Kabanata 35

2.7K 64 0
                                    

Nesa Pov.

Nagising ako ng dahil sa ingay ng aking naririnig. Ikinusot ko ang aking mga mata. At napatingin sa kanila. Nakita ko ang mga namamasa nilang mga mata habang nakatulala. Kaya naman agad akong napatingin sa pwesto ni ani. Ngunit wala na ito roon. Kasabay ng pag daloy ng aking luha.

"Mamimiss ko si ani"bulong na paos na sambit ni isa.

"Wala na bang ibang paraan. hindi ko kayang hindi natin kasama si ani."umiiyak na sambit ni Ali.

"Ako rin. Kailangan nating may gawin."sambit naman ni nika habang nakatulala. Maya maya pa ay biglang natahimik ang lahat.

"Meron pa tayong magagawa"biglang sambit ni ica na ikinatingin naming lahat. Na nag tataka.

"Sa oras nato kailangan ka namin nesa."sambit nito habang nakatingin sa akin na ikinataka ko naman.

"Kailangan namin ang tapang mo."makahulugang sambit nito.

"Naiisip moba ang iniisip ko"sambit nito sabay ngisi na ikinangisi ko. Ngunit bigla ring nawala.

"Papaano si----" sambit ko sana ng inunahan na agad ako nito.

"Wag mo munang intindihin si ani. Oo nangako tayo sa kanya. Pero maisasave to ng pag kakaibigan natin. Plus baka habulin pa sya ni señorito."sambit nito. Sabay gesture ng kamay na pinapalapit kaming lahat.

"Diba nga may nabubuong pag iibigin"sambit nito na ikinalinaw ko. Kaya naman agad akong tumayo. Sa aking pag kakaupo sa kama. At nag lakad palabas. Ay mali parang tumatakbo na nga... Naramdaman ko naman ang kanilang pag sunod. Bababa na sana ako ng hagdan ng makita namin ito na kasama si ms.wall.

"Señorito"hinihingal kong sambit. Ngunit tinignan lamang ako nito. At nag patuloy sa pag lalakad at nilag pasan ako. Kaya naman wala akong ibang magawa kung hindi tumakbo sa harap nito at sumigaw. Naramdaman ko naman ang pag sunod nila Ali. At gumawa ng isang linya upang hindi ito makadaan.

"Tumabi nga kayo dadaan ang señorito"sita sa amin ni ms.wall na binaliwala namin. Mag lalakad na naman sana ito ng sumigaw ako sabay taas ng aking kamay.

"May kailangan kang malaman señorito."sigaw ko

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now