Kabanata 10

3.6K 82 0
                                    

Lumapit si Ms.Wall, at ako naman ay napayuko at hindi alam kung anong gagawin, dahil alam kong malalagot ako pag nag kataon

"Señ----"rinig kong sabi sana ni Ms. Wall

"Ms.Wall"rinig kong sambit nito, sa malamig na tono

"May masipag po pala kayong kasambahay"nakangisi at sarcams na sabi nito, na nag pakagat sa aking labi,  kasabay nang pasinghap

"Ahh oo masipag talaga yan hijo----"sabi sana nito, nang mag salita na naman ang lalaking to, lakas naman ng loob nya

"Lance po,"malalim na sabi nito

"Nakalimutan nyo na agad ang pangalan ko Ms. Wall, ilang oras palang tayong hindi nag kikita"nakangising sabi nito na nag pataka sa akin

"Ah eh pasensya kana Lance hijo, alam mo na matanda na"balisang sabi nito, na mas lalong ikinataka ko

"Okay lang, tsaka Oo nga pala Ms. Wall, dito muna ako makikituloy ha"mariing sabi nito

"Para mabantayan ko ang mga pananim na bulaklak, baka kasi may pumitas, at kumuha ng mga bunga ng puno, tsaka baka may makapasok nang hindi natin nalalaman, diba miss?"sarcams at tanong na sabi nito

"Ani po"nakapikit at mariin kong sabi

"Walang problema hijo"nakangiting sabi ni Ms.Wall

"Kahit dito kana tumira okay lang"tuloy nito, na tinuan naman nang kumag na lance nato, na nag pairap sa akin

"Ani mag handa na kayo nang makakain, lance, hijo kumain na muna tayo "utos at sabi  nito, kaya naman umurong ako ng konti at yumuko

"Masusunod po Ms.Wall"nakayukong sabi ko, na tinanguan naman nito

Sinulyapan ko pa ng isang beses, ang kumag nato, at binigyan ba naman ako ng isang smirk, kaya naman sa sobrang inis ay inirapan ko ito at nag lakad  papasok ng mansyon

At nang makapasok na ako ng kusina ay sinimulan na namin ang pag aayos sa Dining ,  at nandito na rin sila ali

"Uyy okay ka lang, kanina kapa wala sa mood pansin ko"tanong ni ali

"Oo nga pasin ko rin"pag gatong naman ni isa, na nag pabuntong hininga sa akin

"Uyy wag na kayong maingay nandyan na si Ms.Wall, may kasamang lalaki"biglang lapit at bulong samin ni Ica, kaya naman agad kaming nag sitayuan sa gilid

At nang  makapasok na sila , ay ramdam at rinig ko ang hagikgikan nila, habang nakatitig kay kumag

"Tss, di naman gwapo"bulong ko

"Tahimik"sigaw ni Ms. Wall, na nag pahinto sa kanila, at yumuko

"Mamaya na kayo kumain dahil-------"sabi sana nito nang mag salita naman si kumag

"Ms.Wall , it's okay, parang di naman ako iba sa inyo, mas maganda yung  sabay sabay kumakain diba"nakangisi at malamig na sabi nito habang naka titig ng mariin sa akin

"Tsaka para narin makilala ko ang mga katulong dito sa mansyon"tuloy pa nito

"Oh kung yon ang gusto mo hijo, edi sige"nakangiti na sabi ni Ms.Wall, na nag pataka sa amin, para itong anghel na bumaba sa langit pag kaharap si kumag

"Oh sige na mag si upo na kayo"sabi nito, habang nakapamewang sa amin

At wala pang isang segundo ay nag siupuan na sila, na nag pailing sa akin, uupo na sana ako ng dumaan sa harap ko si kumag

"May utang ka sakin"bulong at ngisi nito sa akin na nag pakunot ng noo ko

"Hindi ako nagsumbong"nakangising sambit nito na nag palaki ng mata ko

nag simula na itong mag lakad papunta sa pwestong nakalaan sa kanya, at umupo

"Bwisit nag karoon pako ng utang na loob sa kumag nayon"inis na bulong ko sabay upo, at sa kasamaang palad nasa harap kopa ito

Nakita ko itong nakatitig sa akin, kaya naman binigyan ko itong masamang tingin, na nginisihan lang nito, kaya naman sa sobrang inis, ay sinipa ko ito  sa ilalim ng mesa, at inirapan, na ikinadaing nito

"Aray"daing nito

"Okay ka lang ba hijo"

"Anong masakit"

"Anong nangyari"natatarantang sabi ni Ms.Wall

"Okay lang ako Ms.Wall, may cute na langgam lang na nangagat"nakangising sabi nito, habang nakatitig sa akin, na ikinayuko ko at ikina kagat sa aking labi

"Cute"takang tanong ni Ms. Wall

"Cute na langgam, may ganon po pala"nagtatakang sabi ni ica

"Yeah cute ang liit kasi nila, tsaka sobrang tapang para mangagat"mariing sabi nito habang nakatitig sa akin

"Diba Ani"nakangising sabi nito, na agad ko namang tinanguan, na mas lalong nag pangisi dito

"Ang sarap naman nito, sinong nag luto" tanong nito

"Si ani nag luto nyan"proud na sabi ni isa

Napatango naman ito habang nakatingin sa akin, at ngumisi

"Pwede nang mag asawa"biglang sabi nito, nag paawang sa amin, at pagka bulunan ni Ms. Wall

"Tubig tubig" biglang daing nito, na nag pabalik sa amin sa realidad

"Ay sandali po wala pa palang tubig, kukuha lang po ako saglit-----"sabi sana ni nesa

"Ako na"pigil ko dito, at nauna nang pumunta sa kusina

Nang makapasok ako sa kusina, ay napasandal ako sa pader, at huminga ng malalim, bago kumuha ng pitsel sa ref at ng matapos ay dali dali akong lumabas para agad kong mabigyan ng tubig si Ms. Wall

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now