Kabanata 52

3.4K 73 0
                                    

"nandito lahat nang papel na nag sasaad na hindi nga kayo kasal ni Mr. Heel, kaya naman kahit nasa poder kayo ng anak nito na si Tania Heel ay wala kayong karapatan sa mga kayamanang iniwan nang kanyang ama, at wala rin kayong karapatan na saktan at alipustahin ito, kaya naman kinakasuhan kayo nang patong na patong na krimen mula sa pag kidnap, pang gagahasa, pangdadrugs, pag nanakaw nang pera sa kumpanya at pananakit at pag aalipusta sa nag iisang anak nang mga ito na si Tania Heel. At Kung inaakala ninyong makakatakas pa kayo."mahabang salaysay nito at nang makitang patakas na ang mga ito ay sabay sabay namang nag silabasan ang mga pulis kasabay nang paglabas nang lahat.

" Ay nag kakamali kayo dahil hawak namin ang lahat nang proweba na  pwedeng isampa sa inyo, at inaresto rin namin si Mr. Hen sa salang pakiki pagsabwat sa pag nanakaw nang malaking halaga sa kumpanya nang mga heel"nakangising sambit nito. Bakas naman ang pag katakot nang binata dahil sa sinambit ng abugado. Kasabay nang pag lapit nang isang pulis.

"At inaaresto rin namin kayo sa salang pangingidnap, pang gahasa at pag patay sa nag iisang anak na babae ng mga villaria at ang bunsong anak ng mga Lopez"sambit nang pulis. Nakita ko ang pag pigil nang lahat kay mrs.villaria at kay Lance na parang gustong patayin ng mga ito ang mga taong nasa harapan ko.

"Sige arestuhin nyo na sila"sambit ni ms.wall at agad namang lumapit ang mga pulis sa mga ito.

"Sandali, sandali"biglang sambit nang kakambal nang aking ama kaya naman napatigil ang lahat.

"Hindi ninyo ako pwedeng arestuhin. Dahil ako nalamang ang pamilya ni tania. Paano na ang kumpanya. Walang mamalakad sa kumpanya dahil wala pa ito sa wastong idad"natatarantang sambit nito na nag pangisi sa akin bago lumapit rito. At nakita ko naman ang ngiti nito na parang nakatyamba kaya nang linapitan ko ito. Ay Akala siguro nito ay papayagan ko itong makalaya ngunit nag kakamali ito at dahil sa sobrang galit ko ay binigyan ko ito ng isang mag asawang sampal na naging dahilan nang pag katumba nito kaya naman yumuko ako upang makapantay ito.

"Hindi ko kailangan nang isang mamatay tao. Tsaka wag kang mag alala kahit wala ka ay kayang patakbuhin nang asawa ko ang kumpanya"mariing sambit ko na nag pagulat rito sabay gawi kung nasaan si Lance. Nakita ko naman itong papalapit sa akin at hinapit ang aking bewang at inilayo sa lalaki.

The Heir Revenge (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora