Kabanata 46

2.7K 53 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi parin kami nakakagalaw nang maayos dahil inaayos pa lahat namin ang mga kaso na pwedeng isampa. At mga papeles na ako nga ang tunay na tagapag mana.

"ano kaba hija kailangan mo yan. Konting ayos, pak na pak. Aba! Syempre kung haharap ka sa mga kalaban ay dapat malaki ang lamang mo sa kanila. Hindi pwedeng mas lamang sila sayo."sambit nito at tumigil sa pag lalakad. At tinitigan akong mariin.

"Hindi pwedeng mas matakot ka sa kanila. Ang kailangan ay makita ka palang nila ay manginginig na sila sa takot"nakangising sambit nito na nag bigay ng determinasyon sakin.

Nakatayo kami ngayon sa gitna nang mall. Pinipilit ako ni tita na mag paayos upang sa gayon mapag handaan namin ang lahat nang gagawin. Nasimulan na namin sa pag papaimbistiga. kasunod ang pag papakasal at ngayon ay ang pag babago ko. Kailangan ko rin siguro to. Hindi pwedeng lampa lampa na naman akong haharap Sakanila.

Nakaharap ako sa salamin na nakaupo. Dito sa isang sikat na salon. Nakita ko kung paano nila putulin ang aking buhok na umaabot sa ilalim nang aking pwet. At pag bigay nila nang kurba sa aking buhok sa aking harapan. Inihiga ako nang mga ito upang kulayan ang aking buhok at pag katapos ay lininis nila ang aking buong katawan at mukha. Rinig pa nang mga ito ang aking pag daing nang may idinikit sila sa aking balat.

"A-aray"sigaw ko.

"Okey leng yan. Kenting saket leng. Mawewele rin yen gerl"sambit nang isa sa mga binabaeng nag aayos sakin.

Nag patuloy ang pag aayos nila sa akin . Yung iba nga hindi ko alam kung ano anong pinang gagawa nila saking katawan ngunit nag paubaya nalamang ako. Maya maya pa ay pinaupo ulit nila ako sa harap nang salamin at nagulat ako nang biglang inikot nila ang inuupuan ko. Bale nakaharap ako sakanila habang ang likod ko naman ang nakaharap sa salamin. Maya-maya pa ay may pinahid sila sa aking mukha na kung ano ano na alam kong make up.

Pag katapos ay sa buhok ko naman ang sinunod nila. Maya-maya pa ay biglang pinatayo ako nang mga ito

"Ang bongga mo naman gerl."

"Grebe eng genda nito"

"Mas maganda yan kung mag papalit ka nang damit girl. Hindi bagay ang ganyang ganda sa isang pang maid na damit"Sambit nang isa sabay tulak sakin at abot naman ng isa ng isang paper bag sabay tulak sakin sa isang comfort room.

"Go go. Gerl change kana nang outfit"sambit nito sabay sarado nang pinto.

Nakita ko ang isang red dress na isa lamang ang kakapitan sa balikat. Parang tinatali lamang ito at siguradong hapit na hapit ito.

"Grabe ang ikli naman nito. Hindi bako kikitain nito"bulong na sambit ko habang hawak ang pulang damit. Kumapa pa ako sa paper bag At nakita ko naman ang isang itim na heels at small bag.

"Ang taas naman nitong heels nato. Sambit ko habang hawak sa kabilang kamay habang ang kabila naman ay bag.

"Siguradong mahal ito."sambit ko habang nakatitig sa mga ito.

"Girl tapos kana ba"tanong nang isa.

"A-ah malapit na"sambit ko. At dali daling sinuot ang damit. At nagkaundaga undaga pako sa pag suot nang heels. At nang matapos ay hindi ko alam kung lalabas bako, nang makita kong sobrang ikli nito. At Nasisilayan na ang mga mapuputi kong binti.

"Girl hindi kapa ba lalabas antagal mona ha."sambit naman nang isa.

"P-pwede bang suotin kona lang ulit yung damit ko kanina"naiilang na sambit ko sa kanila.

"Nako hindi pwede, kami pagagalitan ni Madame." Sambit nito.

"Hay nako girl labas Kana. Kung hindi ka lalabas. Ako mag lalabas sayo dyan"sambit nito na ikinataranta ko.

"Ano na"sambit naman nang isa.

"K-kase"kinakabahang sambit ko.

"Hay ano ba yan,  pasensyahan tayo ha girl."rining kong sambit nung kanina at narinig ko ang tunog nang pag lalakad nito ay nataranta ako kaya naman agad kong kinuha ang bag at sinabit sa aking shoulder. Bago pa man nito mabuksan ang pinto ay tumayo akong tuwid at inayos ang aking buhok. Kasabay nang pag bukas nang pinto. Nakita ko ang pag tulala nang bakla sakin habang ang isang kamay nito ay tinatawag ang mga kasamahan nito na walang tunog. Habang nakaharap parin sa akin.

"Ano"

"Anong sinasabi mo"

"Hindi ka namin maintindihan".

Tanong nang mga ito at nang hindi makatiis ay lumapit na ang mga ito.

"Ano bang sinasa-----"sambit sana nang isa ngunit napatigil ito nang masilayan ako at kasabay nang pag nganga nila habang nakatulalang nakatanaw sa akin.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now