Kabanata 44

2.6K 63 1
                                    

"noon pa man ay masama na ang loob ng kapatid ng ama mo sa ama mo."sambit nito sakin habang may malalim na tingin. Na tila binabalik ang nakaraan.

"At sa tingin ko ay may kinalaman ito sa nangyari sa pamilya mo. Noon pa man binabalaan na ako nang ama mo. Pilit na sinasabi nito na kapag nawala ito ay alagaan kita at ilayo sa kapahamakan. Ilang beses akong nag pabalik balik sa mansion ninyo ngunit sinabi nang tumatayong ina mo na nag bakasyon ka. Kaya naman inintindi ko yon. Dahil ang akala ko ay hindi kapa rin nakakapag move on sa pagkawala nang magulang mo. Pero nang makaramdam nako. Kung bakit sobrang tagal naman nang pamamalagi mo sa werehouse ninyo. Nang panahong iyon ay kasabay naman nang pag usbong na namatay ka nang dahil sa pag apoy nang werehouse ninyo. Walang masyadong nakakaalam nang pag kamatay mo. Dahil nga ayaw nang tumatayong ina mo dahil hindi daw nito matanggap ang pag kamatay mo. Kaya naman  mga malalapit lang, na tao ang nakakaalam"mahabang salaysay nito na nag pakuyom nang kamao ko.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa nila. Hinding hindi ko hahayaang makuha nila ang kayamanang nararapat sa akin"nang gagalaiting bulong ko. Nakita ko naman sa mga mata nila ang galit na matagal na nilang dinadala. Hindi ko rin sila masisisi. Dahil Nawala ang nag iisang anak na babae nila. Maya maya pa ay sandaling natahimik ang lahat. Iniangat ko ang aking ulo at bumuntong hininga bago nag salita.

"Gusto kong kunin ang kayamanang pag aari nang pamilya ko"determinadong sambit ko rito na naging dahilan nang pag angat nito.
At nakita ko itong napatango.

"Walang problema doon hija. Nakasaad sa last will nang ama mo na ibibigay sayo ang lahat ng kayamanan kapag nasa bente singko Kana"sambit nito na nag patigil sa akin.

"Ano! Paano yon. wala pa ko sa idad na sinasabi mo"gulat na sambit ko. Kasabay nang pag tahimik nang lahat.

"Paano na to"bulong ko.

"Wala nabang paraan."tuglong kopa.

"Oo nga wala nabang paraan"tanong din ni tita.

"Baka meron pa"sambit ni nesa.

"Meron pa"biglang sambit nito na nag patigil sa lahat. Nakita ko ang mariing pag titig nito sakin. Na ikinatahimik ko.

"Meron pa. Kung ikakasal ka sa lalaking nasa bente singko paitaas."sambit nito na nag pasinghap sakin.

"Bakit"bulong ko. Habang nakayuko

"Bakit kailangan kopang maikasal. Hindi ako pwedeng mag pakasal sa kung sino sinong lalaki "tuglong ko. Kung may gusto lang akong pakasalan ay walang iba kundi si Lance lang yon. Ngunit alam kong wala pa ito sa wastong gulang. Kaya naman hindi ko alam kung paano ito.

"Dahil kung wala kapa sa idad na bente singko ay hindi kapa maaring umupo bilang CEO ng kompanya ninyo. Kaya kailangan mong mag pakasal upang sa ganon ay ito muna ang mamahala"sambit nito na ikinalukot nang aking mukha. Paano nato.

"Kung ganon mag pakasal na tayo"biglang sambit ni Lance na ikanapula at ikinagulat nang aking mukha.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now