kabanata 4

4.1K 96 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw, tumayo sa aming kama, at tumingin sa bintana, at nakita kong sobrang ganda ng sinag ng araw

"Oh gising kana pala tania"rinig kong sabi ni anika habang kinukusot nito ang kanyang mga mata

"Hmm yeah"bulong ko, at tumango

"Oo nga pala, nakausap ko kagabi yung matandang babae na, namamahala doon sa mansion" nakatinging sabi nito habang inaayos ang kanyang magulong buhok

"Susunduin ka daw nang driver nila ngayon umaga"naka ngiting sabi nito, lumapit naman ako at umupo sa kama

"Tanggap na agad ako"takang tanong ko

"Hindi ba muna nila, titignan ang-----"tuglong ko sana nang

"Yun nga din pinag tataka ko, nung ako din, tumawag lang ako, pero agad na sinabi tanggap na daw ako"takang sabi nito

"Kataka taka nga yan"sabay higa sa kama, humiga rin ito at tumabi sa akin

"Ayaw mo ba non, wala ka nang po problemahin pa"nakangiting sabi nito

Niyakap ko naman ito, at sinuklian naman ako nito nang isang mahigpit na yakap

"Mamimiss kita, kahit kahapon lang kita nakilala"bulong na sabi nito, na nag pangiti sa akin

"Ako din"bulong ko

"Mamimiss din kitang sobra"bulong ko ulit

"Ano ba naman to, tama na nga baka maiyak ako, maligo kana nga , para mamaya ay nakahanda kana"nakangiting sabi nito, habang pinupunasan ng mga luhang pumapatak sa kanyang mukha

"Oo na"sabay tawa ko

"May extrang toothbrash sa banyo, tsaka sabon, kuha ka nalang ha"nakangiting sabi nito na tinanguan ko naman, kasabay ng pag punta nito sa kabinet at kinuha ang puting towel

"Eto towel oh,"sabay aboy nito sa akin

"Salamat"nakangiting kong sabi

"Walang anuman, oh sige na, ligo kana"naka ngiting sabi nito, sabay tulak sakin papasok sa banyo

"Baba lang ako ha"rinig kong sabi nito, kasabay ng pag bukas ng pintuan

Hinubad ko lahat ng saplot ng aking katawan, at tumapat sa shower, naramdaman ko ang lamig nito, na tumatama sa aking mga balat

"Hmm, hmmm, hmmm, "pag ha ham ko sa isang kanta, kasabay ng pagtulo ng mga butil sa aking luha

"Malapit na, malapit ka nang makalayo, at mabuhay ng tahimik, at pag dating nang araw, pag nakabangon kana , pwede mo na silang labanan, at kunin lahat ng nararapat sayo"nag hihinapis na bulong ko , kasabay ng pag kuyom ng aking mga kamao

Pag katapos kong maligo ay nag suot lamang ako ng isang itim na craptop na long sleeve na may hood , at isang maong pants na high waist, at isang convers na sapatos, at hinayahan ko lamang na nakalugay ang aking buhok,

Napatingin ako sa aking labi, at pinasadahan ko lang ito ng isang lip gloss, upang hindi mag dry

Pagkatapos ay bumaba nako, rinig ko mula dito sa hagdan ang ingay, na nag gagaling sa kusina, kaya naman doon ako tumuloy, nakita ko ang mga ito na nag aayos ng mga kubyertos sa hapag, napangiti naman ako sa aking nakita, kasabay ng pag patak ng isang butil ng aking luha

"I miss you, mom and dad"bulong ko sa hangin, kasabay ng pag tingin ko sa langit

"Bibigyan ko kayo ng katarungan"bulong ko ulit

"Oh hija, gising kana pala"sabi ni tita

"Okay kalang ba tania"rinig kong sabi ni anika, kaya agad kong pinunasan ang aking pisngi, at ngumiti sa harap nila

"I'm okay"nakangiti kong sabi

"Oh halina kayo, kumain na"nakangiting sigaw ni tito

"Yehey kainan na"masayang sigaw ni justine na nag patawa sa amin

"Ate tania, tabi po tayo ng upuan ha"nakangiting sabi nito, habang hawak ang aking kamay na nag pangiti sa akin

"Sige ba"nakangiti kong sabi

Umupo kami sa upuan na mag katabi, at kumain ng masaya, napatingin naman ako sa bawat isa sa kanila, sobrang saya nila, makikita mo talaga ang ngiti sakanilang mga mata

"Kumain kayo ng marami ha"nakangiting sabi ni tita

"Pag katapos nito manood tayo ng movie, hindi na muna ako mag tatrabaho, para makasama natin si tania, habang hindi pa dumarating ang kanyang sundo"nakangiting sabi ni tito

"Gusto ko yon"nakangiting sabi ni anika

"Mamimiss kita ate"malungkot na sabi ni justine, na nag palungkot sa amin

"Mamimiss ka rin ni ate"bulong na sabi ko at ngumiti, kasabay ng pag tulo ng aking luha, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong ligaya sa buong buhay ko

"Ano ba kayo, pinapaiyak mo naman si ate tania mo, tama na yan, bilisan nyo ng kumain, at nang makanood na tayo, sakto may ice cream sa ref"pag papasiglang sabi ni tita

"Yehey may ice cream" nakangiting sigaw ni justine habang naka taas ang mga kamay , na may hawak na kubyertos sa mag kabilang kamay, na nag patawa sa amin

Pag katapos naming kumain, nanood kami ng movie habang kumakain ng ice cream, na nauwi, sa pag pahiran ng ice cream sa mukha, pag hahabulan sa sala, at pag batuhan ng mga pilow, lahat ng yon, ay naramdaman ko ang isang masayang pamilya, na matagal ko nang gustong maramdaman, pinaramdam nila sa akin na belong ako sa kanila, tinuring nila akong isang pamilya, ngunit lahat ng yon ay napawi, nang biglang tumunog ang isang kotse, na tanda nang

"Oras na" bulong na sabi ni anika na , nag patulo ng aking mga luha, kasabay ng pag lapit nilang lahat, at pag yakap sa akin

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon