Kabanata 12

3.2K 76 0
                                    

  habang nakaupo kami sa sala sobra parin ang aking kaba

" tignan mo ng dahil sa ginawa mo ay ipinahamak mo rin kami" galit na sabi sakin ni nesa

"walang may gusto sa nangyari" galit rin na sabi naman ni ali

" anong hindi gusto pinagplanuhan nya nga yon diba"  galit na sigaw ulit nito

Napabuntong hininga na lang si ali at tumigil, kaya naman napa yuko nalang ako habang lumuluha

"Tama na wag na kayong mag-away" nanginginig kong iyak

umupo naman  si nesa, at nangalumbaba

"Kapag ako nadamay lagot ka sakin ani" nanggagalaiting sabi nito kasabay naman ng pagpasok ni Ms. wall

Sabay sabay naman kaming tumayo at yumuko

"Ani sumunod ka sa akin sa library" malamig na sabi nito, kaya naman agad akong sumunod ayon sa utos nito

Nang makapasok kami sa library  ramdam ko agad ang tensyon nito nagulat ako ng agad itong humarap sa akin at sinampal ako

"alam mo ba ang ginagawa mo ha" galit na sabi nito sa akin, nayuko naman ako habang umiiyak

"Pasensya na po tatanggapin ko po ang aking parusa" umiiyak kung sabi

" alam mo na kung ano ang mga ginagawa sa mga suwail na katulong sumunod ka sa akin" galit na sabi nito habang nakatingin sa akin ng matalim

kumuha saglit ito ng libro at agad na lumabas na sinundan ko naman nang  makarating kami sa harap ng fountain

Pina bend ako nito at nilagyan ng libro sa ulo habang aking mga kamay ipina bukas nito nilagyan ng makapal na kahoy

"Sana mag tanda ka na sa ginawa mo" matalim na sabi nito habang nagpapaypay  at pumasok  sa loob ng  mansion

Maya-maya pa ilang oras na akong nakatayo dito sa labas habang tirik na tirik ang araw

nakita kong  nakatingin sila isa dito habang humihingi ng sorry na ngiti nalamang ang aking sinukli ilang segundo pa ang lumipas ay nakita ko ang kotse ng mansyon na papasok

"kumusta na kaya siya" bulong ko

"Masyado namang nag alala si ms.wall, diba haciendero lang si kumag dito"tuloy na bulong kopa

Nakita kong bumaba si manong galing sa driver seat at umikot ito at pinag buksan ang nakasakay  nakita kong bumaba si kumag doon at hindi ko alam kung bakit pero masaya akong malaman  na nasa maayos siyang kalagayan maglalakad na sana ito papasok ng mansyon ngunit napadako sa akin ang kanyang mga mata napailing lamang ito sa nakita at nilapitan ako na nag payuko sa akin

"Ginawa mo ba talaga iyon" mariing nitong tanong tumango naman ako at napayuko

" hindi mo sinabi ng gusto mo pala akong patayin edi sana nilason mo nalang ako" matalim na sabi nito

" sorry" bulong ko dito

"hindi na maibabalik ang pagkawala ko ng hininga kanina ng dahil sa kagagawan mo" mariing sabi nito

"alam mo bang gusto kong humingi ng tawad sayo nang dahil sa mga ginawa ko nitong nakaraang araw pero anong ginawa mo muntik mo na akong mapatay" galit na  sabi nito habang nakaturo sa akin ang kamay napa hagulgol nalang ako habang nakayuko maya-maya pa ay tinignan lamang ako nito at naglakad na papasok ng mansyon at nakita ko naman nakatingin sila ali sa akin na may awa sa mga mata habang nakangisi naman si nesa na ikinailing ko

lumipas ang ilang araw na galit ito sa akin  at kahit na ang pagtingin ay hindi nito magawa at kapag naman lumalapit ako ay lumalayo ito

"Kasalanan mo rin naman" bulong ko habang naglalakad

At nang mapadaan ako sa hardin ay nakita ko itong nag aayos ng mga bulaklak kaya naman naisipan kong lumapit dito  habang nakatalikod ito  upang hindi na ito makaiwas at nang makalapit ako

"kumag sorry na" bigla kong sabi napa harap naman ito at tinignan lamang ako at  nilagpasan hinabol ko  ito  at pinigilan

"please na patawarin mo na ako" sincere kong sabi ngunit  tinignan lamang ako nito ng mariin

"sincere bayan" malamig na sabi nito na agad ko namang tinanguan

"Di ako naniniwala" nakangising sabi nito at lalagpasan na sana ako nito ng hawakan ko ang kanyang kamay

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka" bulong ko dito

"Halikan mo ako" nakangising sambit nito  na nag pag-gulat sa akin

" baliw ka ba" gulat na sigaw ko dito

"naniwala ka naman" nakangising sabi nito

"Hindi ko nga kayang halikan ang isang katulad mo" tuloy pa nito

"abat" gigil kong sabi ngunit tinignan lamang ako nito at nilagpasan kaya naman sa sobrang inis ko ay pinatid ko ito

kasabay naman nito ang paghila nito sa akin na naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa at naramdaman ko ang isang malambot na labi na tumama sa akin

napatigil ako ng dahil sa gulat at ng nang maramdaman ko ang kamay nito na tumatakpik aking likuran ay agad akong napabalik sa realidad kaya naman agad akong tumayo at hindi alam kung saan igagawi ang aking paningin, ng  dahil sa sobrang kaba at gulat ay iniwan ko ito sa hardin at  agad ng tumakbo papasok sa loob ng mansyon

"Anong nangyari sayo bakit ka namumula" nagtatakang tanong ni isa na mas lalong nagpamula sa akin

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon