Kabanata 16

3K 67 0
                                    

"ehem"biglang ubo ni ms. wall na nag pa gulat sa akin, agad kong tinanggal ang kamay ni lance na naka kapit sa aking bewang at yumuko kay ms.wall

"ms.wall"gulat na sambit ko, nakita ko namang hindi nakayuko si lance, kaya naman sineyasan ko itong yumuko, ngunit hindi ata ako nito maintindihan, kaya naman hinila ko ito pababa

"yuko"bulong ko, na nakuha naman nito, at yumuko

"ayy ano ba kayo,"biglang sambit nang ginang at agad kaming pinatayo

"kumusta naman ang pamamasyal nyo"nakangiting tanong nito

"okay naman po ms.wall"nakangiti kong sambit

"buti naman kung ganon, siguradong napagod ka hijo"nakangiting tanong nito kay lance

"hindi naman po"nakangiting sagot nito, habang nakatitig sa akin, na ikinailang ko naman

"ahh ms.wall, nakahandan napo ang pag kain"biglang singit ni ali, habang nakatingin sa akin na may pang aasar, na pinamulahan ko naman

"oh sakto, halina na kayo kumain na tayo"wika nito, na ikinatango ko naman

ngumiti pa ito ng isang beses at nag lakad, habang si ali naman ay tumingin pa ng isang beses samin, bago sumunod

"tara na, diba nagugutom kana"nakangiting sabi nito, sabay hawak saking kamay at hila

______________

ilang araw na ang lumipas at masasabi kong sobra na  ang pagiging malapit namin sa isat isa at masaya ako sa kung anong meron kami

lagi kaming pumupunta Bogac, para tumambay, maligo, at mag kwetuhan

Si nesa naman sobra ang pag paparamdam nito ng inis sa akin, na pinapatulan ko naman

syempre hindi tayo pwedeng mag patalo, tsaka nakakainis nga pag mumukha nya, ang sarap ilampaso

nagising ako sa kalagitnaan na gabi ng dahil sa pag ka uhaw, kaya naman tumayo ako sa aking kama at bumaba para makainom

papasok na sana ako sa kusina nang may bigla akong kaluskos, dahan dahan akong pumasok upang hindi makalikha ng ingay

nakita ko ang isang bulto ng lalaki, na parang may kinukuha sa kabinet, maya maya ay nakita ko itong kumuha ng gamot, sabay inom

"damn"rinig kong bulong nito habang hawak ang ulo

dahan dahan kong kinuha ang walis timbo sa gilid at itinapat sa kanya

"sino ka ha, mag nanakaw ka no"sigaw ko dito , habang naka tapat  ang walis sa kanya

nakita ko namang napapitlag ito, at agad na sinuot ang hood nito, humarap ito sa akin habang nakayuko, hindi ko makita ang mukha ang kanyang, at tsaka sobrang dilim

"why should i do that to my own mansion"mariin at malamig na sabi nito, na nag pagulat sa akin

"i-ikaw, señorito"gulat na sabi ko at agad na napayuko

"patawad po, señorito, akala kopo kasi mag nanakaw"tarantang sabi ko

"tssk"malamig na pag tikhim nito, at nilampasan lang ako at agad na umayat nang hagdan

"antanga mo talaga, sinong taong mag iisip na pupunta lang sa isang malaking bahay para mag nakaw ng gamot"bulong ko sabay batok sa sarili

kumuha ako ng baso at nilagyan tubig, agad ko itong ininom ng dahil sa uhaw at kaba

"hays" buntong hininga ko, at napailing

umakyat rin ako agad sa taas, upang matulog ulit, nang makapasok ako, ay sya namang mag kagising ni isa

"oh san ka galing"tanong nito habang kinukusot ang mata

"uminom lang ng tubig"mahina kong sambit upang hindi magising ang iba, tumango naman ito  at agad ring bumalik sa pag tulog

hindi kuna sinabi ang tungkol kay señorito, dahil alam kong hindi rin sya maniniwala

humiga ako sa aking kama,  at tumagilid habang nakatingin sa nakabukas na bintana

tanaw ko mula rito ang maliwanag na puting buwan na nakakaakit

bumuntong hininga uli ako at napapikit ng mariin hanggang sa makatulog

nagising ako sa aking mahimbig na pag tulog ng tumama sa aking mukha ang sikat na araw

kinusot ko ang aking mata at tumayo sa aking kama

agad akong nag handa at naligo, upang makapag prepare na nang agahan

pag katapos kong maligo ay agad akong bumaba at nag handa

habang nag luluto  ay sinasabayan ko ng pag kanta, at pag sayaw, maya maya pa ay pinatay kona ang kalan ng maluto na ito

nagulat naman ako ng may biglang yumakap sakin, at ramdam ko ang init ng katawan nito

agad akong humarap dito, at hinawakan ang kanyang leeg at noo

"antaas nang lagnat mo, okay ka lang ba"nag aalala kong tanong

"okay lang ako, nakainom nako ng gamot"sagot nito

"sigurado kaba"tanong ko

"hindi"bulong nito

"umupo ka nga muna"sambit ko at tinanggal ang pag kakayap nito, at inalalayan paupo  malapit sa upuan

nang makaupo ito ay agad ako nitong hinila at niyakap, isinubsob nito ang kanyang mukha sa aking tyan

"pahinga ka muna dito, aayusin ko lang yung mga gagamiting plato para makakain na"bulong ko rito habang hawak ko ang kanyang ulo , umiling naman ito, at humigpit lalo ang kanyang yakap

"no, dito ka muna"bulong nito

"pero---,"sambit ko sana

"please"bulong nito, napabuntong hininga naman ako at napatango

"pero maya maya ay mag aasikaso nako hmm"bulong ko, na tinanguan naman nito

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now