Kabanata 30

2.7K 66 0
                                    

"ang sarap ng hangin"nakangiting sambit ni isa. Habang ninanamnam ang hanging tumatama rito.

Nandito kami sa labas habang si ms.wall naman ay nag papahinga na sa loob ng tent. habang nakaupo kami ay nasa harap namin ang nag babagang apoy...Hinigpitan ko ang hawak ko sa stick na hotdog upang hindi ito mahulog mula sa pag kakahawak ko.

"Ako na"biglang agaw na sambit ni Lance. Na agad ko namang pinaubaya.

"Aha! Kayo ha san kayo nag punta kanina"biglang tanong ni anika habang tinataas baba ang kilay.

"Oo nga. Bakit bigla kayong nawala ha"panunuksong sambit naman ni isa. Habang nakatutuk sa akin ang stick na hawak nito. Na ikinangiti ko na lamang.

"Tsaka bakit basa ang damit nyo nang makabalik kayo ha" dagdag na sambit pa ni ali. Kaya naman pinigyan ko ito ng isang pagtataka ng dahil sa tanong nito.

"Naligo"takang tanong ko.

"Ng kayong dalawa lang"tanong naman pabalik nito. Kasabay ng pag bigay nila sa akin ng may kahulugan. Na ikinapula ng aking mukha.

"Ano bang sinasabi ninyo tumigil nga kayo"mariing sambit ko at hindi alam kung saan igagawi ang paningin.

"Kunyare wala kaming alam ha"natatawang sambit ni isa. Na ikinailing ko na lamang. At Maya maya pa ay biglang nag tanong si Ali.

"Anong nga palang full name mo nika." Tanong nito

"Anika Sanchez"nakangiting sambit nito.

"Ang ganda ng apelyido mo"nakangiting sambit nito na ikinangiti naman ni nika. Napaangat naman ako. Nang biglang ako naman ang tanungin nito.

"Ikaw ani anong full name mo."tanong nito habang nakangiti.

"Tania Ramirez"

"Tania Heel"

Sabay na sambit namin ni Anika. Kasabay nang pag kahulog ni Lance sa hawak nito. Na ikinataka naming lahat.

"Tania Heel." Takang tanong nito.

"Ano ba talagang pangalan mo"tuloy pa nito habang nakatitig sa akin ng mariin. Napabuntong hininga naman ako. At tumingin sa itaas. Bago bumaling sa kanila.

"May ipagtatapat ako. Hindi talaga Tania Ramirez ang pangalan ko. Kundi Tania Heel."mariing sambit ko sa mga ito. Lalo na kay anika at Lance.   At kasabay ng pag sambit kong iyon ay ang biglang pag tayo ni Lance.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now