Kabanata 43

2.7K 59 0
                                    

Ilang araw na ang nag daan at lumipas ngunit patuloy parin kami sa pag iimbistiga. At habang nasa may pool kami nila tita ay nag aayos kami ng mga bulaklak.

"Alam mo ba tong mapupulang rosas nato"nakangiting sambit nito habang nakatitig sakin. Na ikinangiti ko naman.

"Paborito ito nang aking prinsesa"tuloy nito habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Kaya naman nang mawala ito. Ay ang hijo kona ang nag alaga nang mga ito para sa kapatid nito."nakangiting sambit nito sa akin. Kasabay ng pag tulo ng kanyang luha. Kaya naman nilapitan ko ito at niyakap.

"At alam ko balang araw ay makakamit rin natin ang hustisya ng pag kamatay ng ating mahal sa buhay."nakangiting sambit nito na ikinangiti ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag harap nito sabay punas sa aking luha at sabay hawak sa aking pisngi.

"Shh don't cry. Wag mo munang sayangin ang luha mo. Dahil hindi pa natin nakakamit ang hustisya. Mag babayad muna sila. Kaya naman gusto kong maging matatag ka. Tutulungan ka namin. Kaming bahala sayo.  Sabay sabay nating ipanalo ang labang ito."nakatitig na sambit nito. Na mas lalong nag pasiklab ng galit ko sa kanila. Kaya naman dahan dahan akong tumango na ikinangiti nito kasabay ng pag tulo ng isang butil ng kanyang luha. Sabay yakap sakin.

Habang yakap ako nito ay nakita ko si Lance at ang ama nito. Sila ms.wall. sila angel at ang mga kasamahan ko na nakatitig sa amin habang nakangiti at sabay sabay na bumulong na

"Ipapanalo natin ang labang ito"

____________

Habang nasa may sala kaming mga kababaihan habang nanonood ng palabas ay biglang pumasok sina Lance kasama ang  ama at pinsan nito at ang driver nang mansion. At ang isa pang lalaki.

Bakas sa mga mukha nang mga ito. Ang pagod at pag kairita. Kaya naman agad kaming napa ayos  habang si ms.wall naman ay pinatay ang tv.

At nang makalapit sila ay ramdam ko ang pag upo ni Lance sa tabi ko habang ang iba naman ay umupo sa mga bakanteng upuan. Habang ang ama naman nito ay nakatayo. Nakita ko ang pag tango nito sa lalaking kasama nila. Feeling ko kasing tanda ito ni ms.wall.

Nakita ko ang pag titig nito sa akin. Na parang naluluha na ikinataka ko nang sobra.

"Hija naaalala mopa ba ako"sambit nito habang nakatitig sakin ng mariin.

"Po"sambit ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ngunit parang pamilyar sa akin ang mukha nito. Ngunit hindi ko matukoy kung sino ito. Nakita ko ang mga mata nito na nakatitig sa akin habang lumuluha.

"P-pamilyar po s-sakin ang itsura po n-ninyo"hindi ko matukoy na sambit habang kaba ang nanalakay sa aking mga ugat. Nakita ko naman pag tango nito sabay punas sa kanyang luha.

"Pasensya na kayo hindi lang ako makapaniwala na buhay ka"sambit nito na ikinataka ko.

"Sinabi kasi ng iyong pamilya na patay kana. Sinabing sinunog mo ang iyong sarili sa isa sa mga werehouse ninyo. Dahil hindi mo daw nakayanan ang ang pag kamatay nang ama mo kaya naman tinangka mo nalang patayin ang sarili mo"tuloy pa nito na mas lalong nag pagalit ng aking sistema.

"Mga hayop talaga sila"sigaw ko kasabay ng aking pag tayo. Naramdaman ko naman ang pag alalay sakin ni Lance at pinaupo ako ulit.

"Uminahon ka hija"sambit nang ina nito. Ramdam ko ang kanilang mga titig sa akin na naaawa.

"Mga hayop sila hindi ko mapapatawad ang ginawa nila sa pamilya ko"umiiyak na sambit ko habang yakap yakap ako nang binata.

"Baby stop ayokong nakikita kang ganyan"sambit nito habang may pag aalala sa kanyang boses. Na ikinainahon ko naman.

"Na ayos kona ang ibang kaso na pwedeng isampa. May mga nakuha rin kaming mga pruweba. Pero kulang pa. Pero wag kayong mag alala  patuloy parin kami sa pag hahanap na pwedeng ipag dagdag sa pruweba"sambit ni angel na ikinatango nang lahat. Napagawi naman kami sa ama nito nang biglang mag salita ito.

"Yung tungkol sa imbistigasyon naman ay nakausap kona. Napag alaman kona ang pangalan ng kapatid nang ama mo"sambit nito nang mariin..

"Telly Heel"sabay na sambit nito at nang lalaki kanina. Na ikinataka namin.

"Kilala mo ang kapatid ni Terry"nakakunot noong tanong nang ama nito. Nakita naman namin ang pag tango at pag buntong hininga nito. Sabay tingin kay tito at maya maya ay sakin dumapo ang mga mata nito.

"Dahil nga personal na abogado ako ng pamilya ninyo ay hindi maiiwasang minsan ko naring nakilala ang kapatid ng ama mo" sambit nito habang nakatitig sa akin.

The Heir Revenge (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora