Kabanata 24

2.6K 65 0
                                    

"ang sarap sa pakiramdam ng tubig malamig"sigaw na sambit ni isa habang nakangiti.

Nandito kami ngayon sa may gilid ng Bogac Cold Spring. Sa may tabi nito na may hagdanan. Ngunit may tubig parin ito.

Habang nakaupo na na naka babad sa tubig. Ay sya namang pag tampisaw nila Isa. Maya maya pa ay biglang pag tahimik nila at biglang pag bubukas ng topic ni nesa na nag pagulat sa amin. Bago kasi ito na sya ang mag bubukas ng ganitong topic.

"Hmm kwento naman kayo."sambit nito.

"Gusto ko lang na makilala kayo lalo. Sa ilang years na nabubuhay ako masasabi kong ngayon lang ako nag karoon ng kaibigang ganito"sambit nito habang nakayuko.

"Every time na gigising ako ang sarap sa pakiramdam na may mga bago kang kaibigan na katabi mo. Kasabay mo sa pag toothbrush, kasabay mong kumain. Katulad nung kanina. Sobrang saya non. I feel na may pamilya ako ulit. I feel complete. And I hope na sana pang habang buhay nato. Ayoko nang mawala yung ganitong pakiramdam na importante ka sa lahat ng tao. Taong nakapaligid sayo. Alam nyo ba bago ako pumasok sa mansyon. Lahat ng taong nakapaligid sa akin noon. Ay nilalayuan ako. Nang dahil sa ugaling meron ako. But. Kayo. Hindi nyo ginawa yon. Bagkus nilabanan ninyo yung ugaling meron ako. At tinanggap ninyo ako. Kaya naman malaking bagay sa akin iyon. Kaya naman pinangako kong whatever happens. Ipagtatanggol ko kayo. Kasi kayo nalang ang pamilyang meron ako."sambit nito kasabay ng pagdaloy ng mga luha nito.

Dahan dahan kaming lumapit rito. At niyakap sya. Bawat isa sa amin ay ramdam namin ang saya. Na nagiging open kami sa isat isa. Maya maya pa ay biglang nag salita si Ali.

"Hmm may ipag tatapat pala ako sa inyo"bulong nito habang nakayuko.

"Sasabihin ko ito sa inyo. Dahil may tiwala ako sa inyo. May anak ako sa pag kadalaga."bulong nito. Nakita kong pinipigilan nito ang kanyang luha sa mata.

"3 years ago. Nirape ako ng kaibigan ng kuya ko. At nag bunga iyon. Alam n'yo ba noong humihingi ako ng tulong sa pamilya ko na nirape ako. Hindi nila ako pinaniwalaan. Bagkus buntis na non ako. Sinumbatan pa akong malandi ng sarili kong ina. At nang dahil sa walang pera ay hindi ko man lang naipag laban ang dignidad ko. Nung ipinanganak ko ang bata. Inilayo ito ng ama nito sa akin. Wala akong nagawa dahil sa may pera sila. Sobrang sakit sa part ko non. Dahil isa akong ina na walang magagawa."umiiyak na bulong nito. Ramdam ko ang bawat isa na pinipigilan ang kanilang luha tulad ko.

"wag kang mawalan ng pag asa. Balang araw mababawi mo rin ang anak mo "bulong ko rito sabay yakap.

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon