Kabanata 11

3.4K 72 0
                                    

ilang araw na mula nang mangyari yon, at sobra ang inis ko sa kanya

Sa tatlong araw na kasama namin sya sa bahay puro pamemerwisyo ang dinanas ko sa kanya

Gusto ko syang patayin gamit ang kamay ko, alam nyo ba kung bakit ganito kasi yan

Flashback

Noong isang araw habang nag didilig ako ng halaman, ay hindi ko alam na binuksan nito ang gripo at itinutok sa akin ang host, na naging dahilan nang pagiging basang sisiw ko

At habang natutulog ako sa aking kama, nilagyan ba naman ako nito ng ipis, na naging dahilan ng pag kasira ng tulog ko, nung time na yon sobra ang sigaw at kilabot ko

At meron pa habang papalabas ako galing sa labahan ay nadulas ako, at sya rin ang dahilan, pano ba naman nilagyan nya ng bumubulang tubig ang dinaanan ko na naging dahilan ng pag sakit bewang ko

At lahat ng ginawa nyang yon ay tinawanan nya lang at nginisihan

End of flashback

At hanggang ngayon ay masakit parin ang aking bewang

Nandito ako ngayon sa kusina, nag papahanda si Ms. Wall ng miryenda na kakainin namin

Nasa may pool area silang lahat, nag aayos kasi kami ng mga bulaklak na ididisplay

araw araw palang pina palitan ang mga bulaklak dito sa mansion

Inihiwalay ko ang para sa amin na miryenda at ang miryenda nila Ms. Wall

"It's payback time"bulong ko

Nilagyan ko ng chili powder ang palaman nang tinapay nito na para sa kanya, at ang juice naman nito ay nilagyan ko ng tatlong spoon ng iodice na asin , at napangisi naman ako nang matapos

"Lagot ka ngayon"nakangising bulong ko, kasabay naman ng pag pasok ni ica

"Tapos kana ba"tanong nito, na tinanguan ko naman

"Tulungan na kitang dalhin lahat ng yan doon"nakangiting sabi nito

"Oh sige"nakangiting sabi kukukunin na sana nito ang tray na hawak ko ng pinigilan ko ito

"Yung miryenda nalang natin yung dalhin mo, ako na dito"kinakabahang ngiti ko

"Oh sige"pagdududang sabi nito, at kinuha na ang miryendang para sa amin

Sabay kami lumabas ng kusina at nag tungo sa pool area

Pag pasok ko palang ay rinig kona ang usapan ng dalawa

"Ang ganda talaga ng mga bulaklak hijo"rinig kong banggit ni Ms. Wall

"Ani una nako don ha sunod ka nalang"nakangiting wika ni ica, habang nakaturo kung nasan ang mga kasamahan namin, na tinanguan ko naman at ngumiti

"Oh sige, bibilisan ko ha "nakangiting sabi ko , at nag simula nang mag lakad kung nasaan ang dalawa

Nang makalapit ako ay agad akong yumuko at nilapag ang mga pag kaing nakalaan para sakanila

Nang matapos ay agad akong umalis nang nakangiti, at lumapit sa pwesto ng mga kasamahan ko

"Saya natin ha"pabirong sabi ni isa, na nag pailing sa akin at nag patawa

"Kain kana o ani,"nakangiting abot ng miryenda ni ali sa akin, habang kumakain kami ay patanaw tanaw ako sa pwesto nila

Nakita kong dinampot na nito ang tinapay, na nag pangisi sa akin, ngunit napawi ang ngiti ko ng binaba nito ang tinapay, at may kinuha sa bulsa

May tumatawag ata dito, nakita ko itong nag paalam saglit kay Ms.Wall at sinagot ang telepono

"Telepono," bulong ko, at mas lalong nag pangisi sa naisip

"Sinong may cellphone sa inyo" tanong ko

"Ako bakit"taas kamay na sagot ni ali

"Pwede pahiram"nakangiti kong sabi na tinanguan naman nito

"Oo naman" sabay abot ng phone

"Salamat" nakangiti kong banggit, na nginitian lamang nito

Sinulyapan ko ulit si kumag at nakita kong pabalik na ito sa pwesto nya, kaya naman dali dali ko dinala sa camera at vinideo

"Anong ginagawa mo"tanong ni isa

"Just watch"nakangisi kong sabi sabay kagat saking labi upang pigilang ang aking halakhak

At nang makaupo ito, nakita kong kinuha nito ang tinapay at kinagat, na nag pabungisngis sakin, dumagdag pa ng makita ko ang mukha nitong lukot na lukot

Dali dali nitong binaba ang tinapay at kinuha ang baso at ininom, kasabay naman nito ang pag tayo, at pag susuka sa pool, na nag patawa sakin ng sobra , at in end ang video

Nakita kong inalalayan ni Ms. Wall si kumag na nag aalala, nakita ko si kumag na parang hindi makahinga , at nakahawak ito sa kanyang dibdib, kaya naman agad kaming nagsilapit

Nang makalapit kami ay nakita ko ang pamumula nito, sa buong mukha

"Tawagin nyo ang Driver"sigaw ni Ms.Wall na agad namang sinundan ni ali

"Anong ginawa mo ha"sigaw sakin ni nesa

"Wala ha"maang maangan ko habang kinakabahan

"Anong wala ha---"sigaw sana nito nang mag salita si Ms.Wall

"Sino ang salarin na gumawa non"galit na sabi nito sa amin, ngunit hindi ako nag salita

"Sino ang nag lagay ng chili powder sa pag kain nya"galit na sigaw nito, na mas lalong nag pakaba sa akin

"Ikaw ba ani"sigaw nito, na nag patulala sa akin

"Ikaw ba"sigaw ulit nito, kaya naman tapatango nako habang naluluha

"Anong ginawa mo ha, hindi mo ba alam na allergic sya sa chili"sigaw nito na mas lalong nag paluha sa kin

"Lahat kayo pumunta sa sala, hintayin nyoko doon, pupunta lang kami saglit sa Hospital"mariing galit na sabi nito, na agad naman naming sinundan

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now