Kabanata 51

2.9K 69 0
                                    

"Nang masagip kami, Dumating naman ang trahedya, trahedyang ayoko nang balikan, trahedyang pag kitil nang ina ko sa sarili nyang buhay, dahil nabuntis pala ito."sambit ko kasabay nang pag tulo ng isang butil ng aking luha.

"At nang dahil sa kagagawan ninyo. Kayo. Kayo ang may sala kung bakit nangyari sa pamilya ko ito. Ng dahil sainyo ay nag pakamatay rin ang ama ko. Ang kaisa isang taong meron nalang ako. Pero ng makita nya ang mga litratong iyon."naluluhang sambit ko habang nakatitig sa kanila na may puot at galit.

"H-hindi"bulong na sambit ko habang nakatitig sa kanila nang mariin bago lumapit sa babaeng nag pabilog sa buhay nang ama ko.

" hindi sana nya gagawin ang bagay nayon, kung hindi mo pinapainom sa kanya ang mga drugs na yon"sigaw ko rito habang niyuyugyog ito. Pilit akong tinutulak nang anak nito, kaya naman sa sobrang galit ko ay ito ang tinulak ko at sa kanya naman lumapit at pinagsasabunot ito.

"At ikaw naman na haliparot ka. Inagaw mo sakin ang kaisa-isang taong dumating sa buhay ko pero anong ginawa mo ha. Hinayaan ko kayong alilain ako at patulugin ako sa kulungan nang mga aso sa sariling pamamahay ko. Pati kwarto ko pinaubaya ko sayo noong pinalayas ninyo ako."umiiyak na sigaw ko habang sinasabunutan ito naramdaman ko naman ang pag awat sakin nang lahat.

"Bitawan mo nga sya" rinig kong sambit nila nesa sa binata na dating kasintahan ko. Ngunit binalewala ko lamang ito.

"Pero ang makitang kinakarantari mo ang boyfriend ko noon. At talagang sa kwarto kopa kayo gumawa nang milagro ha. Napakahayop ninyo. Pero imbis na kayo dapat ang sakta ko. Anong ginagawa mo. Kayo, kayong lahat pinag bubogbog ninyo ako. Tanda nyo paba ang pag hampas nang mga sinturon ninyo sakin ha mga hayop kayo. Sana kayo nalang ang namatay" sigaw ko habang umiiyak. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa aking bewang at iniurong ako.

"Huminahon ka ani."biglang sambit ni angel na ikinahinahon ko.

Nakita kong itinayo nila ito mula sa pag kakahiga at bakas sa mukha nito ang sakit mula sa pagkasabunot ko rito.

"Walang hiya kang babae ka anong ginawa mo sa anak ko"sigaw nang ina nito.

"Aba naman! Ako pa ang walang hiya kayo na nga ang may atraso sakin. Bakit natatakot ba kayo na malaman nang mga tao ang katarantaduhang ginawa ninyo sa pamilya ko ha. At kahit na kailan ay hindi mapapasainyo ang kayamanan na para sakin"sigaw ko rito.

"Tumigil na kayo"sambit nang kapatid nang aking ama ngunit hindi ko ito pinansin.

"Wag mokong pag sabihan nang ganyan dahil wala kapa sa wastong idad at hindi mopa maaring kunin at pamahalaan ang kayamanang iniwan nang ama mo at ipapaalala ko lang sayo na ina mo parin ako dahil kasal----"sigaw na sambit sana nito nang biglang sumigaw ako.

"Kasal!"natatawang sambit ko.

"Sa pag kakaalam ko hindi talaga kayo kasal nang ama ko"natatawang sambit ko.

"Anong sinasabi mo? Hindi totoo yan"nanggagalaiting sambit nito ngunit bakas parin ang kaba. Rinig ko naman ang mas lalong naging bulungan ng mga tao sa aming paligid na hinayaan ko lamang.

"Ayaw mong maniwala"malamig na sambit ko habang nakatitig sakanila nang mariin bago napangisi.

"Atty. De Leon"nakangising sambit ko na nag pataranta sa kanila at bakas ang pag katakot kasabay nang pag pasok nang dati naming attorney na mas nag panginig sa kanila na mas lalong nag pangisi sa akin.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now