman tinanguan ko ito na ikinangisi nito.

Nakita ko ang pag baba nang driver at pag ikot nito patungo sakin. Pinagbuksan ako ng pinto nito at inilahad ang kamay na agad ko naman kinuha at dahang dahang bumaba. Nakita ko ang mga camera na agad na tumutok sa akin nang makita nila ang suot kong bagong labas nang isang sikat na designer.

"Sino sya ang ganda naman nya"

"Para syang bumaba galing langit"

"Look at her gown grabe"

"Diba bagong labas yan"

"Omg siguro sobrang yaman nyan"

Sabay sabay na banggit nila na nginisihan ko. Napaangat ako sa itaas nang makita kong nakalive sila. So that means makikita nang buong mundo ang pag paparty nila. Kaya naman mas lalo akong napangisi nang malamang makikita nang buong mundo ang pag bagsak nila.

"Oras na ng pag bagsak ninyo"mariing bulong ko.

At nag simulang mag lakad. Dinig dinig ko ang pag flash nang mga kamera sa kung saan saan na binalewala ko na lamang.

Sumakay ako sa elevator at nang huminto ay nag lakad ako patungo sa isang malaking pintuan. Napahinto ako nang makita ko sa pinakamalapit nang pinto ang isang Tv at nakita ko ang step mother ko na masayang nakangiti sa mga tao na mas lalong nag pasiklab sa aking galit.

"Please welcome ang susunod na tagapagmana nang heel company and our new CEO, Every Heel"sambit nito kasabay nang pag baba nang isang babae sa isang mahabang hagdan kasama ang isang lalaki na dating  naging kasintahan ko bakas sa mga mukha nito ang saya na mas lalong nag pa siklab sa akin.

"Ang kakapal nang mukha"mariing bulong ko. Kasunod nito ay ang pag akyat nang dalawa sa stage.

"At ngayon ay bigyan naman natin nang isang masigabong palakpakan ang isang taong naging parte nang buhay namin. Gusto lang naming mag pasalamat dahil hindi namin mararating kung nasaan kami ngayon kung hindi dahil sa kanya please welcome ang kakambal nang namayapang asawa ko. Walang iba kundi si Telly Heel"sigaw nito kasabay nang pag palakpakan nang lahat. At pag akyat nang isang lalaki na mas lalong nag pagalit sa akin.

Kaya naman dali dali akong nag tungo sa pintuan kasabay nang pag bukas nito ay ang pasok ko na kinaharap nilang lahat sa akin.

"Hindi ko akalaing may parting nagaganap sa  sarili kong kumpanya"nakangising sambit ko ngunit bakas parin ang galit na nag pasiklab sa kanila at gulat sa kanilang mga mukha na parang hindi makapaniwala.

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon