Kabanata 3

4.5K 93 1
                                    

"Hindi kopa alam kung saan, gusto ko sana yung tahimik, tapos mag hahanap na rin ako ng trabaho doon, para may mapag kukuhanan ako ng pera"sagot ko sa tanong ni anika, nagulat naman kami ng bigla itong sumigaw

"Aha! Alam kona"sigaw nito

"Ano bang bata ka wag ka ngang sumisigaw"saway sa kanya ng kanyang ina, na si tita amanda

"Ang laki talaga ng bunganga nyan, mana kase sayo"biglang sabi ni tito na nag pangiti sa amin ni anika, habang si tita naman nakabusangot

"Anong saken, sayo kaya nag mana yang anak mo"balik naman ni tita

"Anong saken sayo nga diba"balik naman ni tito, habang naka taas ang kilay

"Panong ako ha----"napatigil naman si tita ng nakisali na si anika

"Ano ba kayo, mama papa nakakahiya sa bisita natin, tumigil na nga kayo"pag awat nito sa mag asawa, tumahimik naman ang mga ito, at nag irapan, napabaling naman ang paningin ko kay anika, ng hawakan nito ang aking kamay

"Ang sinasabi ko kanina, ay may alam ako"tanong nito sa akin ng mariin, na nag pakunot ng noo ko

"Hays, ganito kasi yan, natanggap ako sa isang trabaho, sa isang probinsya, kaso malayo, kaya ayun nag back out ako"nakangiting sabi nito

"Anong klaseng trabaho naman"tanong ko

"Mga gawain sa bahay, mag lilinis, mag luluto, at mag laba, tsaka stay in ka don, kaya hindi mo na kailangan pang problemahin ang bahay na titirhan mo,"nakangiting sabi nito na nag pangiti sa akin

"Ang kaso"nag aalalang sabi nito

"Masyadong old na yung mansion, nakakatakot, pero wag mong isipin yon, ang isipin mo, ang sahod sobrang laki naman, 40,000 a month, o diba san kapa, tsaka makakaipon kapa don, pero nasa sayo parin, kung ayaw mo okay lang naman"nakangiting sabi nito sa akin, at sumubo ng pag kain

Mukhang mas maganda yon, hindi nila ako mahahanap, at mabubuhay pako ng maayos, na walang nag papahirap sakin, magagawa ko lahat ng gusto ko

"Gusto kong subukan"maya maya ay sabi ko, na nag patalon sa kanya

"Sigurado ka"tanong nito sa akin, habang nakangiti

"Oo"naka ngiting sabi ko

"Oh, kung ganon wala kana palang po problemahin, hija"nakangiting sabi ni tita amanda

"Opo tita, maraming salamat po talaga sa inyo, malaking tulong po ito sa akin"nakangiti kong pasasalamat sakanila

"Ano kaba walang anuman" nakangiting sabi nito

"Masarap kaya na nakakatulong kami sa kapwa"nakangiting sabi naman ni anika

"Oo nga pala hija, ano nga palang pangalan mo"tanong ni tito

"Oo nga ano palang pangalan mo, kanina pa tayo nag uusap dito, di pa namin alam pangalan mo"natatawang sabi ni anika

"Tania po ang pangalan ko"nakangiti kong sabi

"Tania ang ganda, kasing ganda mo hija"nakangiting sabi ni tita

"Tania ano? Anong apeylido mo"tanong ni anika

"Tania He---- A-ah Tania Ramirez"balisang sabi ko

"Tania Ramirez ang pangalan ko"ngiti kong may pag aalilangan, na tinanguan nila, at ngumiti

"Kayo po manong tito, ano pong pangalan nyo"nakangiti kong tanong

"Tawagin mo nalang akong tito Vee, ang pinakagwapo sa balat ng lupa"nakangiting sabi nito, habang nag pa pogi sign, na nag pa tawa sa amin

Maya maya pa ay natapos na kaming kumain at nag liligpit na si tita ng mga  pinagkainan , ilalagay nasa nito, ang mga ito sa lababo nang

"Ay tita ako napo, ako napo mag huhugas ng plato"kukunin kona sana ang mga plato ng ilayo nito ang mga ito

"Nako hija wag na, bisita ka dito"pag tanggi nito

"Pero tita-----"

"Walang pero pero,"sabi nito

"Anika, dalhin mo na si tania, sa kwarto mo, para makapaghilamos natong batang ito, makapag pahinga"sigaw nito kay anika

"Opo ma, halika na tania"habang papasok ito sa kusina, at sabay hila sakin paakyat sa itaas

"Vee, yung maleta ni tania, akyat mona, para makapaghilamos na yung bata"rinig kong sigaw ni tita, habang papa akyat kami ni anika sa itaas

"Excited nakong makatabi kang makatulog"nakangiting sabi nito na nag pangiti sa akin

"Ako din," nakangiti ko pahayag

Nang makapasok kami sa kwarto nito,  agad kong nakita ang mga ibat ibang libro ng wattpad

"Mahilig ka rin mag basa ng mga love story"naka ngiting tanong ko

"Oo naman, ikaw rin"nakangiting sabi, sabay upo sa kama nito

"Oo kaso diko rin matuloy tuloy yung mga binabasa ko, kadalasan na hihinto ako sa gitna na ng mga chapter, imbis kasi na bumili, ay nakikibasa lang kasi ako sa national book store , alam mona nag iipon, para makatipid"nakangiting sabi ko

"Don't worry pwede kang mag basa dito"nakangiting sabi nya

"Talaga ,salamat"nakangiting sabi ko, habang nakayakap sa kanya, kasabay naman nito ang pag katok sa pintuan

"Oh mga girl, makiki udlot muna ako sa moment ninyo ha, hija , eto yung mga gamit mo oh para makapag hilamos kana at makapag pahinga" tumayo naman ako at kinuha ang bagahi ko, binuksan ko ito, at kumuha ng pera

"Tito, eto po pala yung bayad ko sa taxi kanina"nakangiting sabi ko sabay bigay sa kanya, kinuha naman nya ang kamay ko, at binalik

"Hija, itago mo nalang yan, para may pan dagdag ka sa pera mo, lalo na pupunta ka ng probinsya bukas"nakangiting sabi nito, umiling naman ako

"Pero po----"

"Ganito nalang, bumalik ka nalang dito kapag nakaluwag luwag kana, pero mas magandan kapag mayaman kana ha" nakangiting sabi nito habang hawak ang aking ulo, na nag pangiti sa akin at tumango

"Oh sige na mag hilamos na kayo at mag pahinga"nakangiting sabi nito , sabay sarado sa pinto

The Heir Revenge (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang