Kabanata 20

3K 67 0
                                    

"excited na talaga ako bukas"sigaw ni ali habang nag tatalon sa Kama.

"Ang ingay"naiiritang sambit ni nesa habang inaayos ang gamit nito na dadalhin nito bukas.

Pag akyat na pag akyat palang namin kanina ay agad na inayos namin ang aming mga dadalhin bukas.

Bumaba si Ali sa kama nito at agad na nilapitan si nesa. Kaya agad naman kaming napatayo sa aming mga Kama. Baka mag away na naman tong dalawang to.

Nagulat naman kami ng niyakap nito bigla si nesa habang tumatalon. Napabuntong hininga naman kami at sabay na napangiti ng dahil sa nasaksihan.

"What the"sigaw ni nesa.

"Kunyari kapa excited ka rin Naman"sambit nito habang tinutukso si nesa gamit ang mga mata.

"Bitawan no nga ako"naiiritang sambit nito.

"Ayoko nga, pa kiss na nga Lang"sambit nito habang nakanguso.

Agad namang napaatras si nesa, ngunit mahigpit parin ang kapit ni ali rito.

"Sali kami dyan"sigaw ni isa habang inihila kami patakbo sa kanila.

At nang makalapit kami ay agad kaming yumakap sa kanila.

Sobrang sarap ng pakiramdam kapag ganito. Yung masaya kayong lahat, nasa maayos na kalagayan kayo.

At sa 15 years na lumipas ay sa pilipinas ko lang naramdaman ang isang ganito yung feeling na buo ka. Yung feeling na may pamilya ka.

Namimiss ko tuloy sila anika, lalo na ang bunsong kapatid ng mga Ito.

Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa mo lahat ng gusto mo. Pero sa bawat pag pikit ng mata ko. Sa bawat pag tulog ko ay hinahabol parin ako ng nakaraan. Minsan nagigising nalang ako bigla na hinahabol ko ang aking pag hinga.

Pero nagiging matatag ako dahil kailangan kong bawiin ang para sa akin. Sa akin na iniwan nang mga magulang ko.

Napahinto ako at napangiti ng makita ko ang masasayang nakaukit sa kanilang mga mukha.

Mayamaya pa ay napapitlag ako ng bigla akong kilitiin ng mga ito.

Napuno ng halakhakan at tawanan ang buong kwarto ng dahil sa mga kagagawan naming lahat.

At nang mapagod ay pare pareho kaming bumagsak isa isa sa aming mga Kama at sabay buntong hininga.

"Ali"biglang sambit ni nesa sabay tingin Kay Ali

"Ani"sambit uli nito, sabay tingin Naman sa akin

Ngumiti Naman ito sa akin kaya naman sinuklian ko rin ito ng isang totoong ngiti.

Nakita ko itong tumingin sa kisame at nag buntong hininga bago ngumiti.

"At sainyong lahat"bulong na sambit nito

"Gusto ko Lang mag pasalamat at humingi ng sorry"bulong nito sa huling salitang sinabi nito, kasabay ng pag agos ng isang butil ng luha galing sa mata nito.

"Sorry sa lahat ng masasakit na salita at sa mga masasamang pag uugaling pinakita ko"bulong na paghingi ng tawad nito kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata nito.

Alam ko namang lahat ng tao may dahilan kung bakit nila ginagawa ang isang bagay, pero sana , hindi naman sobra.

Ang lahat ng tao ay pweding mag patawad.

Pero sa mga deserving, na tao lang.

At sa tingin ko deserve syang patawarin.

Napangiti naman ako rito at tumayo sa aking higahan kasabay naman ng pag upo nilang lahat.

Lumapit ako rito sabay yakap kasabay ng paghagulgol nito at yumakap pabalik sa akin.

"Shh okay na, mag simula tayo ng panibago"bulong ko habang naluluha, kasabay naman ng paglapit nilang lahat at pag yakap sa aming dalawa.

Maya Maya pa ay hinawakan nito ang aking pisngi. Kasabay ng pag bitaw nila ng yakap.

"Sorry kung masyado akong naging bitch sayo"bulong nito

"Mag mula kasi ng dumating ka nawala na ang atensyon sakin ni ms.wall, tapos nag kagusto pa sayo si lance"sambit nito habang nakayuko

"Pero don't worry tanggap ko naman na , ikaw talaga ang gusto nya"tuloy nito kasabay ng pag patak ng luha nito. Kaya naman agad ko itong hinila at niyakap.

"Shh okay na yon tapos na napatawad na kita"bulong ko habang nakangiting niyakap ito na agad namang tinugunan.

Mayamaya pa at dahan dahan itong humarap kay Ali. At magsasalita pa sana, ngunit agad itong niyakap ni Ali.

"Wag kanang magsalita, napatawad na kita, ang yakap mo nalang ang gusto Kong maramdaman"bulong nito na ikinahagulgol nito, kasabay ng mga luha naming nag sisiunahan sa pag tulo bago yumakap sakanila.

Napuno ng iyakan at tawanan ang aming kwarto.

Meron talagang mga bagay na mahirap intindihin  o patawarin pero sa kabila ng lahat, darating rin yung isang bagay o isang tao o kaya isang pangyayari na ipaparealized sayo na "you need to change" or "you need to forgive", malaki man o maliit ang ginawa nito.

Pero inuulit ko para sa mga taong deserving lang.

Kaya naman matuto tayong palayain  ang sarili natin, in short maging totoo ka sa kung sino ka.

"Ano ba kayo, tama na ang iyakan kailangan nating mag beauty rest, para bukas"natatawang sambit ni Isa na tinawanan naman namin.

Lahat naman kami ay dahang dahang umiwalay.

"Matulog na tayo"sambit ni ica

"May naisip ako"sambit ni ica habang ang isang kamay nito ay naka tutok sa kanyang isip.

Agad naman kaming napatitig dito na may pag tataka.

"Pag tabi tabi natin ang mga igahan natin"masayang sambit nito na ikinatawa namin.

Natulog kami na mag kakatabi habang mag kayakap na ikinangiti ko.

"Mom, dad, I got a new home, friend and family"bulong ko kasabay ng pag tulo ng isang butil ng aking luha habang nakangiti bago nakatulog.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now