Kabanata 41

2.7K 72 0
                                    

Pag pasok palang namin ay nakita na namin nakayuko si Lance sa may mesa. Na ikinailing ko naman. Nang maramdaman kami nito ay inangat nito ang kanyang ulo. At nang makalapit ako ay hinila ako nito paupo sa tabi nito. Na ikinailing ko nalang at bumulong.

"Di rin pala matiis"sambit ko na ikinasimangot nito.

Nakita ko namang umupo na ang mga kasamahan namin. Kaya naman napalunok ako. Kasabay nang pag higpit ng hawak sakin ni Lance.

"Easy baby. Nandito lang ako"bulong nito habang nakangisi. Na tinanguan ko naman.

"Hmm"pag bigay ko ng atensyon sakanila.

"Alam ko pong kilala nyo na ako. Pero gusto ko pong mag pakilala uli. Ako po si Tania Heel. Ang nag iisang anak ni Terry at Maricar."sambit ko.

"Hindi kopo maintindihan kung bakit ang mga magulang ko ang may sala sa nangyari 3 years ago. Pasensya napo ha. Nakakatawa lang po kasing isipin paano po magagawa ng isang patay ang isang bagay na ganon."tuloy ko na nag pagulat sakanila.

"Anong ibig mong sabihin hija" tanong nito kaya naman inumpisahan kona ang pag papaliwanag rito mula sa nangyari sakin mula ng bata ako. Kaya naman nang maipaliwanag ko ang lahat ay gulat na gulat sila.

"Napakasahol naman nila"galit na sambit nang ina nito.

"Pero paano nangyari yon"takang tanong nito.

"Sino ang may gawa ng bagay na yon"tuglong uli nito.

"Yun rin ang pinagtataka ko. Pasensya na pero nakita ko mismo ng harap harapan ang ama mo."sambit sakin ni Lance. Na ikinataka ko naman.

"Paano mangyayari ang bagay nayon. Kung matagal nang patay ang ama ko"nag tatakang tanong ko habang naluluha.

"Wait"biglang singit ni angel.

"Wala kabang alam na kamukha nito kapatid ganon"tanong nito.

"Meron"biglang sambit ko. Nang may maalala ako.

"Sinabi sakin ni mama noon na may kakambal ang papa ko. Nakita kona to. Kaso bata pa non ako kaya hindi ko matandaan"sambit ko rito

"Hindi kaya----"biglang sambit sana ni Lance ng sumingit ang ama nito.

"Sya ang saralin."nakangising sambit nito habang nakatitig sakin.

"Hindi ko po alam."bulong na sambit ko at napasandal habang nakatulala.

"Kung ganon. Imbestigahan natin to. Hindi ko hahayan na hindi mabigyan ng hustisya ang pag kamatay ng anak ko."madiin na sambit ng ama nito.

"Hija wag kang mag alala tutulungan ka namin na makamit ang hustisya na para sa pamilya mo"nakangiting sambit ng ina nito. Na ikinaluha ko bago ngumiti.

"Maraming salamat po"nakangiti kong sambit na tinanguan naman nila at ngumiti.

"Habang ginagawa natin ito. Hija gusto kong asikasuhin mo lahat ang pwedeng isampang kaso Sakanila"utos na sambit ng ama ni Lance kay angel na ikinataka ko. Naramdaman ko naman ang pag ngisi ni Lance sakin bago bumulong.

"Wag kanang mag taka abogada yan"

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now