Kabanata 34

2.6K 60 0
                                    

Pumasok ako sa aming kwarto at pumunta sa aking kama at yumuko. Kasabay ng pagdaloy ng aking luha. Naramdaman ko naman ang kanilang mga bisig na yumayakap sa akin.

"Mamimiss ko kayo." Bulong ko sa mga ito. Naramdaman ko naman ang kanilang pag iyak.

Iniangat ko ang aking ulo at humarap sa kanila. Hinawakan ko ang pisngi ni nesa. At naramdaman ko ang pag tulo ng luha nito habang nakatitig sa akin.

"Kapag umalis na ako. wag kang mag babago ha. Mamimiss kita" bulong ko sabay yakap rito. At halik sa pisngi nito.

At pag katapos ay humarap ako sa kanila at isa isang tinignan.

"Nika. Isa. Ali. Ica."bulong ko sakanila habang binibigyan ng pilit na isang ngiti ang aking labi.

"Lagi kayong makinig kay nesa ha. Bilang nakakatandang kapatid. Ali. Nesa wag wag na ulit kayong mag aaway. Bagkus ay tulungan nyo ang isa't isa na alagaan ang mga bunsong kapatid natin"bulong ko sa kanila kasabay ng pag tulo ng aking luha.

"Ani"impit na iyak ni nika sabay yakap sakin. Na sinundan naman ng iba. Ramdam ko ang kanilang mga iyak sa aking bisig. Na ikinangiti ko. Mamimiss ko kayo.

Maya maya pa ay iminulat ko ang aking mata at naramdaman ko ang kanilang masarap na pag tulog sa aking bisig. Kaya naman dahan dahan akong tumayo. At tumingin sa orasan at nakita kong 4:49 na nang madaling araw kailangan ko ng umalis. Baka maabutan pa ako ng sinag ng araw dito.

Kaya naman nag palit lang ako ng damit at pinasok lahat ng aking gamit sa aking bag at maletang dala ko. Kinuha ko ang aking naipong pera na naging sahod ko sa pag tatrabaho ko rito. At sinuksok sa dala kong bag. Kailangan ko nang umalis dahil ang gising ng mga ito  ay 5: 20.

Bago ako lumabas ng pinto ay tinignan ko muna ang mga ito. At ngumiti.

"mamimiss ko kayo."bulong ko.

Bawat hakbang na aking ginagawa at bawat sulok na nakikita ko sa mansion ay ang kanilang mukha ang aking nakikita. Ang mga ngiti ni Lance. Ang pag tataray ni Nesa. Ang masayahing si isa, nika at ali. At ang misteryosong si ica. At ang mataray na mabait na si ms.wall. mamimiss ko silang lahat. Ngumiti ako ng isang beses. Bago lumabas ng pinto. Tutuloy na sana ako ng madaanan ko ang hardin. Kaya naman sumilip ako sandali.

Naalala ko ng minsang nag linis ako rito. At yung araw ring iyon. ay ang unang beses kong nakilala si Lance. Nakita ko ang wall na secret passage nito. Na patungo sa hideout nito. Itutulak ko na sana ito. Nang maisip kong wala nakong karapatan pa. Kaya naman napangiti na lamang ako ng may lungkot. At tumalikod at inumpisahan nang mag lakad palabas hanggang sa makarating ako sa bus.

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon