Kabanata 37

2.8K 64 0
                                    

Lance Pov.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kotse ko at agad na pinaandar ito. At nag tungo sa kung nasaan ito.

"Please baby. sana maabutan kita" bulong ko habang mahigpit na hawak ang manibela patungo roon.

Maya maya pa ay itinigil ko ang sasakyan ng matanaw ko itong nakatayo sa harap ng bus. Kaya naman dali-dali akong bumaba kasabay ng pag pasok nito sa loob at pag andar ng bus. Sinubukan ko itong habulin habang sinisigaw ang pangalan nito  ngunit hindi ako nito marinig... Kaya naman napaluhod nalamang ako sa aking kinakatayuan habang lumuluha.

"Huli naba ang lahat"bulong ko habang hawak ang aking ulo.

"Antanga tanga mo kasi Lance. Bakit hinayaan mong mawala ang taong mahal mo ha"tuloy na bulong ko sa sarili.

"Hijo okay ka lang ba"sambit na tanong ng isang matanda sa akin. Napatingin naman ako dito at tinanguan ito bago tumayo sa aking pag kakaluhod.

Nag lakad ako papunta sa aking kotse at pumasok. At isinandal ko ang aking ulo. Sabay buntong hininga.

"Sobrang napakagago mo Lance"bulong ko sa sarili kasabay ng pag landas ng aking luha. I want to scream this pain. Kaya naman pinaandar ko ang aking kotse at nagtungo sa isang lugar na alam kong makakatulong sa akin.

"Kailangan ko ng malimig na tubig."bulong ko sa sarili

"Bogac"biglang sambit ko at dali daling nag tungo sa borobo river.

Tania Pov.

Habang nag hihintay nang bus ay nakatulala lamang ako. Iniangat ko ang aking ulo at tumingin sa ulap na maliwanag. Pasikat na ang araw.

"Mom, Dad mag isa na naman po ako"bulong ko sa hangin at ngumiti kasabay ng pagtulo ng butil ng aking luha.

Kaya naman agad akong napayuko at pinunasan ang aking luha. Kinagat ko ang aking labi habang pinapadyak ang mga kalat. na nasa aking paanan. Napaangat ako ng marinig ko ang tunog nang hinihintay kong bus. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan. At hinintay ang mga pasahero na makapasok. At nang makapasok na ang lahat. Ay napabuntong hininga ako.

"Umaasa kana naman sa wala. Antanga mo. Hindi ka nga mahal ng tao."bulong ko sa sarili. Sabay buntong hininga papasok ng bus.

Maya maya pa ay habang umaandar ang bus ay naisipan kong mag tungo saglit sa Bogac.

At nang huminto ang bus ay napatingin ako sa matatayog na puno. At nang marating ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Naalala ko ang mga masasayang memorya na kasama silang lahat. Isang grupo sa ilalim ng mga puno. Na nag sasayawan. Mga ngiti na galing sa kanila. At isang ganap mula sa tubig. Dalawang tao na nag hahalikan kasabay ng pag lubog ng araw.

"Isang babaeng in-love sa taong hindi sya ang mahal."bulong ko habang nakatingin sa itaas kasabay ng isang ngiti at pag daloy ng isang luha.

"Tanggap kon------"sambit ko sana nang may narinig akong tumatakbo. Ibinaba ko ang aking ulo mula sa aking pag kakaangat.

At nakita ko ang lalaking tinitibok ng aking puso na nakatayo. Sa kabila ng  kinakatayuan ko ngayon. Ay nakita ko itong nakahawak sa tuhod nito habang hinihingal. Nakita ko itong umangat. Kaya naman agad akong napaatras. Nang akala kong nakita ako nito. Ngunit napabuntong ako ng makitang nakapikit pala ito. Maya maya ay nagulat ako ng biglang sumigaw ito.

"Antanga tanga mo Lance"sambit nito kasabay ng pag daloy ng luha sa mata nito.

"Bakit mo pinakawalan ang taong mahal mo"sigaw nito.

"Bakit hinayaan mong umalis ang taong mahal mo"sambit nito habang humahagulgol kasabay ng pag luhod nito. Na ikina luha ng dalawa kong mata. At napangiti.

"Tania Ramirez"

"O Tania Heel kung sino ka man. Gusto ko lang malaman mo na."

"Mahal na mahal kita"

"Parang awa mona"

"Bumalik kana sakin"

"Please bumalik Kana. Pakikinggan ko lahat ng sasabihin mo"

"Please mahal Bumalik kana mahal na mahal kita"sigaw nito habang naka pikit parin ang mga mata na sumisigaw. Kasabay ng pag daloy ng luha sa aking pisngi.

"Mahal na mahal din kita Lance"Sigaw ko rito. Na ikinatahimik nito. Na ikinangiti ko naman.

Maya maya pa ay dahan dahan nitong binuksan ang kanyang mga mata at nang makita ako ay kasabay ng pag uunahan sa pagkahulog ng aming mga luha sa aming mga mata. Ilang saglit kaming natulala habang tinititigan ang isa't isa ng nakangiti. Maya maya pa ay sabay kaming bumilang.

"Isa. Dalawa. Tatlo"bulong na sambit ko at sabay takbo patungo rito. Na ganoon rin ang ginawa nito. When we reached each other. Ay agad nitong hinila ang aking ulo papalapit rito. At binigyan ako ng isang mariing halik na taos puso ko namang tinugunan.

"I'm sorry. Ayoko naman talagang Umalis ka. Natatakot lang akong masaktan kit------"sambit sana nito ng bigla kong hinila ang ulo nito at ako naman ang humalik ng may isang buong pusong pag mamahal.

"I love you baby"bulong nito.

"I love you too"nakangiti kong sambit na ikinangiti nito kasabay ng isang malalim na halik na galing rito.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now